The dinner was served. Halos hindi ako makatingin sa kanilang lahat at tanging sa mesa lang nakatingin. They were talking about something like their vacation houses in USA at mga international trip. “Miss, juice po?” tanong ng kasambahay sa akin. Tumango ako at kinuha niya ang baso ko para masalinan. Tumikhim si Senyor na nakapagpatingin sa akin sa kaniya. “How’s your mother, Naya?” tanong ni Senyor. Sinusubukan niyang basagin ang katahimikan at pangangapa ko sa hapg kainan. “Maayos naman po, Senyor.” sagot ko at ngumiti na sa tanong na iyon. Cairo lifted up his fork and knife para maumpisahan na kainin ang steak na nilapag sa harapan niya. Lumunok ako at kinuha na rin ang akin para makakain. Mukhang nakakagutom at luto sa isang five star hotel ang mga putahe rito. “That’s go