Chapter Seven

2000 Words
  Kinaumagahan, hindi sinasadyang narinig ko nag-uusap ang dalawang Kuya ko sa receiving area ng hotel suite.   “Hindi mo pa nabanggit kung anong dahilan ng panic attack ni Karla.  Buti at sinilip natin siya, paano kung hindi natin siya napuntahan?”   “Matagal na niyang problema ang ganoon.  Pero dapat ay hindi na nauulit pa ‘yon.  Ilang doctor na ang napuntahan niya, marami nang klase ng therapy.  Pati hypnotism nasubukan na rin.  Posibleng may nag-trigger na naman kaya niya ulit naalala.  Baka kailangan ulit siyang magpatingin.  She’s trying to forget what happened to her ten years ago.”  Nanlamig ako.  Gusto kong lumayo, gusto kong takpan ang tenga ko para hindi ko marinig ang mga susunod na sasabihin ng kapatid ko, pero hindi sumusunod ang mga paa ko.    “What was she trying to forget? Bakit kailangan niya ng therapy?”   “Competitive and Acrobat Diving ang kinahiligan ni Karla noon.  Noong una ay gymnastics pero nang isinama namin siya manood ng swimming competitions ni Karen, nadiscover niya ang acrobat diving.  From gymnastics, naging swimmer at magaling na acrobat diver siya.   Twelve years old siya noong unang beses siya isali sa competition.”  Dito pa lang ay pumapatak na ang luha sa mga mata ko.    “Pang-apat siya sa mga divers.  Walang may alam na defective pala ang diving board pati ang mga poste nito.  Sabi ng mga imbestigador, maaring rigged daw ang poste kaya bumigay pero wala naman silang napatunayan na gagawa ng ganoon.  After her dive, bumigay ang board at ang poste.  Sabay ng pag-ahon niya ay ang pagbagsak ng board sa ulo niya.  Alam mo naman siguro ang bigat at velocity nito at ang impact kapag tumama hindi ba?”    “It would be fatal. Nasa tubig pa siya.  Head injury and drowning.  My God Kristoff! How? How did she survive?”  Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. I covered my mouth para hindi nila marinig. Hindi nila ako pwedeng makitang nagkakaganito na naman.   “Isa sa mga swimmer doon, kalaban niya, iyon dapat ang kasunod niya sa pag-dive.  Walang pag-alinlangan na tumalon sa tubig para iligtas siya.  Nagka-stampede noon, nagkagulo ang mga tao.  Hindi napaghandaan ng organizers ang ganoong klase ng aksidente. Ni hindi nila natulungan ang mga tao na nangangailangan. Nasagip ng bata ang kapatid ko.  Naiahon siya sa tubig.  Pero may isang beam pa ng poste ang bumagsak, nahagip ang bata at nahulog ito muli sa pool.  Dahil sa kaguluhan, hindi siya kaagad napansin at nakita.  Huli na nang makuha siya.  Hindi siya nakaligtas.  Nalaman ni Karla ang nangyari nang magising siya mula sa coma.  Simula noon, lagi siyang tulala.  Hindi siya makatulog.  Tuwing makakatulog siya ay napapanaginipan niya ang nangyari.  She was too young to handle a serious emotional breakdown like that.  She blamed herself for the death of her saviour.”   Natahimik sila.  Habang ako ay nanghihinang pumasok ulit sa silid na pinanggalingan ko.   I was a mess back then.  Hindi lang emotionally pati mentally.  Dahil sa aksidente, naapektuhan ang memory ko.  Short term memory loss.  May mga bagay akong mabilis malimutan.  I was treated yes, pero kahit anong gawin nila, ang mga gusto kong maalala, nalilimutan ko.  Kabaligtaran ng nais kong mangyari.  Ang gusto ko makalimutan, ang bagay na panandalian kong nalimutan, ngayon ay bumabagabag na naman sa isipan ko.    I was home schooled dahil sa injury ko at emotional state ko.  College na nang payagan ako sa normal ng unibersidad.  Walang nakakaalam ng pinagdaanan ko bukod sa pamilya ko at sa isang tao.   “Karla?  Nandito na ang damit mo.  Kumuha ako sa apartment.   Kain na tayo.  Gusto mo bang magshopping ng isusuot mamayang gabi?  Alam kong wala kang pang gala night na nadala.”  Nagpahid ako ng luha.  Sana hindi nila mapansin ang mata kong mugto.    “Sige, Kuya, after kong kumain na lang.”   “Take your time.  Mag-gym lang kami ni Blake sandali.  Sabi pala ni Ashton, he might drop by.  Nagcha-charge ang cellphone namin ni Blake, sabihin mo na lang sumunod sa gym kapag hinanap kami.”    “Okay.”   “Karla? Ayos ka lang ba?”  Napansin ata niyang matamlay ang boses ko.   “Yes Kuya.  I’m fine.  Go ahead.  Maliligo na muna pala ‘ko.”  Hindi na sumagot ang kausap ko.  I stayed lying on the floor for a few minutes.  Nakatingin sa magandang chandelier sa loob ng silid.  Binilang ko ang mga crystal.  Isa. . . dalawa. . .tatlong buzz ang narinig ko.  Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa pintuan, nakita ko sa intercom si Ashton.  Binuksan ko ang pinto.  Nagulat pa siya nang ako ang makita niya.    “Hi. Good morning, Karla.”  He looked at me at parang nag-blush siya at saka ko lang naalala ang sinuot kong pantulog. Ang tanga ko talaga! Suot ko lang ay underwear at ang spare t-shirt ng kapatid ko, manipis pa ito at kita siguro na braless ako.    “Excuse me.  Ah, nasa gym sila Kuya.  Punta ka raw doon.”  Tumalikod na ako at lalakad na sana pabalik sa kwarto pero pinigilan niya ako.   “I came here to see you.  Pwede ba tayong mag-usap?”    “Sige. Mag-toothbrush lang ako at maliligo, at magbibihis.”  I tried to remove my arm from his grip pero mas mahigpit pa ang kapit niya.    “Okay naman ang suot mo.  Ang cute nga eh.  Pero may alam akong mas bagay sa’yo.” I looked at him and he smiled.  Kinakabahan ako sa ngiti niya.  Ano bang plano nito?   “Ano naman?”    “Ganiyan din sa suot mo pero T-shirt ko.”    “Psh.  Ang dami mong alam.  Sige na, mabilis lang ako promise.”  Natawa siya sa sinabi ko.   “Yung mabilis mo, mga one hour no?  Ito na lang muna isuot mo, maginaw naman.  Tapos kain na tayo. May dala akong breakfast.”  Hinubad niya ang suot niyang jacket at nilagay sa balikat ko.  Noon ko lang rin nakita ang dala niyang pagkain.  Ibinaba niya muna kasi ang bitbit niya bago niya inalis at isunuot sa akin ang jacket.   “Ang kulit mo!  Wala ka bang pasok?”  Dumiretso na siya sa Dining Area at iniayos ang dala niyang pagkain.  Chinese Food.  Paano kaya niya nalaman na favorite ko ‘yon?   “Nag sick leave ako.  Masama ang tama ko eh, I mean, ang pakiramdam ko pala.  Parang nandito kasi ang gamot.”  Nap,into ako ng lakad.  For real ba ang taong ito? Ano pinanindigan ba niya ang dala niyang Chinese food at feeling niya intsik siya para manligaw sa umaga?   “Ang aga aga nang-aasar ka. Doctor ka tapos sick leave? Bakit di mo gamutin sarili mo?”  Naiirita kong sabi.  Nginitian lang niya ako.    “Walang gamot sa lovesickness.”   “Kairita ka na Ashton, ah.  Umayos ka papauwiin kita. . .”   “Ito naman, naglalambing lang ako.  Here, kain na tayo.”  Binigyan niya ako ng chopsticks.  Inalalayan pa niya ako paupo ng silya bago siya tumabi sa’kin.  Literal na tabi dahil halos magbungguan na ang siko namin sa sobrang lapit namin.  Kada lumalayo ako ay inuusog niya papalapit ang silya niya. Nang tumagal, hinayaan ko na lang para matapos na kaming kumain.  Baka dumating sila Kuya at magtanong pa.   “So Karla, are you ready for our date tonight?” Muntikan akong mahirinan sa sinabi niya.   “Anong date!? May date bang may kasamang dalawang chaperone?”   “Who said that they’ll be going with us?”  He smirked. Hala, loko pala to eh.    “Bakit naman aber?”  Dito na dumating ang dalawang galing sa gym.  Parang hindi naman sila pinagpawisan.  Baka nag-sight seeing lang sila ng babae doon.   “Bro, bakit raw hindi kayo makakasama sa Sydney Opera House mamaya?”   “Ha?” Napakamot ng ulo ang kapatid ko.  Ang katabi naman niya ay natawa.  Pinagkakaisahan ata ako ng mga ito, ah.   “Kuya, anong kalokohan ba ginawa mo? Bakit kami lang ba ang aalis mamayang gabi?”  Hindi niya ako pinansin at dumiretso sa mga nakalatag na pagkain.  Hindi niya pinansin ang inorder nila sa hotel, ang kinuha niya ay ang chaofan rice bowl na kinakain ko.    “That’s mine!” Binawi ko ang kanin at saka ko siya ulit tinanong.   “Ano nga?”   “Natalo kasi ako sa pustahan.  Ang naipatalo ko ay one week na date ninyong dalawa ni Ashton. . .” Sa tanda ng kapatid ko, tumakbo siya at nagtago sa likod ng kaibigan niya na tumatawa lang.  Paglingon ko kay Ashton, nakangiti ito.  Mga buwisit na lalaki ito.   “Pati ako sinasali mo sa kalokohan mo! Sino naman may sabing gagawin ko ‘yan e hindi naman ako ang natalo?”    “Ahm. Kasi pag hindi ka sumunod, papauwiin na kita sa Pilipinas.” Hindi ko alam kung nagbibiro lang si Kuya pero hinayaan ko na lang.  Malaki naman utang na loob ko sa kaniya.  I took a deep breath.   “Fine.  Let me eat in peace.  Ayoko palang bumili ng damit.  Kayo na lang. I’ll stay here and watch a movie or something.”  Nagkatinginan na naman silang tatlo.  Nakakairita! Parang bugaw tong dalawang kapatid ko.   “Tinawagan ko kasi si Karen.  Tapos si Karen tinawagan na si Sandy.  Si Sandy nag-utos na sa Hotel shopper niya na bumili ng gown.  Mga bro, kita tayo mamaya. . .maliligo muna ako bago ako maabutan ng dragon.”  Nag-eskapo na ang kapatid ko.    “Ako din Bro.  See you later, Karla.”  Inirapan ko lang si Kuya Blake.   “So, anong gusto mong panooring movie?” I have a plan.  Tingnan ko lang kung makatiis ito sa ipapanood ko sa kaniya.   Naligo ako at nagpalit ng damit.  Sinadya kong tagalan, mga isang oras at kalahati rin akong nawala.  Akala ko maiinip ang taong naghihintay sa sala pero mukhang nagkakatuwaan pa silang tatlo.  Pagdating ko ay umalis na ang dalawang bugaw.  May pupuntahan daw sila.  Ano kaya ang pinakain nito ni Ashton kay Kuya para payagan siyang maiwan dito kasama ako?   “Wala akong pinakain sa kapatid mo.  May tiwala lang talaga sila sa’kin at isa pa, sinabi ko naman na malinis ang hangarin ko.”    “Ano raw?!”   “Let’s not beat around the bush here, Karla.  I like you and whether you like me too or not, I will make sure that you will, in due time.” Breathe in breathe out, Karla.   “Sige, fine.  Whatever.  Nood na tayo?  May dala akong harddrive na pwedeng isaksak sa TV ng hotel.  I hope magustuhan mo ang papanoorin natin.” Mag-evil laugh sana ako kaso ay baka mahalata niya at hindi pa pumayag na manood kami.   Two super mega kilig Korean movies later ay gising na gising pa rin siya.  Mukhang na-enjoy niya pa ng husto dahil kabisado niya agad ang pangalan ng mga characters. Ikinuwento pa niya sa akin ang favorite part niya sa movie.  Nakatulong pa na marunong siyang mag-korean.  Seriously! Nanonood siya hindi niya binabasa ang subtitle. Naicomment pa nga niya na mali raw ang ibang subtitle.  At sinasabi niya sa akin ang tunay na ibig sabihin. May personal translator ako.     Around lunch time nang tumunog ang cellphone niya.  I left to give him privacy.  Pagbalik ko, he was preparing to leave.   “I have to go.  May Emergency surgery ako.  It might take 2 to 3 hours pero I’m sure I’ll be able to pick you p at six or seven for the 8 pm show that we’ll be watching.”    “Okay. Ingat ka. See you later.” I smiled at him para naman ma-cheer up siya.  Parang ang lungkot niya kasi bigla.  I was rewarded with a hug. Baka pala it’s the other way around, he rewarded himself by hugging me. Chansing 101.  Ayos lang basta hindi ako mag-fall, dahil pag nagkataon ang inaaral ko dapat ay Catching 101.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD