May pagka-overacting ang gwapong doctor na kasama ko sa pag-alalay sa akin. Pakiramdam ko tuloy matandang hukluban ako at hindi allergy patient.
“Ashton, I’m okay. No need to treat me like I’m an invalid.” Hindi ko na natiis. Iba rin kasi ang pakiramdam ko sa tuwing hahawakan niya ang braso o ang siko ko habang naglalakad kami. Huling hirit na nang pasakay ng kotse niyang kumikinang sa kakintaban. Inilagay pa kasi niya ang seatbelt ko bago siya umikot at umupo sa driver’s seat.
“I just want to make sure you’re safe.” Sabi niya pa bago niya pinaandar ang pulang kotse na pangarap ng karamihan. Ang kotse lang naman niya ay isang puting Porsche Cayenne.
“Bakit ka nga pala may dalang gamot sa allergy? Do you usually carry drugs with you everywhere you go?” Natawa siya sa sinabi ko.
“Drugs talaga? Sabagay, drugs and medicine are synonymous. May nag-abot kasi kanina mga sample na gamot. Mabuti at hindi ko naalis sa coat ko. Maswerte din talaga ako minsan. Pinaka maswerte na yata ako ngayong araw.” Hala siya, hindi ko alam bakit bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Bigla kasi siyang lumingon sa akin at ngumiti nang sinabi niya ang huling pangungusap niya.
“So galing ka pala sa hospital?” Iniba ko na lang ang usapan.
“Yes. Fresh from a 24 hour duty. Nakiligo nga lang ako sa hotel room ni Blake. Akala ko kasi ay late na ako. Pagdating ko sa hotel, may oras pa raw dahil nagsabi si Kristoff na mahuhuli kayo ng dating.”
“Are you implying na kasalanan ko kung bakit kami late?” Naiinis kong sabi.
“O, wala naman akong sinabing may nagkasala ah. Bakit, ikaw ba ang reason bakit kayo late? Don’t worry. Ayos lang sa’kin maghintay. Kung ikaw ang hihintayin ko, kahit gaano pa katagal.” Ang presko naman ng mamang ito. Akala naman niya kikiligin na agad ako sa mga patutsada niya. Pero bakit parang double time ata ang pagkabog ng dibdib ko? Ah, siguro epekto ng gamot.
“Ang dami mong alam eh no. Pwede ba, ang mga pick up lines mo, don’t use them on me. Kasi hindi ako nakikipaglokohan sa’yo.” Malumanay naman ang pagkakasabi ko pero siguro hindi niya nagustuhan ang tono ko. Inihinto niya ang kotse. At dahan dahang iniharap niya ang mukha ko sa kaniya. I felt my cheeks tingle with his gentle touch.
“I’m not using any pick up lines. I have never used any in my entire life, and Karla, hindi kita balak lokohin kahit kailan.” Tumigil yata ang pagtibok ng puso ko. Ang intense ng tingin niya sa mga mata ko. Parang ipinapabasa niya kung anong nasa loob nito. E hindi ko naman maaninag dahil far sighted ako at masyadong malapit na ang mukha namin sa isa’t isa. Ito na ba? Ito na ba ang first kiss na pinapangarap ko?
“Karla, we’re here.” May sayad na yata ako sa ulo, ang alam ko, magkalapit na ang mga mukha namin, paano nangyaring nakaikot na si Ashton at ipinagbubukas na ako ng pintuan. May pagka magician yata ito.
“Thank you.” Gaya ng ginawa niya sa restaurant, iginiya niya ako papasok ng Condo type hotel na pinuntahan namin. Binati siya ng mga staff doon, may nasalubong pa nga kaming nakauniporme at nakalagay ay Manager sa name tag, pero yumuko pa ito bilang pagbati sa kaniya. Parang sikat na sikat naman yata si Ashton.
“My unit is at the top floor. Pero may sarili naman tayong elevator so don’t worry.” He smiled at me. Bakit pakiramdam ko, nakakaconscious ang ngiti niya. Elevator, top floor. 25 floors ang total na pindutan ng elevator pero Ahston pressed the letter P or the Penthouse button at may card siyang ininsert at inialis muli para umandar ang lift.
“Penthouse? Wow. . . Dr. Ashton, sobrang sikat mo naman yata dito. Halos magkandakuba ang mga staff kakabati sa’yo kanina.” Ngumiti lang siya in response. Tuwing ngumingiti siya para akong inaatake sa puso. Bakit ba ganoon? May sakit ba ako?
“Don’t call me Doctor. Ahston lang. Are you okay? You look pale.” Gamit ang likod ng palad niya, pinakiramdaman niya kung mainit ba ang temperature ko. Pakiramdam ko nga parang biglang uminit.
“Normal naman. We’re almost there. Hang on.” Umakbay siya sa akin. Akala siguro niya mag-cocollapse ako. “Here. Come in.” Nang makalabas kami ng Elevator, ginamit na naman niya ang card na ‘yon at nag-input ng password sa control panel ng security lock bago kami nakapasok sa magarbo niyang unit.
“Karla, upo ka muna. Kukunin ko lang sa kwarto ang gamit ko. Feel at home.” Ngumiti pa ito muli bago siya mabilis na lumakad papalayo. Malaki ang penthouse. Para itong isang malaking bahay. May malawak na receiving area kung saan ako nakaupo. Madilim nga lang ang paligid dahil na rin siguro sarado ang mga kurtina. Hindi na ako nag-usisa pa, hinintay ko na lang siyang bumalik. Maya-maya pa nga ay dumating na siya dala ang ilang gamit. Stethoscope, Sphygmomanometer blood pressure monitor at flashlight pangtingin sa mata.
“Relax. Hinga ng malalim.” Ginawa ko naman ang sinasabi niya, pero pakiramdam ko, lalong bumibilis ang paghinga ko at ang pagtibok ng puso ko dahil naramadaman ko ang kamay niya sa balat ko. Kung bakit kasi low back at semi plunging neckline ang sinuot ko. Dapat nag turtleneck pala ako.
“Hindi ko alam pero hindi normal ang heart rate mo. Parang nagpapalpitate. I’ll check your blood pressure.” Oh Lord lang ang nasabi ko nang para akong nakuryente nang hawakan niya ang kamay ko, para lang ilagay ang strap ng blood pressure monitor.
“Karla, don’t be nervous. Check-up lang ‘to.” Seryoso ang mukha niya, mukhang nag-aalala talaga siya sa akin. Medyo kumalma naman ako. Nakakita ako ng pagbabalingan ng atensiyon.
“Iyong frame na may quote. Anong ibig sabihin? I mean, I know what it means dahil self explanatory naman, pero why? Why do you have that here?” Hindi niya agad ako sinagot, dahil na rin tinitingnan niya pa ang blood pressure ko. Nang matapos siya at mailigpit ang gamit, naupo siya sa tabi ko at saka lang siya nagsalita muli.
“No one is going to love you exactly like you imagine. No one is ever going to read your mind and take every star from the sky at the perfect time and hand it to you. No one is going to show up at your door on a horse, with a shoe you lost. Do you understand? That’s why you have to love yourself enough, so that any other love just adds more candle to the cake you’ve already iced. . . .. Paborito kong poetic rambling ni Stephanie Bennett-Henry. Baka alam mo iyong sss page niya.” Napabuntung hininga siya bago ulit nagsalita.
“Because of my busy schedule, my whole life, I felt like I was missing something. Siguro matatawa ka lang o baka hindi ka maniwala na wala pa akong naging love life. NGSB nga raw ang tawag doon. When I saw this quote, I realized that I have to love myself first, do what I want then the rest will come into place. Pero ngayon parang sumobra naman ang self love ko dahil nakatapos na ako ng medisina at specialization na ang inaaral ko wala pa rin akong love life.” Guni guni ko lang ba o parang his eyes twinkled nang tumingin siya muli sa akin.
“Ang deep naman. . .hindi naman ako natatawa na NGSB ka dahil NBSB rin naman ako. Pero medyo hindi lang ako naniniwala, parang sa tipo mo baka nakarami ka na nga ng napaiyak na gurlalus.” Napangiti lang siya sa sinabi ko. Dapat yata ay hindi ko na ‘yon sinabi dahil parang lalong naging intense ang tingin niya sa mukha ko.
“Bakit Karla? Ano ba ang tipo ko? Baka ako pa ang hindi maniwala na NBSB ka. . .” Landian 101 ba itong ginagawa namin o ano? Iniba ko na lang ang usapan dahil naalala kong hihintayin na kami nila Kuya.
“Ha? Wala. Walang tipo tipo. Doc? Kumusta po ang lagay ko? Ang check-up?” I smiled at him. Natawa ako sa reaction ng mukha niya. Parang nagulat na nashock na ewan.
“Huy! Doc! Ano na? ‘Di ba sabi mo check-up? So ano pong findings?” Naging seryoso siya bigla. Pihadong pinagtitripan ako nito.
“Mabilis ang t***k ng puso mo tuwing idadampi ko ang stethoscope sa iyong balat. Bumilis ang pintig ng pulso mo nang mahawakan ko ang kamay mo. . .” Nakakapanghina ang titig niya pati ang boses niya, parang nakakahypnotismo. Oo nga nararamdaman ko nga na parang bumibilis na naman lahat, t***k ng puso ko, pintig ng pulso ko. . . habang papalapit pa siya ng papalapit sa akin, sinubukan ko namang umatras ng umatras hanggang sa madikit na ang likuran ko sa gilid ng sofa.
“. . .pero normal naman ang blood pressure mo so wala tayong problema.” Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa bigla niyang pagtayo. Naiwan akong mukhang tanga na nakasandal halos nakahiga na ako sa sofa kakailag sa kaniya. Nakalilis na rin ang palda ko na nakita kong nasulyapan niya pa bago siya umiwas ng tingin.
“Karla? Pwedeng humingi ng pabor?” Ano na naman kaya ang gusto nito? Speechless na nga ako ang dami pang gusto.
“Anong pabor?” Tumayo na rin ako at inayos ko ang suot kong damit.
“Don’t be offended ha. I just want what’s best for you. Can you change your outfit bago tayo mamasyal?” Humarap siya sa akin. Bibigwasan ko na sana siya pero nakita ko ang pleading eyes niya. Sincere naman ito na parang gusto nga lang niya akong mapabuti.
“Bakit ba atat na atat kang magbihis ako? Ano bang masama sa suot ko?” At saka niya ako tiningnan mula paa hanggang ulo. Loko pala to eh, parang nang-aasar pa. Napalunok pa siya bago muling tumingin sa mga mata ko.
“It’s perfect. Pero hindi sa lugar na pupuntahan natin. Beach iyon, malakas ang hangin, liliparin ang palda mo, may buhangin, lulubog ang heels mo. Sa Sydney Harbour naman maraming lakaran, mangangalay ka. Pero suggestion lang naman, you can still wear that perfect little red dress if you want.” Nginitian pa ako. Gusto talaga akong mapa-oo.
“Oo na. I’ll change. Pero malayo ang apartment ni Kuya. Matatagalan pa kung babalik ako.” He took my hand at hindi niya ito binitiwan hanggang makasakay kami ng elevator.
“Hindi mo nilock ang unit mo.”
“Auto locked na’yon basta sumara ang pinto.” He seemed happy and excited.
“Saan tayo pupunta?” Nakatingin ako sa kamay naming magkahawak pa din. Iniisip ko kung bakit kailangan pa na magka-holding hands.
“Sa Dress shops sa baba. Doon ka na lang bumili ng gamit. Ako na bahala.” I tried to let go of his hand pero mahigpit ang kapit niya.
“I can’t let you buy me anything. Masyado na nga akong naging abala sa’yo.” Sa totoo lang hindi pa ako nagpalibre sa ibang tao sa buong buhay ko, at hindi ko sisimulan ngayon.
“Sige, bawi ka na lang sakin sa susunod ha. Think of this as my Nice to finally meet you gift.”
“Ano namang pautot ‘yan. Wala namang ganyang type of gift, alam ko lang birthday at Christmas gift.” Pero mukhang hindi matitinag ang kakulitan ng taong ito dahil pagdating namin sa baba ng condotel, sa isang Clothes shop doon ay namili na siya ng isusuot ko. Simple lang naman ang pinili niya at nagustuhan ko naman. White turtleneck sleeveless shirt at red wrap around shorts na mukhang skirt, red flat and comfy sandals naman ang sa paa. Nang inialok niya sa akin lahat, ngumiti na lang ako at nag-thumbs up, gamit ang isa kong kamay na hindi niya hawak. Saka ko lang naitanong sa sarili ko. . . Ano ba itong napasukan ko?