Kabanata 7

1599 Words
Kaya naman noong sumunod na quiz sa Calculus, halos hindi ako makapaniwala sa score na nantanggap ko. Sa totoo lang, ang technique na tinuro sa akin ni Cal, it worked like magic.  Kaya naman masayang masaya ako nang matanggap ko ang papel na binigay sa akin ng aking teacher. “Wow,” sabi ni Wilmet na kinuha ang papel sa akin.  Sinilip ni Alex iyon.  “Twenty out of twenty five items! Ang galing!” puri ni Wilmet sa akin at kumunot ang kilay niya, “Totoo ba ‘to bes? Hindi ka ba nag-cheat?” tanong niya pa na may halong biro at pagtataka. Umirap ako at kinuha na ang papel sa kaniya. Sinilid ko iyon sa bag ko. Walang sinuman ang makakasira ng saya ko para sa araw na ito.  Na-dismiss ang klase namin at wala ring professor sa susunod na subject. Nakangiti ako habang naglalakad kami nina Wilmet at Alex papunta sa library kung saan library period nina Paris.  Kumaway sa amin si Baste. Lumapit kami doon. They were busy on researching for their term paper. Excited ko na pinakita kay Paris ang papel ko.  “How did it go? Hmm.” sabi niya at binuklat iyon.  I smirked and waited for his reaction. “See?” mayabang na sabi ko.  Ngumiti si Paris at halata ang gulat at saya niya. He ruffled my hair and proudly showed it to Baste. Umakbay siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.  “Wow, Naya! This is too much improvement. I told you kaya mo ‘yan. Congratulations!” sigaw niya kaya naman nilagay ng libraria ang kaniyang daliri sa bibig.  Hinampas ko siya sa pagiging eskandaloso niya. Mamaya akalain pa ng mga taga library na naglalandian sila at mapunta pa sila sa detention.  “Hep!” sigaw ko. “Dahil diyan ilibre mo ako ng lunch ha?” sabi ko.  Tumango si Paris sa akin at tumawa na.  “Ako nga dapat ang nililibre mo? Kasi magaling ako magturo, hindi ba?“ tanong niya.  Nawala saglit ang ngisi ko. Paris has no clue na sumalisi si Cairo para turuan ako and in fact, it was Cairo’s explanation and technique that saved me.  Ngumiti na lang ako at tumango para hindi nila mapansin ang pagkakawala ko sa focus. Hinintay namin na matapos sa ginagawa nilang research sina Paris at Baste na magka partner.  Sabay sabay na kaming pumunta sa cafeteria para sa lunch. Pagkarating namin, nandoon iyong dating nakakalandian ni Paris na junior at umiiyak kasama ang mga kaibigan niya.  Nakatingin sila sa amin at nagbubulungan. Nagkibit balikat ako at umupo na habang ino-order ni Paris ang lunch ko. Silang mga lalaki ang nakapila roon habang kami ni Wilmet ay naghihintay.  “Alam mo talk of the town na daw iyong kapatid ni Paris?” tanong sa akin ni Wilmet. “Sabi nga rin nina Missy at Grace.” sagot ko na lang at nilagay ang kamay ko sa aking baba.  Ngumuso si Wilmet.  “Kung guwapo na si Paris, hindi hamak na mas guwapo ‘yung Kuya niya. Nakita ko ‘yun noong minsan na hinatid si Paris dito sa school. Shet! Ang bango bango ng hitsura.” kinikilig na sabi ni Wilmet at kulang na lang hampasin niya ako.  Tumaas ang kilay ko.  “Alam mo, isusumbong kita kay Alex. May ka-MU ka na, sis.” sabi ko.  Umirap si Wilmet.  “Hindi ba puwede na ma-guwapuhan lang? Ikaw talaga!” reklamo niya.  Dumating din agad ang mga boys para dalahin ang lunch namin.  “Bayaran na lang kita mamaya, Paris. Treat ko na ‘yang pagkain mo.” sabi ko.  Inayos ni Paris ang mga pagkain namin mula sa tray at pumalakpak pa siya. “Minsan lang ako makatikim ng libre ng isang Captain Naya Palma kaya susulitin ko na,” he laughed.  Ngumuso ako.  Sobrang yaman naman niya pero mga ganitong bagay sobrang masaya na siya. Nagkuwentuhan kami. Napapatingin pa rin ako sa table ng short time girlfriend ni Paris dati.  “Ako lang ba o kanina pa nakatingin iyong girlfriend mo na junior, Paris?” tanong ko. Sumulyap naman sina Alex. Ngumiwi si Wilmet.  “Break na kayo or nagsawa na ang playboy ko na kaibigan?” kuryusong tanong ni Wilmet.  Lumunok si Paris ng kaniyang kinakain.  “Hindi naman naging kami. She just expected too much from me. She wants me to introduce her to Mama.” he answered.  Nagkatinginan kami. Laglag ang panga ni Wilmet at tumawa.  “Talaga? Ang lakas ng loob niya! Gusto niya talagang magpakilala kay Madame? Ako nga kaibigan mo lang pero halos maihi na sa salawal sa tuwing makikita ko ang Mama mo.” sabi niya na nakapagpatawa sa amin.  Totoo iyon.  Sobrang nakakatakot si Madame Andrea Silvejo. Sa tuwing iimbitahin kami ni Madame sa mansiyon, hindi kami mapakali. Si Senyor Verado naman ay masayahing tao at approachable.  “Masiyado namang mataas ang lipad niyang ka-fling mo.” Wilmet laughed.  Umiling si Paris at tumawa. Hindi ko na pinansin pa iyon at kumain na lang.  Masaya at magaan ang maghapon ko hanggang sa magsimula na ang training.  “Masiyado kang masaya Captain, ah?” tanong ni Missy habang sinusuot ang sapatos niya.  “Nakakabawi na ako sa Calculus. Kaunti pa at sure naman ako na makakapaglaro naman ako sa Interhigh.” sabi ko.  Determined naman ako sa training. Tuwang tuwa si coach sa akin.  “Keep it up, Captain!” sigaw ni coach at pumalakpak.  Nag-set si Grace para ma-spike ko iyon. I jumped and aimed at it. Sumigaw ako dahil maganda ang impact noon.  Nag-cheer kami. If this type of playing continues, panigurado na mabibigyan namin ng mahirap na laban ang mga ibang school. Pag-angat ng tingin ko, I saw Cairo leaning on the side of the bleachers and smirking at me.  Hindi ko napigilan na ngumisi rin sa kaniya. No one can ruin my mood today. And I must admit, malaki ang naitulong niya sa akin.  Pagod na pagod akong humiga sa sahig ng court matapos ang laro. Sobrang pawisan ako sa laro. I was too hyperactive.  Bumangon ako. Nag-jogging ako papunta sa bleachers at kinuha ang tumbler ko para uminom ng tubig. Lumapit si Cairo sa akin at pinagkrus ang mga braso.  “Good game,” he said and nodded, “And you are really focused today.” he laughed.  Tumawa ako.  Well, sometimes he’s not that bad. Gustuhin ko man na kainisan siya, papalampasin ko na muna iyon. I changed my clothes.  “Bakit ang aga mo?” tanong ko.  “Bored at the house. Dito madaming girls na naka-shorts.” sagot niya at hinagod ang legs ko, “Nag-eenjoy ako mag-sight seeing dito.”  Mabilis ko siyang binato ng malinis kong damit. I fixed myself at sinakbat ang sports bag ko.  “Hintayin niyo ako ni Paris dito. Maliligo lang ako para sa tutorial.” sabi ko at iniwan siya para sumabay kina Missy.  Pagbalik ko, Cairo was talking to a girl from the badminton team. Nakangisi ang babae at nakalagay ang raketa niya sa kaniyang balikat while the smug Cairo Alessandro was looking up at her habang nakaupo sa bleachers.  Umiling ako.  Malandi ‘to panigurado kasi Silvejo din ang dugo nito'ng si Cairo gaya ni Paris, eh.  Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa kanila. Tumikhim ako. Nawala ang ngisi ko nang mapansin kung sino ang babae na ‘yon.  It’s Paris’ ex-fling. Si Queenie, iyong junior na umiiyak sa canteen. Ang bilis naman ata mag move-on nito! Tumaas ang kilay ng junior na iyon sa akin. Cairo smirked at me.  “Oh, here comes Naya.” sabi ni Cairo at tumayo na para salubungin ako.  “Siya ang sinusundo mo?” tanong noong junior.  Tumango si Cairo at nagkibit balikat.  “Not exactly but you can say that. Sige na, Miss. We got to go na.” he said at inakbayan niya ako sa harap noon.  Halos nagulat ako doon. Iyon ata ang kauna-unahang beses na nahawakan ako ni Cairo na hindi naman kailangan. Ako ang yumakap sa kaniya sa motor.   “Wait!” sigaw noong junior noong hindi pa kami nakakalabas, “Girlfriend siya ng kapatid mo.” she added.  Napanganga ako.  “Hin—“  “Hindi siya girlfriend ni Paris, Miss. She’s a family friend, so it’s none of your biz.” he cut me off to tell that to the girl.  Gulat na gulat ako habang nagpapatianod kay Cairo. Narinig ko pa ang buntong hininga niya at ang mahina niyang bulong.  “Stupid annoying girls,” he muttered.   "May sinasabi ka?" tanong ko. Mas inilapit niya ako sa kaniya. "Nothing, Just Naya." Naglakad kaming dalawa papabalas ng gym. Napansin ko ang mga nagtatawanang ka-team ni Paris sa futsal na dadaan sa harapan namin. Mabilis ko na tinulak si Cairo at naglakad para hindi kami mapansin. Nakasalubong namin si Paris na nakangisi.  “C-Cal?” tawag niya sa kapatid at napawi ang ngisi niya.  Cal just looked at him.  “Ano ang ginagawa mo rito? At bakit magkasama kayo ni Naya?” he asked.  Ngumuso si Cairo sa kapatid.   “Papa and Mama’s at home. They are expecting you and Naya to join us for dinner.”  Nalaglag ang panga ko.  “Pati ako? Bak—“  “Alam ni Mama na tinu-tutor ka ni Paris after class. And it’s okay if you join us Papa said. They are now expecting the three of us.” he said.  Ha? Mag-di-dinner kami? Ngayon lang ako makakapunta roon at makakaharap kina Madame at Senyor ng wala sina Wilmet.  Oh, my god! Someone come and save me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD