"Naya, ano’ng score mo?" tanong ng aking kaibigan.
Napaangat ang tingin ko kay Wilmet dahil sa kan’yang katanungan.
"Ikaw?" tanong ko pabalik.
Tiningnan niya ang papel na hawak at lumawak ang ngiti.
"50 over 60. Okay na 'yon!" she said, giggling.
Ngumuso ako at bumalik ang tingin sa papel na hawak-hawak ko at tinupi iyon. Bagsak na naman ako sa calculus. Mukhang hindi na ako makakabawi sa grading na ito.
"Ano’ng score mo, Naya?" tanong naman ni Daniel.
"Bagsak pa rin. Hindi na ata ako makakabawi kahit mag-removals pa," sagot ko.
Tumayo na rin kami para umalis doon. Inaamin ko na mahina talaga ako pagdating sa academics. Tanging ang athletic curriculars lang ang nagpapanatili ng scholarship ko. Iyon lamang din ang susi para makapasok ako sa isang sikat na university sa Manila sa susunod na taon.
Dumaan kami sa canteen kung nasaan ang iba pa naming kaibigan na hindi namin kaklase sa subject na iyon. Nagtatawanan sila sa madalas naming tambayan.
"Hawakan mo nga sa tenga kung matapang ka?" sigaw ni Paris na kinakantyawan sina Alex at Baste.
Umiling na lang ako sa ingay na ginagawa nila. Ang ilang estudyante ay panay ang tingin sa gawi namin. Kumaway ang gago na si Paris para salubungin kami. Malaki pa din ang ngisi niya at nakaakbay sa isang babaeng sa tingin ko ay junior high. Bagong girlfriend ata.
"Hoy! Bata pa 'yan, Silvejo!" biro ni Wilmet.
Umirap si Paris at may binulong doon sa junior high. Namula ang pisngi nito at unti-unting umalis sa table namin.
Napasimangot ako sa best friend ko. Lumapit siya sa banda ko at umupo doon.
"Oh? Agang aga parang nalugi, ah?" tumatawa na sinabi ni Paris sa akin.
Tinaas ko ang aking middle finger.
"Nakita kasi kita," sabi ko, medyo tinatamad pa.
"Sus, selos ka naman dun sa junior na 'yon. Matagal ka nang may gusto sa'kin, nararamdaman ko," sagot niya.
Nanggigil ko siyang kinurot sa tagiliran kaya napahiyaw siya doon. Ang mga kaibigan namin ay umiiling na lang na sanay na sanay na sa away naming maalaaso at pusa.
"Asa ka, Paris. Saka na pag 'di na pang babae pangalan mo," I said.
Umirap ito at sumimangot. Magkakaibigan na kami simula elementary. Iisa lang ang paaralan rito sa bayan ng Palanca kaya naman halos lahat ay magkakakilala.
Ang grupo namin ay halos pamilya ng ilang mga haciendero sa lugar o ‘di kaya’y may mga poultry at malawak na babuyan.
Pinakamaingay ang pangalan ni Paris Silvejo dahil sila ang nangunguna sa mga hotel at resort rito. Samantalang ako, anak lang ng isa sa mga empleyado nila.
“Kumusta na ang calculus n’yo?" tanong ni Alex kay Wilmet.
"Nakakabawi na 'ko kahit papaano. Si Naya tanungin niyo," she answered while laughing.
Umirap ako at pinakita ang middle finger sa kaniya.
"Bakit? Bagsak pa din, Naya?" tanong ni Paris na walang hiya na binubuksan ang bag ko para sa test paper.
Hinayaan ko siyang kalkalin iyon. Nang binuklat ang test paper ko ay napangiwi siya.
"Twelve over sixty?" tanong niya at pinasadahan ang papel.
Kinuha ko iyon dahil sa hiya. Tinupi ko ang nagusot na test paper.
"Mahirap bang prof si Mrs. Almera?" tanong ni Baste.
