Kabanata-2

1407 Words
"Sigurado kang alam mo ginagawa mo?" tanong ng tinatamad na si Paris sa akin. Tumigil ako sa pag-so-solve ng problem sets na binigay niya at tinaasan siya ng kilay. Tiningnan niya ako na para bang ji-na-judge niya ang ginagawa ko. "Eh, paano ba?" tanong ko, malapit ng sumuko. Umiling si Paris at tiningnan ang papel ko. Kinuha niya ang lapis at nag-umpisa ulit na mag-explain. "Nakuha mo?" tanong niya, matapos i-explain ang napakahabang solution. Nanatili akong nakatitig sa papel. Hindi ko pa rin nakuha iyon kahit naman malinaw ang pagpapaliwanag na ginawa ni Paris. "Hindi eh," sagot ko. Parang batang hinilamos ni Paris ang kan’yang palad sa buong mukha at ginulo ang buhok habang nakahiga sa carpet nila. "Naya, naman eh!" sigaw niya at nagpa-gulong gulong na sa sobrang frustrated. Ngumiwi ako at pinanood siya. Nakaisang oras na kami at hindi pa nakakalapas sa isang problem. "Kumain na nga muna tayo, Naya! Past dinner na. Ipapahatid na rin kita pauwi. Bukas na lang ulit. Pinapatay mo ang braincells ko," anyaya ni Paris at bumangon na. Dumiretso siya sa pasilyo papunta sa kusina. Sumunod lang ako sa kaniya. Pagdating ko roon, nakaupo na ang kapatid niya sa kabisera, naghihintay sa amin. "Si Mama?" tanong ni Paris sa kapatid. Nagkibit-balikat ang kapatid at seryosong tumingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ang ngisi niya sa mukha. "Senyorito, maupo na po kayo ng kaibigan mo," sabi ng matanda na naroon. Sinenyasan naman ako ni Paris na maupo sa tabi niya. Ramdam ko pa rin ang titig ni Cairo. "How's the tutoring?" tanong niya nang makaupo kami. Nag-angat ng tingin si Paris sa kan’yang kapatid at tumango. Namuo naman ang kaba sa akin. I know, I suck at Calculus. "Okay naman," pagsisinungaling ni Paris. Ngumuso ako. Okay nga, mukhang hindi ako makakapag college niyan! "Calculus is quite easy. You can master it," Cairo commented. Tahimik akong kumuha ng kanin. Madali? Ano, share mo lang? Umirap ako at nilapag ang lalagyan sa mesa. Medyo napalakas iyon kaya gumawa ng ingay. "Ay, sorry!" paghingi ko ng paumanhin dahil masama ang tingin ng ilang katulong. Mukha pa namang mamahalin ang mga kitchenware rito. "Bakit ka umuwi?" pag-iiba ni Paris ng topic. Kinuha ko ang iniabot niyang ulam sa akin at naglagay sa kanin ko. May diet akong sinusunod para sa training. Cairo's brows furrowed at Paris. "Request ni Mama. I'm gonna meet someone," sagot nito sa mayabang na tono. Tumingin ako kay Paris na mukhang nakuha iyon. Tahimik na siya ngayon, pinagpapatuloy ang pagkain. Tinitigan ko si Cairo, na ngayon ay tahimik na kumakain. Nag-angat siya ng tingin para salubungin ang titig ko. Nagtaas ako ng kilay at umiwas na. "Naya Palma, right?" tanong ni Cairo sa akin. Tumango ako ng tipid. "Yeah. Just Naya, " sagot ko at kibit balikat. Paris cleared his throat at kinuha ang platter ng truffles at kumuha ng isa para ilagay sa aking plato. Tumikhim si Cairo at sumimsim sa kan’yang baso habang matiim na tumingin sa aming dalawa. "Is she your girlfriend, Paris?" tanong ni Cairo. Tumaas ang kilay ko. May panghahamak ang boses na iyon ng kuya niya, kaya hindi maiwasang kumulo ng dugo ko. There is something on his aura that makes my blood boil. "No, Cal. She's a dear friend to me," Paris answered dangerously. Ngumisi si Cairo at umupo ng maayos para maabot niya ang truffles na nilagay ni Paris sa plato ko at kinain iyon. "Friend," he said. "Good to hear, Paris. You must know where to draw lines between friendship and love. You are a Silvejo, you know our stand when it comes to engagements and marriage. You are aware of that too, Ms. Palma, right?" tanong niya sa akin at pinunasan ang gilid ng kan’yang bibig bago pinagkrus ang kan’yang mga binti. "Cal, stop being so rude !" banta ni Paris sa kapatid. Nilingon ko si Paris at nakita na sobrang higpit ng hawak niya sa kubyertos niya. He's obviously pissed off by his brother. "What? Everyone knows here in Palanca, brother," he said. Huminga ako ng malalim at padabog na binaba ang mga kubyertos ko. Napalingon si Paris. "Oo, alam ko. Gaya