Chapter Two

1872 Words
    “Magkakilala na pala kayo.  Karla, meet Dr. Ashton Frederico, he’s my batchmate in Med school.  He’s training to be a neurosurgeon here in Australia at sa history ng university namin sa US, siya ang pinakabatang doctor at age 19.  Baka nga magkasing-edad lang kayong dalawa.  Dude, ito naman ang youngest sister namin na si Karla Santiago. O, mag-shake hands naman kayong dalawa.”  Kung hindi ko kilala itong si Kuya Blake, malamang ay isipin kong ibinubugaw niya kami sa isa’t-isa.  Pero dahil alam kong hindi niya naman ugali ang mag-match making, ngumiti na lang ako at inilahad ang kamay ko sa lalaking seryosong nakatingin sa akin.    “Nice to meet you Dr. Frederico.  Sorry for the incidient earlier.”  Hindi ko naman talaga gustong mag-apologize pero dahil sinipa ako ng kapatid ko sa ilalim ng lamesa, kinailangan kong maging mabait.    “Really? You’re sorry?” He smirked at me at hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko.  The nerve of this guy! Well, siguro napansin niyang hindi naman talaga ako sorry at may pagka-plastic ang ngiti ko, pero kahit na, nag-sorry pa rin naman ako.  Ano siya sinusuwerte? Kailangan pang meant kong mag-apologize? Wow, swerte naman niya.   “Yes.  Kuya, anong order natin? I’m famished.” Ayaw niya pa yatang bitiwan ang kamay ko kaya’t halos ipagpag ko ito para lang magkahiwalay ang mga palad namin.  Ibinaling ko ang atensiyon sa kapatid kong nakasilip sa menu ng restaurant.   “They serve Western food here as well as Japanese.  Ikaw ano bang gusto mo?”  Seryosong tanong ni Kuya.    “I suggest the Chef’s special.  Kahit alin doon siguradong papatok sa panlasa ninyo,”  mungkahi naman ng preskong doktor.  Sinunod ni Kuya Blake at Kuya Kristoff ang sinabi niya.  Magkakaparehas sila ng ipinalista sa waiter.  I ignored him at nag-order lang ako ng sa tingin ko ay maganda ang itsura.  Mukhang masarap sa picture.  Hindi ko na binasa kung ano ang description nito.  Kinuha ko ang cellphone ko at nag-browse sa social media.  Hindi ko na napansin na lumipat pala sa katabing upuan ko si Ashton.   “Are you sure about your order? Baka magsisi ka,” nakangiti niyang tanong.  Na-distract ako ng maputi at pantay-pantay niyang ngipin.  Para siyang toothpaste model.   “I can suggest something na siguradong magugustuhan mo. Baka makalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo ‘yon.”  Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba siya o concerned talaga siya sa appetite ko.  I rolled my eyes at him bago ko muling itinuon ang atensiyon ko sa cellphone ko na hindi ko pala nai-charge.  Kahit nag-off na ito, hindi ko pa rin inialis ang tingin ko rito.  Kunyari ay nag-scroll pa rin ako kahit black screen na lang ang kita.   “Do you detest me that much for you to pretend to be doing something so you can ignore me?” Medyo nawala ang inis ko dahil sa narinig kong boses niya.  Parang seryosong nalulungkot ito na hindi ko nga siya pinapansin.  I decided to ignore him more.  Ano, isang padrama effect lang, bibigay na agad ako? Not in his wildest dreams!   “Karla,” he whispered my name.  Pabulong man ito, pero gumaan ang pakiramdam ko nang marinig kong sabihin niya ang pangalan ko.   “Stop pestering me. I’m busy.” Mahina ko ring sagot na hindi ko pa rin siya tinitingnan.   “You’re busy scrolling a blank phone?   God, I really suck at this.” Umayos pa siya ng pwesto bago nagsalita muli.  Narinig ko kasing tumunog ang silya nang iniharap niya ito sa akin.   “Karla, Blake, saan ninyo gustong pumasyal? Kami muna ni Ashton ang tour guide ninyo ngayon.”  Buti at na-iba na ang topic ng usapan.    “Ako, Kuya kahit saan lang.  Pero gusto kong makita ang Sydney Opera House at Bondi Beach.”   “Mas maganda ang mga dagat natin sa Pilipinas,” pabulong na sagot naman ni Ahston sa akin.    “E kung mas maganda pala roon, e ‘di umuwi ka na at mamasyal sa Pilipinas.”  Natawa lang siya sa sagot ko.  Ano naman kaya ang nakakatawa sa sinabi ko?   “I have five tickets to the Opera House tomorrow night at may piano concert.  Baka gusto ninyo? Today, pwede tayong mag-ikot sa coasts ng Bondi Beach to Coogee Beach at sa Sydney Harbour.”  Presko talaga at pabida itong lalaking ito.   “Sounds good to me, Bro.  Sige, after we eat we can start with the tour.”  Feeling close naman itong kapatid ko, Bro agad ang tawag eh hindi naman namin kaano ano itong si Ashton. Kairita much sila!   “Karla, baka gusto mong magpalit muna ng damit at sapatos bago tayo mamasyal?” Ang hilig niyang bumulong, nagtatayuan ang mga balahibo ko tuwing lalapit siya sa may tainga ko para bumulong sa akin. “Bakit pa? Okay lang ako.  I can manage.”  Paismid ko siyang sinagot.  Iniiwasan kong tumingin sa kaniya dahil nadidistract ako sa mukha niya.   “Don’t say I didn’t warn you.”  Sasagot pa sana ako ng pabalang kaso lang ay dumating na ang orders namin.   Unang inilapag sa mesa ang pagkain ng tatlo kong kasama.  Nakakatakam ang itsura ng mga ito, mula sa steak at sa tatlong klaseng sauce na inihain hanggang sa garnish nitong beans, carrots, corn at parsley na lalong nagpaganda ng presentation ng dish.  May mashed potato rin ito na nabudburan pa ng toasted garlic bits.    “Dig in guys.  Karla, I hope you’ll like your food.”  Sa sinabi ni Kuya Blake ko lang nabigyan pansin ang inilatag sa harapan ko.  Mukha naman itong masarap.  Pumiraso ako ng kaunti gamit ang tinidor ko at tinikman ito.  Maanghang ito at may kakaibang lasa at amoy na pamilyar sa akin. Biglang umikot at sikmura ko lalo na nang makumpirma ko kung ano ito.   “Hindi ko alam nagbago na pala ang taste mo ngayon sa pagkain. Dati naamoy mo pa lang ang chicken liver halos hindi na maipinta ang mukha mo.  Ngayon, baked salmon with chicken liver sauce pa ang order mo.”  Nakangiting sabi ni Kuya Kristoff.  Natigil ako sa pagnguya at agad na kinuha ang table napkin na ipinatong ko sa aking hita.  Iniluwa ko dito ang kinakain ko.  Wala pang laman na tubig ang kopita ko, mabuti na lamang at inabutan ako ng katabi ko ng inumin.  Ang kaso ay red wine pala ang ipinainom sa akin.  Naka-apat na lagok na ako nang marealize ko ito.   “Ashton, allergic si Karla sa red wine.” Nag-aalalang sabi ni Kuya.   “Oh s**t! Sorry, hindi ko alam. I’ll get antihistamine in my car. Do you know how severe her reaction is?  Blake, antihistamine or epiPen? I’ll just get both.”  Hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ni Ashton dahil nararamdaman ko na ang epekto ng wine na ininom ko.  Una ay para akong nasusuka at nahihilo, naninikip ang dibdib ko na parang may mabigat na nakadagan dito.  Nararamdaman ko na ring namamantal ang leeg at mukha ko na umpisang epekto nito.    “May dala kang gamot?” Tanong ni Kuya sa akin.  Umiling lang ako.  Sisigawan ko pa sana siya ng bakit ako magdadala ng gamot sa allergy gayong hindi naman ako dapat atakihin ng allergy in the first place!   “The reaction is instant, bilisan mo na Ashton, kunin mo na ang gamot sa kotse mo.”  Kalmado pa ang boses ni Kuya Blake kahit parang si Kuya at si Ashton ay nagpapanic na.   Pinainom ako ni Kuya ng tubig.  Pakiramdam ko ay isusuka ko lang ito.  Isinandal ako sa upuan.  Mabuti na lamang ay isolated ang puwesto namin.  Malayo sa ibang bisita ng hotel, nabawasan ang kahihiyang daranasin ko sa pamamaga ng mukha at leeg ko.   Nagsimula na akong mawalan ng malay.  Napakatapang siguro ng red wine na ‘yon para maging ganito kalakas ang epekto.   Maya-maya pa ay naramdaman ko ang isang malamig na bagay sa aking braso at amoy ng alkohol.    “Karla, hinga ng malalim.  Epinephrine ito.”  Mahinang sabi ni Ahston bago niya iturok ang isang injection.  Hindi instant ang epekto pero ilang minuto lang ay bumuti na ang pakiramdam ko.  Nawala ang paninikip ng dibdib ko at unti-unting nawala ang pamamaga ng mukha ko at leeg.   Nang tuluyan nang nawala ang sintomas ng allergy, nakita kong lahat sila ay nag-aalalang nakatingin sa akin.   “I’m really sorry.  I didn’t mean to cause you harm.  I don’t ever want to hurt you.”  Nakatitig na sabi sa akin ni  Ashton.  Hindi pa yata ako tuluyang magaling dahil pakiramdam ko ay bumilis ang pintig ng pulso ko dahil sa sinabi niya.   “Ayos lang.  Hindi mo naman alam. Okay na ako.  Salamat. Kumain na kayo. Oorder na lang ako ng iba okay lang?”  I tried to smile pero sa sobrang intense ng tingin niya sa akin, lalo akong naconscious.   “Ito na lang ang kainin mo.  Palit na lang tayo.  Pinagpalit ni Ashton ang pagkain namin.  Hindi pa niya nabawasan ang steak niya.  Medyo malamig na nga lang ito pero keri na iyon sa gutom kong sikmura.    “Salamat.  Kaso nabawasan ko na.” He smiled at me and I was rendered speechless.  Umiwas ako ng tingin nang tumikhim si Kuya Kristoff. Ang mga kapatid talaga ang numero unong panira ng moment.   “Okay ka na ba talaga, Karla?” tanong ni Kuya Blake.   “Yes, gutom lang pero okay na. Kain na tayo para makapasyal na.”  Nagkatinginan si Kuya Blake at Ashton.  Nakita ko pang umiling si Kuya Blake at tumango naman ang katabi ko. Hindi ko na ito pinansin, kumain na ako at sumunod na rin sila.  In fairness kay Ashton, mukhang nagustuhan naman niya ang kasumpa sumpang pagkaing inorder ko.  After we finished eating, ay nalaman ko kung bakit nagkatinginan ang dalawang doctor.   “I need to have you checked first bago tayo mamasyal kung ayos lang? Mas malapit dito ang condo ko kesa sa ospital.  I have things in my pad for a normal check-up to make sure there are no side effects from the medicine. If you’re not comfortable to go home with me, we could go to the hospital.”       “Karla, trusted ko itong si Ashton.  Wala rin kasi akong dalang gamit kahit isa.  Kahit stethoscope wala.  I agree with him, kailangan mo muna matingnan.  Hihintayin namin kayo ni Kristoff sa Sydney Harbour.”  Napagdesisyunan na pala nila ang buhay ko sa ilang minuto lang.   “Ayos ba sa’yo?  Pwede ka naman naming samahan kung gusto mo.”  Napansin yata ng kapatid ko na naiilang ako.  Pero dahil ayoko naman maging cause pa ng mas maraming abala at delay, pumayag na ako.   “Sige, ayos lang.  Mabilis lang naman, ‘di ba?”  Parang noon lang nakahinga ng maluwag si Ashton.  Ang OA nila.  Parang allergy lang nag-panic na kaagad.   “Yes.  It will only take a while.”  Kung alam kong ang maikling oras na kasama ko siya ang magbibigay daan sa mas marami pang bagay, hindi na sana ako pumayag. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD