True to his word, ala sais impunto ay nasa receiving area na ng Suite si Ashton. Pero hindi ala sais ng gabi kundi ala sais ng umaga kinabukasan. “Ang aga mo naman. . . Uwi ka kaya muna. Inaantok pa ako. . .” Pupungas pungas pa ako nang lumabas. Hindi ako tinantanan ng kapatid ko hangga’t hindi ako lumalabas ng kwarto para harapin ang bisita kong sobrang aga dumalaw. “I just want to apologize for last night. Maraming pasyente kagabi sa hospital dahil sa malaking aksidente sa Freeway. They needed extra help at the ER. Hindi ko nakayanang umalis at iwan sila. I hope you’re not mad.” Nawala ang attitude ko nang makita ko ang itsura niya. He looked exhausted. Magulo ang buhok, ang suot niyang gray hospital scrub pants ay may mga parang talsik pa ng gamot o siguro ay