Kabanata 6

2185 Words
I was so not in the mood the whole day that tomorrow pagkatapos akong ipahiya ni Cairo sa ilang estudyante sa school. Hindi naman ako pinilit nina Wilmet na pag-usapan pa iyon. Paris kept on saying sorry about the behavior of his brother but the hell I care! Hindi siya ang dapat mag-sorry sa akin kung hindi ang mayabang niyang kapatid. Tinatali ko ang sapatos para sa training nang lumapit si Paris sa akin. “Hey,” he called and he sat beside me. Hindi ako nag-abala na tingnan ito. I tied my shoelaces. May ilan sa mga ka-team ko ang napapatingin kay Paris at ngumingiti. “Tuloy tayo mamaya. Sabay na tayong pumunta sa bahay, okay?” he said and smiled at me. Lumunok ako at umiling. Pumito si coach para pumunta na kami sa gitna at maumpisahan na ang drills. Paris was still in his uniform at sakbat pa lang nito ang kaniyang pang laro. I was about to run to the court pero nahawakan niya ang kamay ko. Marahan ko na binawi iyon at ngumiti ng tipid. “Hindi na. Pupunta na lang ako sa inyo. Ayoko na sumabay sa sasakyan ng kapatid mo—“ “Hindi ako magpapasundo kay Cal kung iyon ang inaalala mo, Naya. We will hail a tricycle to our house. Okay?” sagot ni Paris sa akin. Pumito muli si Coach na nakatingin sa akin. Ako na lang pala ang hinihintay nila sa gitna. I just nodded para umalis na si Paris. I ran to the middle at naabutan ko ang nakangisi na si Missy at Grace. “Grabe! Ang haba talaga ng hair mo, Naya? Lapitin ka ng magkapatid, ah?” ngisi ni Missy habang ginagawa namin ang stretching. “Magkaibigan lang kami ni Paris,” sagot ko at ginawa na hindi tunog defensive ang boses ko. "Eh, 'yung Kuya?" mapang-asar na tanong ni Grace. "Mas lalong hindi. Hindi ko kaibigan, kakilala lang." Wala naman dapat ako idepensa, totoo naman na magkaibigan lang kami ni Paris at lalo na walang namamagitan sa amin ni Cairo. Ugh! Never! Partner ko si Missy habang si Grace naman ay isa sa mga junior. “Sabi ni Ate, nasa hotel Verado daw kagabi ‘yung kapatid ni Paris. Sobra daw pala'ng guwapo kapag malapitan. Halos lahat daw ng staff na babae, kulang na lang maghubad sa harapan.” sabi ni Grace. Tumawa si Missy at tumayo na. Ako naman ang pumalit na humiga para matulungan niya ako na ma-stretch ang paa ko. “Talaga? Siya na ba ang mag-ma-manage ng hotel nila? Baka kaya umuwi? Hindi ba ayaw ni Paris na mamahala noon kasi mag-PMA siya next year?” tanong ni Missy. Hindi ako nagsalit pero napaisip din. Maaaring ganoon nga, dahil alam ng lahat ang plano ni Paris na magsundalo. Pupunta siya sa Baguio para doon na mag-training. “Hindi rin alam ni Ate, eh? Pero baka ikakasal na? Kasi marami daw bisita na mayayaman sa hotel kahapon. Alam mo naman ang mga Silvejo, arranged marriage.” sagot ni Grace. "Wala talagang chance ang mga gaya nating hampaslupa sa magkapatid. Sina Madame at Senyor ang makakalaban kapag ganun..." dagdag pa ni Missy. Natahimik silang dalawa dahil naglakad si Coach papunta sa banda namin. Nakataas ang kilay niya sa aming tatlo na mukhang kanina pang napapansin na nagdadaldalan kami imbis na mag-focus sa stretching. “Tama na nga ‘yan, Missy, Grace. Baka mapagalitan pa tayo. Sobrang pagod ako para mabigyan ng extra laps ngayon.” sabi ko at tumayo na. Natapos ang warm up drills namin. Sinanay kami ni Coach sa teamwork. Kami at ang bagong libero na papalit kay Jillian ang mga pinagtuunan ng pansin kasi kami ang crucial. Halos malumpo na ako matapos niya akong patalunin at pag-spike-in nang paulit ulit. I sighed and sat on the ground nang matapos. I was so really focused at nagpapasalamat ako na wala doon si Cairo sa bleachers. Mabuti naman at baka masampal ko lang ang mukha niya. We played and trained for another two hours. Basang basa ako ng pawis nang matapos. Paris was the same. I had to excuse myself para makaligo sa cr dahil sa amoy ng pawis ko. He waited for me. Gaya nang napag-usapan, sabay kaming lumabas at pumara siya ng tricycle. “Salamat, Manong. Ito po ang bayad