Para kaming timang dalawa ni Ashton nang mapagpasiyahan naming kumain sa labas. Sabi nga naman niya ay go out with him. Ganoon nga ang ginawa namin, lumabas kami ng kwarto, sa may veranda, at doon kami kumain ng mga pagkaing inorder namin sa room service. Sabi ko kasi ay umuwi muna siya para makapagpahinga pa at makapagbihis. Ayaw na raw niya dahil sayang ang oras. Kaya ang ending, candle light dinner na siya lang rin naman ang nag-ayos. “Baka nakakalimutan mo na hotel room ito ni Kuya Blake? May pa set-up ka pa ng dinner diyan.” Pa-irap kong tanong sa kaniya nang mabungaran ko siya na nag-aasikaso ng lamesa. Nanghiram pa siya ng mga gamit para sa set up niya. “Nagpaalam naman ako. Kaya mamaya pa sila uuwi pagkatapos natin kumain. If you’re not comfortable, kukun