Nagkibit-balikat ako.
"Hindi naman, Baste. Naiintindihan ko naman ang mga examples niya, pero kapag exam biglang humihirap, eh," paliwanag ko.
"Sabi ko naman sa'yo, magpa-tutor ka na sa akin,” sabi ni Paris.
Umiling ako.
Hindi ko alam. Hindi talaga ako kumportable kung sa mansyon nila gagawin iyon. Palaging maraming kasambahay na nakatingin sa akin saka minsan si Madame rin. Ayaw naman ni Paris sa school kasi hindi kami makakapag-focus sa dami nang kumakausap sa kaniya.
"Hindi na, Paris. May training din ako sa varsity," pagtanggi ko.
Kailangan kong pagbutihin iyon. Kahit doon man lang, may mapala ako. Kapag maganda ang record ko sa varsity, maaaring matuloy ako ng isa sa mga tanyag na paaralan sa Manila sa kolehiyo.
"Gag* ka? Hindi ba dapat maganda rin grade mo para 'di ka maalis sa varsity?" Wilmet interfered.
Tumango sina Baste sa pagsang-ayon. Alam ko iyon. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Nahihiya na din ako kina Mama at Papa na nagpapaaral sa akin kung sa huling taon ko sa Senior High, hindi pa ako maka-graduate.
"Sige na nga," pagsuko ko.
"Okay. Kitakits sa bahay. Alam mo naman kung saan," Paris grabbed his things at niyaya na si Alex papunta sa isa pa nilang klase.
Umuwi na sina Wilmet at Dexter dahil wala na silang klase para sa ngayon. Ako naman, pumunta na sa gym para sa kaunting training.
Ako ang captain ball ng Palanca Science High. Si Paris at Baste naman, varsity ng futsal at wala silang practice sa field ngayon.
"Captain!" tawag ng isa sa mga player nang makita ako.
Naabutan kong nakahawak sa paa ang isa sa mga player namin. Lumapit ako para tingnan iyon. Mukhang nabalian pa kung kailan malapit ang inter-high.
"Nasaan si Coach?" tanong ko.
Halos mamilipit na sa sahig ang freshman na player. Lumuhod ako para tingnan ang paa niyang parang na-dislocate na.
"Masama ang tama niyan? Tumawag na kayo ng ambulansya, ‘dali!" sigaw ko.
Natataranta nilang ginawa iyon. Ilang saglit pa ay dumating na ito. Kailangan sumama ng isa sa amin kaya ako na ang nagprisinta.
Nakasuot pa ako ng uniporme pang laro. May knee pads at kung anu-ano pa. Maikli ang itim na shorts ko at ang aking varsity uniform na may nakalagay na apelyido ko, Palma.
"Ano’ng nangyari sa pasiyente, Miss?" tanong ng isa sa mga nurse ng makarating kami sa hospital doon.
"Nagkamali po siya ng bagsak mula sa drills," paliwanag ko.
"Naku! Mukhang hindi ito papayagan ni Doc na maglaro pa sa inter-high niyo," sabi noong isa.
Medyo nalungkot ako doon. Isa sa mga rising players ang freshman na iyon. Isa iyon sa mga inoobserbahan nila na pwedeng maging Captain ng volleyball team sa mga susunod na taon.
Tumagal pa ako ng tatlo hanggang apat na oras para doon. Dumating na din sina Coach, kasama ang mga magulang noong player.
"Palma, alas siyete na. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng mga magulang mo," sabi ni Coach.
Humugot ito ng pera mula sa wallet at iniabot sa akin. Wala akong dalang kahit na ano kaya tinanggap ko iyon.
"Sumakay ka na ng tricycle papauwi. Huwag kang maglalakad at delikado na ang panahong ngayon," sabi ni Coach.
Tumango ako at nagpaalam na din. Malamig ang simoy ng hangin dito. Dahil maikli at manipis pa ang training attire ko, talaga namang dama ko ang hangin.
Tumayo ako sa gilid ng daan at naghihintay ng tricycle. Ilang minuto na ay wala pa iyon kaya sinikap ko nang maglakad.
Sa oras na bastusin ako ng kahit na sino, makakatikim sila ng sabunot at palo sa mukha. Nagmuni-muni ako nang maalala na may kasunduan kami ni Paris na may tutoring classes kami ngayon.
Agad akong tumakbo papunta sa direksyon ng mansyon nila. Hindi iyon kalayuan rito sa bayan kaya kung tatakbuhin ko, makakarating ako ng labing-limang minuto.
Iyon ang ginawa ko. Walang kahirap hirap dahil sanay akong magtraining. Medyo hiningal nga lang nang makarating ako sa malaki at matangkad na gate.
"Manong," tawag ko sa guard, “Kay Paris po."
Hinihingal pa ako doon.
Nawiwirduhan akong tiningnan ng guard. Bumaba pa ang tingin sa akin.
"Walang inaabangang bisita si Senyorito Paris, ineng," pagmamatigas ng guard.
Umiling ako.
"Hindi po, guard. Kaibigan niya ako. May usapan kami ngayon. Nasa loob po ba siya?" tanong ko.
Mukhang naiirita na ang guard sa akin.
"Tawagan mo muna si Sir. Mahigpit ang bilin ni Madame na huwag magpapasok lalo na kung walang bilin nila," utos ng guard at bumalik sa tinitingnan niya.
Ngumuso ako.
Wala akong dalang cellphone. Buong bag ko ang naiwan sa locker ko sa school.
"Manong, sige na! Wala akong gamit eh, naiwan ko sa school," sabi ko pa nagmamakaawa.
Wala na akong pamasahe pabalik sa school kaya kailangan ko na makiusap kay Manong. Umiling ang guard. Sumama ang tingin sa akin na para bang kahina-hinala ako.
"Guard, sige na! Iyan na 'yung telepono, oh? Patawag na lang ako kakausap promise!" sabi ko ay tinuro ko pa ang telepono na nasa puwesto niya.
"Mis-"
Natigilan ang guard sa pakikipag-usap nang may magandang SUV ang bumusina sa harap ng gate.
Binaba nito ang salamin. Hindi ko maaninag ang mukha ng nakasakay dahil nahaharangan iyon ng isang poste mula sa kinatatayuan ko.
"Ano daw 'yan?" tanong ng isang baritonong boses.
"Nangungulit, Sir. Kaibigan daw ni Senyorito Paris," paliwanag ng guard.
Natahimik saglit. Pinilit kong silipin kung sino pero hindi ko makita kung sino ba iyon.
"Tawagan mo si Paris, Manong. Baka bisita nga niya. Sige na," pamamaalam noon at pumasok na sa loob.
Nakangisi ako nang balingan ako noong guard. Umirap naman ito at tinawagan ang mansyon gamit ang telepono niya.
Ilang saglit pa, patakbong lumabas si Paris. Tumayo ako at pinagpagan ang itim kong shorts bago sinalubong ang kaibigan.
"Manong naman! Bakit hindi mo pinapasok? Kung hindi pa nabanggit ni Cal," nagtatampong sabi ni Paris.
"Pasensya na po, Senyorito. Utos po kasi ni Madame," sagot naman ng guard.
Nagkibit balikat si Paris at inakbayan ako. Hinarap niya ulit ang guard.
"Naku, Manong, ah? Kita mo 'tong mukhang yan? Tandaan mo maigi kasi may gusto 'to sa’kin baka pikutin ako!" nagbibirong sabi ni Paris.
Siniko ko naman siya ng malakas at inalis ang kan’yang pagkakaakbay sa akin. Humalakhak siya sa ginawa ko. Nauna na akong maglakad papunta sa mansiyon nila.
Nakasunod lang siya sa akin na para bang natutuwa siya sa akin.
"Hoy, Naya!" tawag niya.
Hindi ko siya pinansin at diretso ang lakad.
"Naya Palma!" tawag niya muli, ngayon hinawakan na ang braso ko at hinigit papunta sa kabilang direksyon.
"Saan mo ako dadalahin, Paris?" tanong ko.
"Eh ‘di sa bahay! Mali ang daan mo. Papunta 'yan sa mga kabayo." sabi niya na may simangot.
Nagpahila na lang ako hanggang sa sumulpot na ang malaki nilang bahay. Pati ang labas, sumisigaw ng karangyaan.
"Nasaan ang mga gamit mo? Paano kita tuturuan niyan?" tanong niya.
"Naiwan sa school. Galing ako sa hospital,"di sagot ko.
Nilingon niya ako ng umupo ako sa isa sa mga couch sa living area.
"Hala? Sino nasaktan? Nagkasakit? Namatay?" sunud-sunod niyang tanong.
Umirap ako at binato siya ng unan. Napakakulit niya talaga!
"Hoy! Nasa teritoryo kita, ha! Huwag mo kong binabato bato diyan, Naya!" sigaw niya na may pagda-drama.
Tumawa ako sa kan’ya at sumandal sa couch.
"Sabi mo eh, Senyorito!" sigaw ko pabalik ulit.
Umakyat si Paris para kunin ang ilang libro niya sa Calculus. Pinagmasdan ko naman ang kabuuan ng living room nila.
Maganda iyon at may touch ng modern. Kinagat ko ang labi at hindi na napigilan na tingnan ang mga picture frames na naka-display sa harap ng painting ni Señor Verado Silvejo, ang lolo nina Paris.
Nakita ko roon ang ilang pictures ni Paris at ng tatlong batang lalaki. Nasa snow sila at nakatawa. Sa isang frame naman, picture na niya iyon noong elementary. Panay ang scan ko nang mapatigil ako sa picture ng isa sa mga batang kasama niya.
At ang gwapo niya! Napaka-seryoso ng tingin niya sa camera. May hawak siyang wine glass.
"Like what you're seeing?" tanong ng isang boses mula sa staircase.
Napaangat ang tingin ko sa lalaking nakapamulsa at nakatingin sa akin. Mas maganda ang hubog ng katawan at ang mukha sa personal.
Nahuli niya akong nakatingin sa picture niya?
"Ah! Okay lang?" patanong na sagot ko.
Ngumisi ang lalaki at nagpa-tuloy na sa pagbaba sa staircase.
"Where's your boyfriend?" tanong nito.
Kumunot ang noo ko.
Boyfriend? Perhaps, Paris?
"Hindi ko boyfriend si Paris," sagot ko at umiling pa ako.
Nagkibit-balikat siya at tumalikod na. Saktong bumaba si Paris pero tuluyan nang nakapasok sa isang kwarto iyong lalaki.
"Tulala ka naman, diyan?" tanong ni Paris at nilapag ang mga libro sa center table.
"Sino 'to?" tanong ko at tinuro ang picture frame noong mayabang na lalaki.
"Si Cal?" sagot ni Paris.
"Cal? Pinsan mo?" tanong ko.
Umiling si Paris at sumipol.
"Kapatid ko. That's Cairo? 'Yung kapatid ko na born and raised sa US?"
Parang may kung ano’ng tumunog sa kan’yang utak. Iyong panganay na kapatid ni Paris na laging naku-kuwento nina Mama.
"Ah!" sagot ko.
Umupo na ako sa couch at tiningnan ang mga libro.
"Eh, bakit nandito?" tanong ko.
"Pinauwi ni Mama. Ewan ko din. Hindi kami close. Mas pogi ako, eh." sagot niya at nagkibit balikat.
Tiningnan ko ang pintuan kung saan siya pumasok. Cairo, huh?
Bakit na-ba-badtrip ako sa kaniya?