namin. Huwag niyo na po suklian.” nakangiting sabi ni Paris. Sobrang gentleman niya at nakuha pa niyang kunin ang sports bag ko para siya ang magbitbit noon. Sinalubong kami ng kanilang mayordoma. Nakatingin ito sa bag ko na dala-dala ni Paris at nilagay sa marmol nilang sahig. Nagpahanda si Paris nang makakain at umakyat na muna sa taas para makaligo. "You wait here, okay?" sabi ni Paris. I stayed on the living room. My hair’s still damp. Tahimik ang buong bahay. Cairo must have been at their hotel again at mas mabuti na iyon. Wala pa siya sa mood para pansinin ang binata. Nagdala ng cookies at juice ang isa sa mga kasambahay. Ngumiti ako sa kasambahay. Ilang sandali lang ako na nakatingin sa cellphone ko nang marinig ko ang yabag na bumababa sa hagdanan. “Ang tagal mo naman maligo—“ Nabitin sa ere ang sasabihin ko dahil imbis na si Paris iyon, isang bagong gising at topless na si Cairo Alessandro ang nakita ko. Nawala ang ngisi ko at napalitan iyon ng maasim na hitsura. Tumaas ang kilay niya at pinagpatuloy ang pagbaba sa hagdanan. He looked like he was not in the mood too. Hawak niya ang kaniyang cellphone at walang imik na lumiko papunta sa kusina. Napairap ako. Okay lang na ganoon nga. As if naman na gusto ko siyang kausap! Wala pang sampung segundo, bumaba na si Paris sa hagdanan. Nakangisi ito sa akin na agad kong inirapan. “Bakit?” tanong niya. Umiling lang ako at binuksan na ang libro. Kinuha naman ni Paris ang notebook ko at nag-umpisa na magsulat doon. Paris explained the problems in the easiest way he can pero talagang hirap pa rin ako. Tiniis ko at pinilit na intindihin iyon. “Nakuha mo ba, Naya?” he asked me. Lumunok ako at kinuha ang isang lapis. “Hindi pa rin ako sigurado. Pero susubukan ko na i-solve ‘yung isang equation. Okay lang?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti si Paris. “Oo naman! Ganiyan nga, Naya! Fighting spirit lang!” he said at binigay ang workbook na kailangan ko i-solve. Tahimik ko na sinubukang mag-solve nang sumulpot si Cairo sa living area. Hindi gaya kanina, he was wearing a muscle shirt. Sa kamay niya ay ang home telephone. “Paris,” he called. “What, Cal? We are busy. Shoo away.” he answered rudely. Naiinis na lumingon si Paris sa kapatid. Ginawa ko ang lahat ng makakaya na hindi tumingin at nagkunwaring alam ko ang ginagawa ko kahit na ang totoo, hindi ko alam ang isusulat ko roon. “Papa wants to talk to you.” he said at pinakita ang telepono, “I will tell them what you said.” dagdag pa niya at umamba na aalis na. “Wait, Cal.” tawag ni Paris. Tumikhim si Paris at padabog na kinuha iyon. He looked at me and pointed at the telephone. “Sagutin ko lang ‘to, Naya… Cal, do not you dare to disturb her.” he said at umalis na para sagutin iyon sa mas tahimik na lugar. Cairo walked to my direction. Mahigpit ang hawak ko sa aking lapis sa pag-aakala na uupo siya sa tabi ko pero doon siya umupo sa harap ko at kinuha ang isa sa mga magazine na nasa ilalim ng center table. Sumalubong sa ilong ko ang napakabango niyang pabango. Bigla tuloy ako na-conscious kung ayos lang ba ang amoy ko dahil sa mabilisang shower na ginawa ko sa school. Hindi ako nag-angat ng tingin. He was flipping the pages hanggang sa hindi na ata siya nakatiis at kinuha ang papel na pinaglagyan ni Paris ng example. “Oh, long method. Pinapahirapan niyo lang ang mga sarili niyo.” kumento niya. I was about to scream at him pero nagsalita na siya. “You are wasting your time. There’s a technique on how you can solve it without going the long way.” he commented. Yumuko pa siya para makita ang notebook ko kung saan ko sinusubukan na mag-solve. Bigla akong nahiya dahil hindi ako sigurado at napaka-judgemental pa naman niya. Tinakpan ko ang papel ko at hindi na siya pinansin. Tumikhim siya at tumayo para makalapit at makaupo nasa inuupuan kanina ni Paris. “Ano ba? I don’t need your help!” mataray na sabi ko. “Let me help you, okay?” he said. Mabilis ako na nag-angat ng tingin at pinandilatan siya. Wow, after all the teasing at pagpapahiya niya? Help? Nagpapatawa ba siya? “You? You will help me? Nah! Kung isa na naman ito na joke para sa iyo, sinasabi ko sa’yo na huwag mo nang subukan. I am seriously studying here, Cal. Baka masaksak kita ng lapis kapag dumilim ang mga mata ko sa’yo.” sabi ko. He tilted his head at may maliit na ngiti. Smooth niyang kinuha ang hawak kong lapis pati na rin ang papel kung saan ako nag-so-solve. He copied the sample equation and looked at me. “I know I was a jerk to you yesterday pero hindi ko sinasadya iyon. I was unconsciously reading your paper. Hindi kita pinapahiya, okay?” he said at tinaas ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko. Kumunot ang noo ko. “Well, you just did!” I said. Tumango siya at lumunok. Now, he really looked sincere. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga mata niya. Parang walang halong biro iyon. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. “I know. That’s why I am saying sorry. Now, let me show you my sincerity for teaching you things that might help you.” he said at pinagpatuloy ang pagsusulat. Wala na akong nagawa pa. He started talking on what to consider on the equation. He was so serious and concise in explaining every detail. Nakakamangha na nakukuha iyon ng aking utak. “See, we got the same answer.” he said and encircled the same answer that he got and Paris’ answer on the long method. Napanganga ako. He made it easy for me. Tinitigan ko ang papel. Maganda at organize ang pagkakasulat niya sa papel. "Wow,” iyon lang ang nasabi ko at nilingon siya. “Ganoon lang kadali tapos makukuha ko na ang sagot? Saan mo natutunan ito?” tanong ko. Binaba niya ang lapis at pinanood ako. He smirked a little at nilagay ang kaniyang palad sa baba. “States,” simpleng sagot niya. Tumaas ang kilay ko at hinarap na siya. “So, totoo nga ang sinabi ni Kuya? Na magaling ka sa math?” tanong ko. Kumunot ang noo ni Cairo sa sinabi ko. “Saan naman nakuha ni Nial ‘yan?” tanong niya. I rolled my eyes. Pa-humble pa itong isang ito. Gusto ko sana siya asarin pero hindi ko na tinulak iyon dahil kahit papaano nagpapasalamat naman ako. “Sa f*******:? Nag-po-post ka ba ng report card o baka picture mo kapag may award?” I asked again. Tumawa siya at umiling. “No. I never did post about my own achievement. Nial must have been talking about the shared articles about me.” he answered. “Famous? Ano’ng article ba?” tanong ko. “About me being one of the youngest to join International Math Olympiad, I guess?” he said. Nalaglag ang panga ko. Akala ko sobra na ‘yung pag-iisip na first honor siya pero mas may ilalamang pa pala ‘yun? Nakanganga lang ako sa sobrang pagkamangha. So, hindi lang siya best in math? Super diyos na siya sa math? “H-Hindi ako naniniwala!” sabi ko at tiningnan siya sa mata. Malay ko ba kung niloloko ako ng isang ‘to? Baka mamaya nang-aasar na naman siya at deep inside pinagtatawanan na naman niya ako. “Eh ‘di don’t!” he said, with humor. Oo, mukha siyang matalino at expensive pero hindi kapani-paniwala na sa ilalim ng napakanakakaasar niyang mukha, ay sobrang talino niya. “Show me some proof!” sabi ko. Umiling siya at tumayo na para iwanan ako. “Wala akong dala na cellphone.” he said. “Wala ka lang ipakita eh kasi nagsisinungaling ka.” I said and laughed. Nilingon niya ako at tumigil siya sa mga picture frame. Ngumisi siya at kinuha ang isa sa mga frame bago lumapit muli sa akin. Nilapag niya iyon sa aking harapan at ngumisi. “I don’t brag about that. Pero makulit ka,” he said, very mayabang. Tiningnan ko iyon. Isa iyong picture ng bata na kamukhang kamukha niya na nasa gitna ng dalawang Amerikano. He was holding a gold medal at sa likod niya ay ang pangalan ng competition. “Kung kulang pa ‘yan… just search the internet, Naya. You'll see how big shot I am.” he smirked at iniwan ako para umakyat sa taas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD