Chapter Five

1868 Words
      “Bakit ang asim naman ng ngiti mo? Ang tipid mo na nga mag-smile tapos ganiyan pa?  Pasensiya na nalungkot ka pa yata dahil sa ikinuwento ko. . .”  Hindi ko na siya sinagot.  I looked at Bondi’s legendary crescent shaped sand and the numerous people sunbathing and swimming.  Lumapit ako sa gilid ng coastal walk track at sinilip kung gaano pa kahaba ang lalakarin namin.    “Kung lalakarin natin ang Bondi to Coogee beach dito sa coastal walk track, 6 km ito around 3 hours walk at a leisure pace.  Pero one way lang so along the way at mapagod ka na just tell me, we can ask someone to pick us up so we don’t have to walk all the way back.” Tumango lang ako bilang pagsagot sa sinabi niya.  Wala naman yata siyang balak na bitiwan ang kamay ko kaya I pulled him to walk back beside me para mahabol na namin si Kuya Blake na nawala na sa paningin ko.  Iniisip ko kung kaya ko ba maglakad ng 3 hours.  Sabagay, noong minsan ay sumama ako sa Fun Run at 10 km ang sinalihan ko, hanggang ngayon pag naaalala ko ‘yon ay hindi ko mawari kung bakit “fun” ang term gayong nakakawala ng ulirat at lakas ang pagsali dito.  Not to mention, dalawang araw ata akong hindi nakabangon sa higaan pagkatapos noon.   “Blake is calling, baka hinahanap tayo. . .”  Sinagot ni Ashton ang tawag.  Hindi ko na pinakinggan ang pinag-usapan nila, I was trying to rationalize whether to ask him more about his past.  Baka siya ang sagot sa mga katanungan ko.  Pero natatakot ako sa malalaman ko.    “Karla. . .” Huminto pala kami at nakatingin siya sa akin.  Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.   “Bakit?”   “I was talking to you pero you zoned out.  Ayos ka lang ba talaga? Habang malapit pa bumalik na tayo. Ihahatid na lang kita if you’re not feeling well.”   “I’m fine.  Baka nabigla lang ako sa layo na sinabi mo.  Medyo nakakasilaw rin kasi ang araw.  Hindi ko nadala ang shades ko.”  Nagdahilan na lang ako.  Ayoko naman masira pati ang araw nila ni Kuya Blake dahil lang sa kadramahan ko.  Hindi ko pa nga alam kung tama bang magdrama dramahan ako.   “Here, use mine.” Inabutan niya ako ng isang Oakley shades.  Hindi naman maluwag dahil parang clip type ito at matangos naman ang ilong ko para saluhin if ever mag-fall.  Napaisip tuloy ako, sa shades may sasalo pag nag-fall, e sa akin kaya?  I dismissed the question.   “Thank you.  Ikaw?”  Okay din na may suot akong dark shades. Pwede ko siyang tingnan na hindi niya nakikita.  Polarized pa ito kaya mas malinaw ang lahat kahit sa nakakasilaw na sinag ng araw.   “Don’t mind me.  As long as you’re okay, I’ll be fine.  Let’s go? Ang bilis maglakad ni Blake, we have to walk faster to catch up.  Sabi ko huminto muna siya at magmasid sa paligid baka nandito ang forever niya.” I smiled at his joke kaya napangiti ko rin siya. We walked a little faster, mabuti at mahaba naman ang legs ko at my 5’7” height, hindi ako nahirapan makisabay sa mga hakbang ng 6 footer na kasama ko. I enjoyed the walk dahil ang ganda ng puting dalampasigan at asul na karagatan.  May mga nakita rin akong rock formations at mga makukulay na halaman at bulaklak.    “Hindi ka ba mahilig mag-picture?” Tanong niya.    “Mahilig naman pero I don’t want to spoil the moment.  Siguro kapag na-enjoy ko na ng husto ang mga nakikita ko saka ko na lang kukuhanan ng picture.  Besides, marami naman pictures nito sa internet.”   “So you’re not the type of person who posts everything in social media?”   “No.  Hindi ako ma-socmed.  I’m a very private person.  Sabi nga nila kabaligtaran ko raw ang Ate ko, which is an internet sensation.  Vlogger siya with millions of followers.  May sss account at IG ako pero sobrang dalang ko magpost doon.  Mga special moments at celebrations lang ang nilalagay ko, usually wala pa ako sa picture.  Pero mahilig akong magpaprint ng photos.  I edit the photos and have them printed with caption and labels.  Parang IG din pero in hard copy and for my private viewing only.”  He was looking at me intently, na-conscious tuloy ako.   “Interesting.  Ano pala ang course mo? College ka pa right?” Inteview portion pala ito.  Dahil mabait naman siya sa’kin, sinagot ko na lang lahat ng tanong niya.   “Yes, kung ikaw genius, at age 19 doctor ka na, ako naman hindi pinalad.  Well, don’t get me wrong, I’m not stupid. May mga certain areas lang talaga na mahina ako, like memorization.  I tend to forget easily.” Mas lalo pa siyang naging interesado sa sinabi ko, naalala kong brain nga pala ang inaaral niya.   “Why? May nangyari ba sa’yong accident in the past? It can affect your short term memory and your brain.  Baka you were not properly treated. . .” I stopped him by placing my hand on his lips.  Which I think is a wrong move dahil biglang nag-iba ang tingin niya, parang may effect yata ang ginawa ko sa kulay ng mata niya, his brown eyes turned slightly darker.  Baka naman nabahuan sa kamay ko?   “Stop.  Ashton, I am not your patient at hindi ko planong makipag-usap sa ‘yo tungkol sa utak ko.  Just listen to me as a friend and not as a doctor.”  Kinuha niya ang kamay ko, dalawang kamay na ang hawak niya and he looked into my eyes, technically sa shades sya nakatingin.   “Sige, I’ll let this slide for now.  Thank you.”  He smiled at siyempre napatulala na naman yata ako.   “Thank you para saan?”  Naguguluhan kong tanong.   “Thank you dahil friends na pala tayo.”  Babatukan ko sana siya kaso hawak nga pala niya parehong kamay ko.    “Parang timang lang.  Ano ba, kanina pa tayo friends, ‘di ba?  Nakikipag-holding hands ka ba sa stranger lang? Tara na nga, baka maiwan na naman tayo ni Kuya Blake.”  He let go of my right hand at naglakad na ulit kami.  Parang fixed na yata na magkakapit ang kaliwang kamay ko at ang kanang kamay niya.  Mas lighter na ang mood niya nang simulan ko ulit magkwento.   “Magka-age nga yata tayo, if you’re 22.  Nasayang kasi ang one year ko sa College, nag-shift ako ng course fron Fine Arts to my new course.  I will be finally graduating next semester with a Bachelor’s Degree in Hospitality Management specialized in Culinary Arts.”    “Wow.  Magaling ka pala magluto?”  Natawa na lang ako sa tinanong niya.   “Trying hard.  Misconception na lang yata na pag Culinary Arts magaling kaagad.  May mga ibang aspeto pa din aside from cooking.  Edible naman ang naluluto ko at pumapasa naman sa panlasa ng mga tao but siguro I really don’t have the passion to cook .  Mas na-enjoy ko lang ang course kasi practical and nai-aapply ko siya sa pang-araw araw, hindi puro memorization.”   “What’s your plan after graduation?”   “Kukuha pa akong Master’s Degree sa UP for Food Service Administration. Usapan kasi namin ni Kuya bago niya ako kuhanin dapat may Master’s Degree na’ko.  In less than three years time pa ako pwede mag-stay ng matagal dito sa Australia.  Sembreak ko lang ngayon and I was planning to apply here for a short internship to get recommendation for my Master’s Degree.  Pero I changed my mind, sa Pilipinas na lang ako kukuha.  I just want to spend my free time doing nothing.  Bakasyon grande kung baga.”    “I can ask a friend of mine to give you a recommendation.  Restaurant owner ‘yon and a renowned Chef.  I’ll ask what needs to be done.”  Napahinto ako sa paglakad.  Seryoso ba ang taong ito? Bakit parang masyado naman pabibo?   “Seryoso? Pero you don’t have to do that.  Baka hindi kaya ng oras kasi three weeks na lang ako dito.” Sayang naman kasi ang isang linggo kong itinambay sa bahay, pero KDrama is life naman so okay na rin ‘yon.   “Three weeks lang? Gaano katagal na ba ang mga sembreak ngayon sa PIlipinas?”  Gulat na gulat niyang tanong.  Naalala kong sa abroad nga pala ito laging nag-aaral kung classmate niya si Kuya Blake. May dumaang speedboat sa may tapat ng nilalakaran namin.  Kumaway pa ang mga sakay nito.  Nakakatuwa, uso rin pala dito ang ganoon.    “Usually two weeks lang, mas shorter pa nga dapat pero maaga ko kasi natapos ang internship ko kaya mas maaga ako nakapag-break.  At iyon nga plan ko din nga mag-apply dito.  Ayaw lang kasi pumayag ni Kuya na dito na ako.  Maarte ‘yon e, bibili raw muna siya ng bahay bago niya ako kunin.”    “Ang iksi na lang ng oras.  Kailangan pala natin masulit ang oras mo dito.”  Naging seryoso ang expression ng mukha ni Ashton, parang ang lalim ng iniisip. Hinila ko na ulit siya para ituloy ang pag-usad namin.  Muntikan pa kami mabangga ng nakasalubong naming dalawang babae na nakabikini top at sobrang iksing shorts.  As usual, tumingin sila sa kasama ko.    “May tatlong weekends pa naman ako to make this vacation a memorable one.  Ang ganda naman dito.” Nasambit ko nang makita ko ang Bronte Beach front.  Mas maasul pa ang tubig dito, siguro mas malalim.  May mga batuhan din kung saan tumatama ang mga mapuputing alon.   “Oo maganda nga.” Paglingon ko ay sa akin naman siya nakatingin at hindi sa tubig.    “Ashton, Karla!” Sa wakas ay nagpakita na rin si Kuya Blake.   “Kuya Blake, hindi mo naman sinabing mahilig ka din sa marathon.  Ang bilis mo maglakad!”  Natawa lang siya at pinisil ang pisngi ko.   “Ang bagal niyo kasi, para kayong naglalakad sa Luneta. Tumawag si Kristoff. Sa Coogee Beach na lang raw tayo magkita para hindi na tayo maglalakad pabalik.  May alam raw siyang restaurant doon.”  Napairap na lang ako at natawa si Kuya Blake sa inasal ko.   “Si Kuya marami talagang alam ‘yan. Pero mas okay nga ‘yon nakakapagod pala maglakad eh.”  May sasabihin pa sana si Kuya Blake pero may isang magandang babaeng Australiano na lumapit sa amin.  Blonde ang buhok niya, pouty red lips na parang kinagat ng bubuyog at may dark smoky eyes kahit katirikan ng araw.  Kitang kita ang perpektong hubog ng katawan nito at naghuhumiyaw ang cleavage niya sa suot niyang tube top at short skirt.  Hinahangin ang skirt niya kaya nakita ko na din ang string type bikini panty na suot niya.  Sino naman kaya ang pakay ng linta na ito?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD