The ride home seemed to be longer than before. Ganoon nga ata kapag hindi mo gusto ang naghahatid sa’yo, kabaligtaran kapag gustong gusto mo ang tao kasama mo, ang oras ay parang minuto lang na nagdadaan.
“Sasakyan mo ba ito?” tanong ko nang hindi na kinaya ang katahimikan.
Lumingon sa akin si Cairo at tumaas ang kilay.
“Small talk, huh?” he asked.
Umirap ako.
“Bored lang ako. Wala na bang ibibilis ang takbo ng sasakyan mo?” tanong ko.
“Do you want me to drive fast?” tanong niya ulit at tumikhim, “Some of the girls who had the chance to ride my car always wants this moment to go slow.” mayabang na sabi niya.
“Are you kidding me? Kung alam mo lang, I don’t wanna be here.” sabi ko.
Umiling ako sa sobrang kapreskuhan niya. Pinagmasdan ko lang ang nakakairitang mukha niya. Hindi maitatanggi na guwapo talaga si Cairo Alessandro. Mas matured at mas malaki ang built ng katawan niya sa kapatid na si Paris. Makikita rin ang pagkakaiba sa mga mukha nila.
Si Paris ay nakuha ang soft features ni Madame Andrea habang si Cairo Alessandro ay mas makuha ang mukha ni Senyor Verado na ama nila.
"Bakit ba ang sama sama mo sa akin. Can’t you be a little nicer to me since I am doing you a favor?” he asked.
“At ikaw, can’t you be a little humble since we just met?” tanong ko pabalik.
I was just like this because wala pa nga kaming isang linggo nagkakakilala and the fact na kahapon noong first meet namin, hinamak na niya ako sa pag-aakala na girlfriend ako ni Paris.
“I am not even bragging. I am just saying the truth though.” sabi niya.
Umirap ako.
“Well, no one wants to hear it.” I said.
Tumaas ang kilay niya.
“You asked me a question and I just answered it, Just Naya.” he smirked.
“I just asked if this is your car, nothing more. And then you went to brag about your girlfriends.” sabi ko.
“That’s hot,” he said.
Natigilan ako sa pagsasalita dahil sa sinabi niya. Kinunot ko ang noo ko.
“Ano ang sinasabi mo?” tanong ko, hindi maitago na ang gulat.
“You’re hot when you’re mad. And that english accent? Damn, so sexy.” he shamelessly repeated.
Halos malaglag ang panga ko.
This prick!
Agad akong tumahimik. Hindi ko alam ang isasagot doon. Was he saying that as a compliment? Tuloy ang pag-iisip ko nang magsalita siya bigla.
“See? Tumahimik ka, ano?” he laughed.
Hindi na ako nakapagpigil. Agad ko siyang hinampas sa kaniyang braso. Umiwas lang siya at humalakhak.
“Sinabi mo lang ba ‘yun para manahimik ako?” pasigaw ko na tanong.
He glanced at me and laughed.
“Obviously. You’re a nag, Just Naya.”
“Can you stop calling me that, Cairo Alessandro? Palagi mo na lang ako’ng pinag-ti-trip-an!” I said, very annoyed.
Nagkibit balikat siya.
“I don’t know. It’s fun to annoy you, you know!” he said and stopped.
Doon ko pa lang napagtanto na nasa tapat na ako ng bahay namin. He shrugged and unlocked the doors. Walang pagsasalita ako na bumaba sa kaniyang sasakyan. I opened the backseat door and picked my sport bag.
Binaba niya ang bintana kung saan ako umupo kanina at ngumisi.
“No thank you again?” he asked.
Umirap ako at ngumiwi. After that ride? I do not think so. Lumamang sa isipan ko na sinadya niya lang ako ihatid para maasar niya ako.
“Saka na kapag ‘di ka na asshole.” I smirked.
Tumawa si Cairo at umiling. Lumabas si Mama nang makita kami. But Cairo just raised his hand and waved bago bumusina at umalis. Gaya ng kahapon, pinanood ko na makalabas siya sa subdivision bago ako pumasok sa loob ng bahay.
Tinawagan ko rin si Kuya at binalita niya na nasa bahay na siya ng kaibigan niya at inaayos na nila ang motor. Kumain muna ako bago naligo at umakyat sa second-floor ng maliit naming bahay.
Luma na ang pintura at ang mga partition na dingding sa bawat kuwarto ay kahoy lamang. But I love it here. Dito ako lumaki at dito ako kumportable.
I sat on my study table at binuksan ang bintana. Nasa bandang harapan ng aming bahay ang aking kuwarto. Humalik sa mukha ko ang malamig na hangin.
Nakatanggap ako ng text kay Wilmet. Mayroon kaming maikling quiz sa calculus bukas. Napaungol ako. I want to rest from the tiring practice pero hindi ko puwedeng baliwalain ang subject na iyon.
Lalo na ngayon at sabi ni coach, may ilang agent na mula sa mga sikat na unibersidad sa Maynila na balak na tumingin sa aking performance sa isa sa mga game namin. Kung gusto ko na makuha ako, kailangan ko na galingan hindi lang sa athletics, dapat sa academics rin.
Mahigpit ang Palanca Science Highschool.Kailangan ko ng passing grade para makasali ako sa interhigh. Sabi ni Wilmet, kung hindi pa ako makakabawi sa mga quiz at sa exams, mawawala na parang bula ang mga effort ko.
Sinubukan ko basahin ang mga notes na tinuro sa akin ni Paris. Inalala ko pati ang mga ginawa niya hanggang sa makuha ang tamang sagot. Ginawa ko iyon sa mga problem set sa libro pero sa tuwing titingnan ko sa answer key, wala ako’ng naitatama.
“Ang bobo mo naman, Naya!” sigaw ko at halos sabunutan ang aking buhok.
Mabilis kong sinalikop ang aking libro at bumaba na para tingnan si Kuya sa kuwarto niya. Hindi nakapagkolehiyo si Kuya pero nakatapos siya ng senior high kaya baka mayroon siyang alam.
Naabutan ko si Kuya na kakadating lang at naka-topless na umiinom ng tubig sa kusina.
“Kuya!” sigaw ko.
Muntikan na niyang mailuwa ang tubig sa bibig nang nagulat siya. Napahawak siya sa dibdib niya at kulang na lang ay batukan niya ako.
“Ano ba, Natasha Yara! Muntikan na ako'ng masamid!” sigaw ni Kuya at binaba ang baso sa mesa.
Nilapag ko ang mga libro sa harapan niya.
“Turuan mo nga ako sa calculus, Kuya!” sabi ko at binuksan ang problem set at ang calculator.
Laglag ang panga ni Kuya Nial sa akin.
“Nag-da-drugs ka ba? ‘Yung totoo ang lakas ng tama mo?” tanong ni Kuya at pinitik ang noo ko.
“Aray naman!” sigaw ko at hinawakan ang noo ko, “Magpapaturo lang ako kasi ‘di ba tinuro ‘yan sa’yo?”
Masama ko siyang binalingan. Parang nandidiri na tumingin si Kuya Nial sa libro ko.
“Oo. Tinuro 'yan sa amin pero Naya, naka-graduate ako na nangongopya sa math.” sagot ni Kuya na parang dapat obvious iyon sa akin.
“At saka sa hardware ako nagtatrabaho ngayon. Hindi ko naman ginagamit ‘yan sa trabaho. Wala namang nagtatanong sa akin ano ang value ng x kapag binebentahan ko sila ng pintura.”
Huminga ako nang malalim at pinilit na titigan ang problem set at ang answer key. Bakit ba kasi ang hirap hirap ng math? Hindi ba puwede na simpleng add, subtract, multiplication at division lang? Sa sobrang paranoid ko sa math, pati simpleng one plus one, gumagamit pa ako ng calculator sa exam.
Umupo si Kuya sa tapat ko.
“Akala ko ba tinuturuan ka no’ng boyfriend mo?” tanong niya at tumaas ang kilay, “Nakikipaglandian ka lang ata sa bahay no’n eh!”
Walang pag-aalinlangan ko na tinaas ang aking middle finger kay Kuya. Humalakhak naman siya sa akin.
“Hindi ko boyfriend si Paris. Tumahimik ka nga, baka may makarinig sa’yo at makarating pa ito kina Madame at Senyor lalo na dun sa kapatid niyang judgemental.” mataray na sagot ko.
“Hoy, mabait si Cal ha! Kaibigan ko 'yon sa f*******:, eh. Mataray ka lang talaga.” depensa ni Kuya sa kababata at tumaas ang kilay, “Speaking of Cal, doon ka magpaturo niyan! Nakikita ko sa f*******: na magaling ‘yan sa math, eh.”
Kumunot ang noo ko.
“Asa ka,” sabi ko at umirap. “Mas pipiliin ko pa na bumagsak kaysa magpaturo do’n, ano?”
Sinikop ko ang mga libro ko at agad na bumalik sa kuwarto. Sa huli, sumuko na ako at nakatulog na sa kama. Nagising na lang ako sa katok ni Mama na maligo na daw ako para makasabay kay Kuya papunta sa school.
Mabilis lang ako na naghanda ng mga gamit para sa training mamaya. Kinuha ko rin ang gamit sa school. Pagkarating ko, pinilit ko si Alex at Wilmet na turuan ako.
Dumating ang professor. Sobrang minamalas ata ako dahil ang calculus pa ang unang subject ko sa araw na ito. May dalang test paper ito na pinasa matapos kaming singilin ng Class President.
Iyon na ata ang dalawang oras na pinakamabagal sa buhay ko.
“Exchange papers,” our professor said.
Nagpalit kami ni Wilmet. Three items lang ang naitama ko at ang mga identification. I just got seventeen over fifty. Mas mataas sa nauna pero hindi pa rin sapat para maipasa ang exam.
Halos wala ako na sigurado sa mga sagot ko kaya naman matamlay ako sa buong half-day.
Sabay kami ni Wilmet na bumaba para sa lunch. As usual, nandoon na naman sina Paris sa table namin at nagtatawanan. Umupo ako sa tabi ni Paris na nakangisi kina Alex dahil sa sinabi nitong joke tungkol sa isang junior.
Bumuntong hininga ako. Napansin iyon ni Paris.
“How did your quiz go?” tanong niya sa amin ni Wilmet.
Nagkibit balikat si Wilmet at nginuso ang direksiyon ko.
“Ano ang score mo, Naya?” tanong ni Paris, bakas ang pag-aalala.
Walang salita na binigay ko kay Paris ang test paper ko. Kumunot ang noo ni Paris doon at dahan-dahan na ngumiti.
“You are still doing good. You are five points higher than the last exam.” sabi niya para aluin ako.
“Pero hindi pa rin enough para isalba ang grade ko.” sagot ko at kinuga ang inumin ni Paris para inumin iyon.
Gulat ang mga mata ni Paris sa ginawa ko. I sipped on the straw of his blue lemonade juice. Nakatingin lang sina Baste sa akin.
“Naya, what are you doing?” tanong ni Paris at kinuha ang kaniyang juice.
“Ang arte mo naman, Paris! Nakikiinom lang. Wala naman ako’ng virus.” I spoke.
Lumunok si Paris at hindi maalis ang tingin niya sa kaniyang straw.
“We just indirectly kissed; you know?” sabi niya.
“Ano’ng kiss kiss ka diyan?”
Umiling ako sa sobrang pagiging over-acting ni Paris. Tumingin ako kay Baste na hawak ang kaniyang bottled water. Kinuha ko iyon at balak na uminom pero mabilis na tinabig iyon ni Paris bago pa ito lumapat sa bibig ko. Natapon ang tubig sa sahig.
“Don’t you dare drink his water,” banta ni Paris gamit ang sobrang seryosong boses.
Gulat na gulat ako sa ginawa niyang iyon. Gulat rin si Wilmet habang walang reaksiyon si Baste at Alex na tahimik lang nakatingin sa galit na si Paris.
“Ano ba ang problema mo?” hindi ko maiwasang tanungin.
Namumula ang mga tenga ni Paris at mabilis na sinakbat ang kaniyang bag at nag-walkout doon.
Laglag ang panga ko habang pinapanood siyang naglakad. Tinapik naman ako ni Baste at Alex at sinundan ang kaibigan. Nagkibit-balikat si Wilmet at pinagpatuloy na lang ang pagkain niya.
After class, agad na nahanap ng mata ko si Paris sa futsal field at nag-wa-warm up na rin, habang nagtatali ako ng sapatos. Hindi siya tumitingin sa banda ko.
“Cap!” sigaw ng isa kong teammate para warm up.
Tumango ako at lumapit na sa kanila. Mamaya ko na lang kakausapin si Paris tungkol sa mood swings niya. Gagamitin ko na excuse ang tutorial namin mamaya.
Natapos ang ikalawang set game. Pumunta muna ako sa bench bago mag-change courts para uminom saglit at punasan ang aking pawis. Nagtilian ang ilang mga cheerleader.
Napalingon ang lahat sa sobrang lakas noon. Nakita ko sa hindi kalayuan si Cairo Alessandro na nakasandal sa bleachers at nakatingin sa buong lugar.
His eyes lingered on me. Ano ang ginagawa ng lalaking ito? Napalunok ako nang maalala na siya ang susundo kay Paris sa linggo na ito gaya ng sabi niya kagabi.
Naputol ang titigan naming dalawa dahil ginamit ni Coach ang kaniyang pito.
“Go, girls. Change courts!” sabi ni coach.
Huminga ako ng malalim at pumunta na para simulan ang second set. Parang agila na nakatingin sa akin si Cairo. Naririnig ko ang bulungan ng mga ka-team ko tungkol sa kaniya.
“Ang guwapo niya. Sino kaya hinihintay niyan?” sabi ni Missy habang naghihintay na makapag serve ang kabilang team.
"Dito siya nakatingin. Baka si Cap ang crush?” tawa naman ni Grace na setter.
Umirap ako. Ni-receive ni Missy ang first hit na agad sinuportahan ng magandang set ni Grace para ma-spike ko iyon.
Pero dahil sa kanina pa akong na-co-conscious, pangit ang nagawa ko’ng spike at hindi nakamit ang force at technique na gusto ni Coach. Pumunta iyon sa labas ng court kaya naging score iyon ng kabilang team.
“Captain, focus!” ani Coach at sinenyasan ang kabilang grupo na mag-serve.
Pinilit ko na hindi tumingin sa banda ni Cairo. Magkalapit ang score namin ng kabilang group at set point na ito at ako ang natapatan na mag-serve noon.
“Go, Cap!” sigaw ng mga ka-team ko.
May sumipol sa tapat na bleachers. Tiningnan ko at nakita na si Cairo iyon. Nakatayo na siya at nakangisi na parang inaasar ako. Tumaas ang kilay ko.
Ano na naman ba ang trip nito?
Nag-whistle na si Coach. Binato ko ang bola at ini-spike iyon pero dahil nakita ko ang nakakaasar na ngisi ni Cairo, nawala ako sa timing at naging mahina ang spike ko kaya hindi umabot iyon.
It was the first time that I failed serving.
“Palma, ano ba?” sigaw ni coach dahil doon. Tumayo siya, handa na para sermonan ako, “Paano na lang kung tunay na laban na ito? Eh, ‘di natalo na tayo? Focus! You are the captain of this team, and you cannot perform this poorly.”
Nakaramdam ako ng hiya. May ilan na napatingin sa akin. Tumango ako at hinayaan ang mga ka-team na yakapin ako.
“Sorry, coach.” paghingi ko ng paumanhin.
Napansin ko si Cairo na nakatingin pa rin sa akin. May multo ng ngiti sa mga labi niya. Agad na sumama ang timpla ko. Nagbihis agad ako matapos kaming i-dismiss ni coach.
“Good game but you cannot focus, huh?” he asked.
“Ano ba ang ginagawa mo rito?” tanong ko, galit. Sinakbat ko ang sport bag at hinubad na ang sapatos ko, “Doon ka sa kapatid mo manood.”
Umiling si Cairo.
“I am not interested with boys. I like it here, I can see girls and I can annoy you so, win-win.” he answered and smirked.
Hindi ko na siya pinansin. Lumayo ako lalo na at nakatingin na ang ilan namin na ka-team. I went with Missy and Grace to the changing room para makapag-cr doon at makapaglinis ng katawan. Siniko ako ni Missy at nginuso si Cairo.
“Kilala mo? First time ko nakita, mukhang hindi taga-rito. Nanliligaw ba ‘yan sa’yo o boyfriend mo?” tanong niya.
Umirap ako.
Boyfriend? Over my dead body!
“No. Kapatid ni Paris ‘yan.” sagot ko.
Nanglaki ang mga mata nila.
"Ah, talaga? Kaya naman pala ang guwapo.” sabi ni Missy.
Nagpaalam na ako. Mayroon kaming schedule ni Paris para sa tutorial. I walked past his annoying brother. Napansin ko na katatapos lang ng game ni Paris. Lumapit ako sa kanila ni Baste.
“Tapos ka na? Tutorial, remember?” tanong ko.
Seryoso na uminom si Paris sa kaniyang tubig at hinubad ang kaniyang jersey.
“Magbibihis lang ako. I will call Cal—”
“No need. Nandito na siya. Nasa volleyball court.” sabi ko.
Tumango si Paris at mabilis na nagbihis na. Nakipag-high five siya sa mga ka-team niya at sumabay sa akin. Hindi pa kami nakakalayo, nakita na namin si Cairo na nakatayo sa harapan ng daanan. My bag swung open, nahulog ang mga libro at ilang gamit ko.
Paris helped me. Some of the students helped with picking up. Nagpasalamat ako nang lumapit sa akin si Cairo. He was holding a paper.
“Natalia Yara Palma,” he read my name unconsciously, “You just got seventeen… over fifty?”
Napatingin ang ilan sa akin nang marinig ang score ko. May ilang ka-team ni Paris ang nakarinig sa kaniya. He read my score so loud!
Mabilis ko na kinuha ang papel mula sa kaniya at napunit iyon sa dalawa. Padabog kong kinuha ang kalahati na naiwan sa kamay niya. Naiiyak na ako sa sobrang hiya.
Cairo looked shocked while looking at my reaction.
I walked so fast to get out of there.
“Ano ba, Cal?” Paris screamed at his brother pero wala na ako’ng mukhang maihaharap pa.
How dare him para ipahiya ako?
Hindi ko mapigilan ang maluha at pumara na ako ng tricycle para umuwi.