ng sinabi mo, alam ng lahat ng tao rito Palanca na walang kakayanan na pumili ng sariling mapapangasawa ang mga Silvejo. At huwag kang mangamba dahil magkaibigan lamang kami ni Paris at nire-respeto ko siya. Wala akong balak na makisali sa pamilya niyo." sagot ko at ngumiti ng pilit. "N-Naya!" tawag ni Paris sa akin dahil tumayo na ako at naglakad pabalik sa sala kung nasaan ang mga gamit ko. Nagkukumahog si Paris na lumapit sa akin. Niligpit ko ang mga gamit ko sa bag at sinakbat iyon. "Naya, ihahatid kita. Hintayin mo ako. Walang biyahe at delikado kung uuwi ka mag-isa," sabi ni Paris at sumigaw sa katulong na tawagin ang driver. "Huwag na, Paris. Papasundo ako sa kapatid ko sa may gate. Baka ano pa ang isipin ng matapobre mong kapatid," sagot ko at sinuot ang varsity jacket. "Makiki-text na lang ako kay Kuya Nial gamit ang phone mo." Napanganga si Paris sa sinabi ko at namutla. Nagmura siya para sa kapatid. Hindi ko siya pinansin at nauna nang lumabas. Nakasunod pa rin sa akin si Paris hanggang sa gate. Nawala na ako sa mood mag-aral. Wala na akong pakialam kung bukas ay bumagsak ako sa long quiz sa Calculus. Binigay nito ang kaniyang cellphone sa akin para ma-i-text ko si Kuya. Mas okay na iyon kaysa sa maalipusta ng kung sinuman gaya ng kapatid ni Paris. Alam ko na malayo ang agwat namin ni Paris sa buhay at talagang nakakapagtaka kung paano kami naging magkaibigang dalawa. Pero napaka-busilak ng kalooban ni Paris at mapagkumbaba, isa sa mga dahilan kung bakit marami siyang kaibigan. "Pumasok ka na, Paris. Si Manong na ang bahala sa akin," sabi ko dahil nakapamaywang doon si Paris katabi ng guard. Umiling ito. "Hindi kita iiwanan rito hangga't wala ang kuya mo, Naya. Hindi pa rin siya nag-re-reply. Ayaw mo ba talaga na ipahatid na lang kita kay Manong? " tanong niya ulit. Suminghap ako at umiling. Pasado alas-otso na ng gabi at ayaw ko ng makaabala pa. Oras na nang pahinga ng mga tauhan nila. Tiningnan ko ang relo ko at hindi rin ako makakapag-text kay Kuya Nial dahil naiwan ko ang phone ko sa school. Base rin naman sa hitsura ni Paris, wala pang reply si Kuya Nial. May liwanag na tumama sa bandang likuran ko. Nilingon namin ang nakakasilaw na motorsiklo na tumigil sa harapan ng gate. Mabilisang tumabi ang guard para buksan ang gate at bigyan ng daan ang nakakatandang kapatid ni Paris. "Magandang gabi, Sir," sabi ng guard at sumaludo pa nang pinaraan ang motorsiklo. Big bike iyon at halatang napakamahal. Kulay itim at puti iyon. Nagtagtag ng helmet ang lalaki at mariin na tumingin sa akin. "Hop in," utos niya. Kumunot ang noo ko. Walang makakapagpasakay sa akin sa motor niya. Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng varisty uniform at umiling. "Ako ang maghahatid sa kaniya, Cal. Bisita ko siya," sabi ni Paris at halos itaboy na ang kapatid. "And I made her go home kaya ako ang dapat na maghatid sa kaniya. Besides, you don't have your license yet,” he answered. Binuksan nito ang box sa likuran niya at kinuha ang isa pang puting helmet at iniabot sa akin. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya. "Salamat sa pag-aabala mo pero kaya 'kong umuwi mag-isa. Baka madumihan ko pa ‘yang mamahaling sasakyan mo," sabi ko sa kaniya. "Naya, malayo! Ipapahatid na kita—" sabi ni Paris na agad ding naputol. Natigilan ako ng isuot ni Cairo ang puting helmet sa akin at tumingin ng seryoso. Ang kan’yang mata ay may halong galit. "The sooner you ride my bike, the sooner you can get rid of my face," sabi niya. Napa-hawak ako sa helmet na nasa ulo ko. "I called your house. Hindi ka masusundo ng kuya mo dahil lasing siya at tulog na ngayon. Your mother asked me if I can drop you home dahil wala nang biyahe at malayo ang mansyon mula sa inyo kung maglalakad ka," saad pa niya. Natulala ako sa sinabi niya. He called our house? Saan niya nakuha ang numero ni Mama? "Hop in. I promise your mother to drop you home safe and sound. Just get on the damn bike, Naya Palma!" sabi niya at inalis sa stand ang kan’yang bike at ni-start iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD