Chapter Four

1364 Words
    Pagkabayad niya ng mga pinamili namin ay nagpalit ako ng damit sa fitting room.  Ipinabalot niya ang hinubad kong damit at sapatos at saka kami lumabas ng building.  Nag-aabang na sa exit ng condotel ang sasakyan niya.   Animo race car driver kung magpatakbo ng sasakyan ang kasama ko kaya’t ten minutes lang ay nakarating na kami sa lugar na pinag-usapan namin nila Kuya.  Hindi na kami gaanong nagpansinan sa biyahe dahil sa pagmamadali namin. Nag-focus na lang siya sa pagmamaneho.  Nakatatlong tawag na kasi si Kuya sa akin.  Sabi ng kapatid ko bilisan ko raw dahil may gagawin pa siya pag-uwi ng bahay.  Naiinip na rin daw siya.  Iniisip ko tuloy kung sino ba ang bisita, ako ba o siya? Nakakaloka.  Kapag natutuhan ko ang pasikot-sikot sa Sydney, who you siya sa’kin.  Kahit mag-isa ay gogorabels ako ng lakad.    “Come on.  Here, wear some sunscreen. Ayoko namang matusta ka.”  Inabutan niya ako ng sunblock cream nang maiparada na niya ang sasakyan.  Nasa Coast kami ng Bondi Beach.    “23 degrees ang temperature dito mainit na ba ‘yon? Sa Pilipinas nga 32 degrees fresh na fresh pa ang mga tao. Nakukuha pa nilang mag-jogging.”  Pero nabanggit ko lang naman iyon dahil likas na makomento lang talaga ako.  Naglagay pa rin ako ng sunblock para hindi naman ako mangitim.  Sayang naman ang genes ni Mama na may makinis at maputing kutis kung magmumukha lang akong letchon o ulikba dahil sa katigasan ng ulo ko.   “I have an umbrella.  Do you want to use it?”  Nakangiti niyang alok. Inirapan ko siya.   “Paki-explain nga kung saan ka nakakita ng nag-beach na nakapayong?” Lalo pa niyang itinodo ang ngiti niya.  Masyado tuloy lumiwanag sa loob ng kotse niya dahil sa ningning ng mga ngipin niya.  Doctor ba ito o dentista?   “Ikaw pa lang ang una. . .halika na nga, baka tumawag na naman ang Kuya mo.”  Bumaba na siya ng kotse at inikutan ang passenger side para ipagbukas ako ng pintuan.    “Iwanan mo na nga ‘yang payong! Mukha tayong tanga kung magpapayong pa.”  Pinandilatan ko pa siya ng mata bago siya pumayag na iwan na lang ang bitbit niyang umbrella.  Ang lakas din ng trip nitong doctor na ito.  Masyadong OC. Binilisan kong maglakad para hindi niya maisipang kunin at hawakan ulit ang kamay ko.  Oo assuming na ako kung assuming, pero mabuti na rin ang maingat.  Mahirap na mayayari ako ng kapatid ko pag nakitang kakakilala ko pa lang ay feeling close na kaagad kami ni Ashton.    “Karla, wait up.  Ang bilis mo naman maglakad. Nagkamali ata ako sa piniling footwear mo ah.”  Paglingon ko ay normal lang naman ang lakad niya.  Mukha pa nga siyang nagpa-fashion show, hindi lang dahil halos lahat ng babae sa paligid ay nakatingin sa kaniya kundi dahil sa lakad niyang pang rampa.   “Bakit ganiyan ka maglakad? Runway show ba ito?” Hinila ko ang braso niya para ayusin niya ang lakad at medyo bilisan ang kilos.    “Aray naman.” Kunwari ay nasaktan siya sa paghila ko, pero para-paraan lang pala ito para mahawakan ang kamay ko.    “Bakit may pag-holding hands?” Lalo pa niyang hinigpitan ang kapit.  Parang linta.   “Kailangan ko pa magkupad para balikan mo’ko.  Ayoko ng pinagtitinginan ako ng mga tao.  Baka sakaling kapag magkahawak na tayo ng kamay, isipin nilang may asawa na ‘ko kaya hindi na sila titingin.” Napahinto ako sa paglakad at siniko ko siya.  Napakapit siya sa tagiliran niyang tinamaan ng siko ko. Hindi pa rin siya bumitiw sa kamay ko.   “Wow! Holding hands lang asawa agad? Hindi ba pwedeng friends lang muna tapos fling then mag-jowa tapos engaged muna then asawa?”   “Siyempre doon tayo sa finish line para mabilis.” He smiled at me at parang gusto ko na naman siyang bigwasan dahil nadistract na naman ako.   “Dr. Frederico, hindi lahat ng bagay kailangan mabilis.”  Naglakad na kami muli.    “I know, pero mabuti na ang mabilis para hindi maunahan ng iba.” Mas lumapit pa siya sa akin at iniangkla niya ang braso ko sa kaniya.  Kung titingnan, para kaming naglalakad papasok ng isang Ballroom at hindi sa coast ng dagat.    “Karla, Ashton! Ang tagal niyo.  Umalis muna sandali si Kristoff, may emergency raw sa opisina nila.  Magkikita na lang daw tayo mamaya sa Lindt Chocolate Cafe sa Martin Place.”  Nakita ni Kuya Blake ang magka-abrasiyete naming braso at napangiti ito.  Lumalayo ako pero hinihila naman ako papalapit ni Ashton.  Mukha kaming nag-tatug of war dalawa kaya kalaunan ay tumigil na rin ako at hinayaan ko na lang siya.   “Emergency? E kayong dalawa itong doctor tapos siya ang may emergency?! Nag-oopera na ba ng tao ngayon ang mga programmer at software engineer?  O computer ang ooperahan niya?” Naiinis kong sabi.  Tumawa lang ang dalawa kong kasama.   “Hayaan mo na, nandito naman ako.  Ako na ang bahala sa inyo.  Let’s go.  Bro, bukas pala may extra ticket tayo baka may gusto kang isama?” Napailing lang si Kuya Blake.    “Wala naman akong ibang kakilala dito.  Baka si Kristoff magsama ng date, pero sabi niya kanina wala naman daw siyang ka-fling ngayon.  O ikaw na lang, maghanap ka ng iba.”  Inabangan ko ang isasagot ng katabi ko, mabuti na lang at maayos ang sagot niya.   “Hindi na Bro.  No need.  Nahanap ko na.” Tumawa si Kuya Blake at nagfist bump silang dalawa ni Ashton.  Anong problema ng dalawang ito, parang mga timang.    “Bilisan na natin, ang layo pa yata ng lalakarin. . . bakit ko ba naisipang magpunta dito, wala naman akong balak mag-swimming.”  Pabulong kong sabi pero narinig pala ni Ashton.   “Bakit naman? Hindi ka ba marunong lumangoy?”  Ako naman ang natawa sa sinabi niya.  Varsity swimmer ako dati kagaya ng Ate ko kaya’t marunong akong lumangoy.  Pero hindi ko na sinabi dahil hindi ko na rin naman ito ginagawa.  Na-trauma na ako.  Natigil ako ng pagtawa nang makita kong sumeryoso ang mukha niya. Napatigil rin siya sa paglakad at napatingala sa mga ulap.   “Why so serious all of a sudden?  Ashton, ayos ka lang ba?”  Nauna na si Kuya Blake maglakad kaya hindi na niya narinig ang usapan namin.  Hindi rin siya lumingon kaya marahil hindi niya napansin na huminto kami ng pagsunod sa kaniya.  Nabigla ako sa sunod na sinabi ni Ashton.    “My twin brother died when we were twelve, more or less ten years ago.  Nalunod siya sa isang swimming competition.  Isang freak accident.  Pakiramdam ko noon dinaya kami ni kamatayan.  Inagaw niya ang taong pinakamalapit sa akin.”  Bumuntung hininga siya.  Wala akong nagawa kundi ang hawakan ang kamay niya at hintayin siyang magkuwento muli.   “May tinulungan siyang isang swimmer din na kalaban nila.  Nadaganan ito ng nahulog na diving platform.  Nang nailigtas na niya ang batang iyon at nakaahon na sila sa tubig, may isa pang poste na bumagsak at tumama sa ulo niya.  Nahulog siya sa swimming pool at dahil sa kaguluhan, hindi agad siya nasagip.  Nakaligtas ang batang tinulungan niya, pero ang kapatid ko, hindi pinalad.  Simula noon, kinalimutan ko na rin kung paano lumangoy.  Lahat ng may kinalaman sa tubig, sports at kung ano pa, iniwasan ko.  Karla, unang beses ko lang nakalapit ulit sa dagat ngayon.  Pero dagat naman kasi ito, hindi swimming pool.”  Nanlamig ang buo kong katawan.  Para akong binuhusan ng malamig na tubig na puno ng yelo.   “Karla? Hey. . . bakit ikaw naman ang nanigas diyan? Did I say something wrong? Naalala ko lang kasi.  Sorry if I bothered you.  Huwag mo nang isipin.  Nabanggit ko lang naman.  Sa’yo ko lang actually na-open ito.  No one knows about this.  I don’t know why, pero kahit kakakilala lang natin, ang gaan ng loob ko sa’yo na sabihin kahit ang pinakamasakit na bahagi ng buhay ko.”  Tumango na lang ako at ngumiti.  Talaga ba?  Posible bang ganito kaliit ang mundo?  Ang pangyayari kayang tinutukoy niya ay ang nakaraang pilit na kinakalimutan ko?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD