bc

Chasing Cairo (Silvejo Series #1)

book_age16+
2.0K
FOLLOW
15.5K
READ
age gap
opposites attract
arrogant
kickass heroine
heir/heiress
sweet
bxb
heavy
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Naya’s life as a high school student was hard. Being a graduating student and the captain of the volleyball team in Palanca Science High School, she needs to do everything to balance everything with flying colors. She’s faced with a dilemma after receiving low marks on her major subject making her possible to lose her athlete collegiate scholarship in Manila if she fails to bounce back.

On the other hand, Cairo was exceptionally smart, but naturally brute and hot-headed. He went home after years of studying and living in the US because of their mother’s request.

Naya promised that he will not like Cairo at all until her last breath but when she was forced by the circumstances to get tutored by him, she started to read between his cold façade.

As he slowly opens up to her, Naya started to develop feelings for him but chose to stay friends with him to avoid misunderstandings in the future.

But can she stand her decisions of setting boundary when all this time, she wants Cairo. Will she stay on the line she drew or will she start chasing Cairo when he kept on sending mixed signal to her?

chap-preview
Free preview
Simula
    Mabilis ang naging lakad ko papunta sa loob ng hotel. This is the only time na nagawa kong magpakita sa food tasting and yet, my people created havoc.         "Chef!" sigaw ng isa sa mga tauhan ko doon.     I ran through the staff’s entrance to the restaurant. Walang pakialam kung panay ang pag-aapula ng mga bumbero doon sa sumabog na LPG. Mausok sa loob pero hindi naman sunog na sunog. Nagmarka nga lang ang ilang pinsala sa kitchen equipments.         "Ano’ng nangyari, Ben?" tanong ko sa isang kitchen staff na may hawak na ubos na fire extinguisher.     Puting-puti ang paligid dahil sa fire extinguisher na para bang may snow fall na naganap doon.         "Sumabog po ang tangke ng LPG, Chef. Mukhang hindi naikabit ng maayos," paliwanag nito.     Wala na ang apoy, naapula na ito bago pa man ako nakarating galing sa isang food tasting appointment. Natira na lang ang iilang bumbero na inaalis ang hose, pati na din ang mga sirang appliances.         "Sino ang nagkabit ng wirings ng LPG kung ganoon? Alam na ba ito ni Madame?" tanong ko pa.     Nilapitan ko ang lugar kung saan ang cooking range na ginagamit ko roon. Sirang-sira iyon at wala nang natira.         "Hindi ko po alam, Chef," sagot ni Ben.     Pumasok sa kitchen si Shira, sous chef siya at kaibigan ko rin. Nag-aalala ang kan’yang mukha na lumapit sa akin. Bakas sa kan’yang mukha ang problema na kakaharapin nila mamaya.         "Naya!" sigaw ni Shira. .     Hinarap ko ang kaibigan. Siya ang naiwang in-charge rito habang nasa food tasting ako. Dati ay siya ang ipinapadala roon, dahil hindi ko maiwan ang kusina. Ngayon naman na napagpasyahan ko na um-attend saka naman mangyayari ito.         "Ano’ng nangyari dito, Shira? Ano’ng sabi ni Madame?" tanong ko, nag-aalala na.         "Naku! Medyo uminit ang ulo ni Madame. Masyado daw tayong naging pabaya. Hinahanap na 'yung nagkabit ng hose ng LPG para makapagpaliwanag," sagot ni Shira.     Kinabahan ako roon. Kung titingnan ang pinsala ay malaki pa rin kahit ang kitchen lang ang apektado. Sa halaga pa lang ng mga appliances dito at mga kitchenware ay paniguradong masakit sa bulsa.     Sakto na pagkasabi noon ay ang pagdating ng CEO ng hotel na ito. Nakakunot ang noo ni Madame Andrea Silvejo at sinusuri ang pinsalang dulot namin. Kasunod niya ay ang ilang sekretarya, pati na din ang kan’yang private nurse.         "Naya," she greeted me.     Nilingon niya rin si Shira at tinanguan ito.         "Shira," she greeted Shira too.     I know Madame since highschool. Kaibigan ko ang bunsong anak nito kaya madalas ay napapadpad ako sa mansyon nila. Siya rin ang dahilan kung bakit dito ako nagtatrabaho ngayon.     Kaya hindi ko alam kung paano maipapaliwanag ang nangyaring ito sa Ginang.         "Madame. Alam ko pong huli na pero pasensya na po kayo sa gulong dinulot ng staff ko," sabi ko bilang paghingi ng paumanhin.     Tumaas ang kilay nito sa akin at nagkibit balikat. Halatang naiinis sa nangyari pero wala na siyang magagawa pa.         "Naya, I know that you're a good chef but please paki-orient sa mga kitchen staff mo. Some of my investors are here nang marinig na nagtitilian at ang mga tumatakbong customer," pangaral ni Madame.     Tumango ako at tinanggap ang pangaral ni Madame.     After all, siya ang boss dito.         "Sorry, Madame," paghingi ko ng paumahin.     Yumuko din si Shira para suportahan ako.     Naglakad si Madame papalapit sa mga bumbero na nililigpit ang ilang debris mula sa mga appliances na puwede pang makasakit.     Sumunod lang ako at si Shira, kinakabahan sa puwede naming sapitin. Baka sa huli, sa amin pa ito singilin.         "Ipapatawag ko ang Public Relations Manager para siya na ang makipag-usap sa mga media sa labas. This day is stressing me more and that's bad for my health," sabi niya na may kaunting histerya.     Nagkatinginan kami ni Shira bakas ang takot.     Magaling!     Alam na ng media ang aksidente sa loob ng kitchen. Isa pa naman ang Hotel Verado sa mga tanyag na hotel sa bansa. They're the biggest competitors of the Cepeda-Luna in the hospitality industry.     They are tight with the competition kaya ang paglabas nitong issue ay talaga namang makakaapekto ito.         "Mag-me-meeting tayo ngayon. I called for an emergency board meeting dito sa Batangas. I want you both in the meeting," sabi ni Madame.     Tumango ako kahit na kinakabahan.         "Okay, Madame. We'll be there po," I answered.     Nakahinga lang ako nang maluwag dahil nawala na si Madame sa kitchen. Naglilinis na din ang mga maintenance ng mga gamit doon. Ni isa ata walang matitira kasi basang basa sa water sprinkler.     Umalis na rin ang bumbero at unti-unti ay naubos ang media dahil naglabas na ng statement ang Public Relations.         "Nakakakaba! Sana huwag tayong mawalan ng trabaho, Sis!" sigaw ni Shira na punong puno ng kaba nang pinapasok kami ng sekretarya sa conference room.     Kinurot ko ang palad ko nang makita na full-packed ang conference room ng mga board member.     Talagang naririto sila sa Laiya Branch kaya paniguradong seryoso ito.         "Sit down, Naya, Shira," utos ni Madame.     May dalawang upuan sa pinakadulo ng long table. Nakaharap ang upuan namin ni Shira sa Chairman of the Board na si Madame. Para kaming nasa hotseat na dalawa ni Shira kaya mas lalo akong kinabahan.         "Madame," tawag ng sekretarya mula sa pintuan, “Nandito na po si Sir."     Tumango si Madame roon at sinenyasan na patuluyin kung sinuman iyon. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng makita kung sino ang pumasok.         "Shet! Ang gwapo," Shira whispered.     Nagawa pa akong kurutin sa braso. Nilingon ko si Shira at napagtanto na hindi talaga ito panaginip.     Naririto talaga siya!         "Mama," bati ni Cal sa kan’yang ina.     Dinaluhan ni Madame si Cal at saglit na niyakap.         "Good afternoon, everyone," bati niya sa mga naroon.     Hindi na ako makahinga. It's been what years since I last saw him? At kailan pa siya nasa Pilipinas?     Napansin ko ang pagiging matured ng kan’yang katawan. Ang kan’yang long sleeves na puti ay nakatupi hanggang sa kan’yang mga siko, at may dala siyang leather briefcase. He aged so well. Bakit apektado pa din ako?         "This is my eldest, ladies and gentlemen,” pakilala ni Madame.         "Nice to meet you, everyone," he greeted politely.     Even his voice was so different from before. It's like it's a new Cal in front of me. They exchanged pleasantries. Puno ng admirasyon si Shira sa tabi ko. Ako naman, mukha atang constipated dahil hindi na talaga ako mapakali.     Cal scanned the whole place. Mas lalo akong hindi makahinga nang magtama ang paningin namin.     He raised his brow for a second and looked at the other board member.         "Cal will take over my position as of today,” Madame said proudly, “He will be the chairman of the board."     What? Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay. He will take over as in? Kailan pa siya nagkainteres dito?     He is a freaking pilot. Ano ang alam niya sa pagiging hotelier? And why I am acting like this?     I cannot believe it!         "I'm Cairo Silvejo," he introduced to everyone in the room.     Umupo siya sa tabihan ni Madame sa kabisera.     Nanatili akong nakatingin sa mesa. Katapat siya ni Shira habang katapat ko si Madame. Napatingin ako sa aking kamay, saka ko lang napansin na kanina pa akong nanginginig.     Cal Silvejo will be the new CEO, technically my boss!     This is not so gonna happen! Pumikit ako ng mariin at nagmura sa aking isipan.         "Can we start the agenda, please?" tanong ni Madame na may palakpak pa sa mga naroon bilang hudyat.     Saka pa lang ako nag-angat ng tingin rito. Oo nga pala! May problema pa akong malaki na may posibilidad pa akong masisante pero bakit mas mahirap sa akin ang maging boss ang lalaking nasa harap ko at malamig ang tingin sa akin?         "Chef Naya, can you explain what happened please?" Madame said in a merciless tone.     I just blinked, looking at the only person I can see at the moment.     No one knows that I am facing Cairo Alessandro with a heavy heart, batch of memories seeped to my mind like a storm.     I am facing my ex-boyfriend after six f*****g years.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
63.1K
bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
284.5K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

The Real About My Husband

read
24.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
87.7K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook