Chapter Six

1682 Words
      Hindi ko alam kung malabo ba ang mata ni Kuya Blake o dahil puro may sakit ang nakikita niya sa Luxembourg kung saan siya nakatira at nagtatrabaho, kaya ganoon na lang ang titig niya sa babaeng parating.  Haharangin pa nga sana niya kaso ay hindi siya pinansin nito at dumiretso sa katabi ko.   “Ashton, what a wonderful surprise! What are you doing here?” Tama ba ang nakikita ko, parang naasiwa si Ashton? Lalo na nang makita niyang nakatitig ang babaeng kuhol sa magkahawak naming kamay.   I tested my theory.  I gently let go of his hands and moved slightly farther from him.  Voila! It worked, medyo nagrelax nga siya. I wonder why?   “Piper.  I’m with my friends. Nice to see you but we are running late so we have to go.” Tumingin pa si Ashton sa akin, tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay.   Napakunot pa ang noo niya na parang nagtataka.    “You’re leaving already?”  Nananadya yata talaga ang babaeng linta dahil yumuko pa siya nang sinabi iyon.  Napatingin ang dalawa kong kasama sa naguumapaw niyang dibdib bago sila agad nag-iwas ng tingin.  Kung iisipin, dapat ay wala na ngang epekto ang boobs sa mga doctor, dahil normal na lang nila nakikita iyon lalo na nang pag-aralan nila ang human anatomy at may mga cadavers pa silang laging kaulayaw noong nag-aaral.  Pero siguro nga, boys will be boys.  I just sighed and started to walk forward.  Bahala sila istimahin ang bago nilang friend.  I enjoyed the solidary of walking alone.  Sanay naman din akong mag-isa.    “Karla, wait up!”  Kahit kilala ko ang tinig na ‘yon, hindi ako huminto sa paglakad, mas lalo ko pang binilisan.  Bahala siyang maghabol.   “Hey. . . bakit mo naman kami iniwan?” Hinila ni Ashton ang braso ko.  Hindi na ako pumalag kasi ang OA ko naman kung gagawin ko ‘yon.  I stopped walking and turned to look at him.  Hinihingal siya, medyo malayo na rin kasi ang nalakad ko bago sila sumunod ni Kuya Blake na paparating pa lang, may mga sampung hakbang pa siguro siya.   “You were both busy oggling the leech, I mean the girl.”  Tiningnan ko ang kuko ko na parang bored na bored ako sa pinag-uusapan namin.  Natawa si Kuya Blake nang lumapit sa amin.   “Ang aga niyo naman mag LQ dalawa.  Karla, naisip mo ba kung bakit ko tinititigan iyong babae?  Mukha kasing silicone ‘yong . . .”   “Hindi. Care ko naman.  Bakit ba natin siya pinapagusapan? Sayang ang oras o.  Let’s go na.” Napa-iling na lang si Kuya Blake.  Sumunod na siya sa amin ni Ashton.  Oo, sa amin dahil nang naglakad ako nakakabit pa rin siya sa braso ko.  Ang kulit lang.   “Karla, are you mad?”   “Of course not, why would I be?” Nilingon ko muli ang dagat.  Vitamin sea talaga ang term dito.  Nakakawala ng init ng ulo.   “That was Piper, my mother was rooting for us to end up together.  Anak kasi ‘yon ng bestfriend niya.  E hindi ko naman gusto.  Sorry if I acted strange, baka kasi kung anong sabihin sa Mama ko.  I was just protecting you.”  Ano namang drama itong pinagsasabi niya? Inaano ko ba sila? Kakakilala lang namin tapos may ganitong eksena na kaagad?   “Don’t explain.  Kakakilala lang natin and I don’t think your mother will have a grudge on me for meeting you and spending time with you since this will only be for a day.”    Pang-asar si Kuya Blake, dumaan sa tabi namin tapos umehem ng umehem.  Tatawa tawa pa siya nang nauna na siyang naglakad, probably giving me and Ashton some privacy.   “Look, alam ko ang strange at ang bilis, pero I intend to spend more time with you.  Hindi lang ngayon, for the rest of your stay here or even longer.”  Ano raw?!?!? Nabingi yata ako.   “What?!”   “I don’t know why pero. . . I really want to get to know you more and spend more time with you.” He looked serious.  Pwes, ako mas serious.  I feel something different when I am near him but I don’t want to buy his lines.  I shook off his hand on my arm.   “Ashton, I don’t know what’s gotten into you.  Maybe it’s the sun or the sea breeze, baka nasobrahan ka ng paglanghap ng hanging may asin,  o baka sa ospital nasobrahan ka sa puyat, but I came here to relax and to enjoy my free time, not for anything else.  I don’t need any drama or complications that being close to someone might bring.  So please, if you want to stay friends with me, just be that, a friend.”  Ang taray ng dialogue ko pero totoo ‘yon.  Ayoko ng magulo, kahit pa parang napakainteresting niyang tao.  Marami pa akong plano at hindi kasama ang kahit sinong gwapong tao na nagpapabilis ng t***k ng puso ko sa mga plano kong iyon.  I don’t want to fall, siguradong masasaktan lang ako.  Lalo na kung may kinalaman siya sa nakaraan ko, hindi ko kayang mapalapit sa kaniya.   At isang araw pa lang kaming magkakilala ganito agad? Ano ito whirlwind romance?!  Hindi ito pocketbook o KDrama, this is real life! I tried to smile to lessen the blow dahil mukhang nabigla at nalungkot siya sa mga sinabi ko.   “Karla. . .” I took his hand and pulled him to walk back the coastal track.  Para lang matigil na siya.   “Forget it.  Just enjoy this day.”  Iyon din ang sinabi ko sa sarili ko, I will just enjoy the day dahil bukas wala na lahat ng ito.  Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa Coogee Beach.  My brother called and we met him at a famous restaurant there.  We had our late lunch and then returned to the hotel where Kuya Blake was staying.  Sa hotel suite niya kami nagdinner at feeling ko ay doon na rin kami matutulog ni Kuya.  Tatlo naman ang kwarto na ipinareserba talaga ni Ate Sandy na best friend ni Ate Karen, para raw kung gusto namin ni Kuya mag-stay doon habang nasa Australia si Kuya Blake ay may tutulugan kami. Sa pamilya niya kasi ang hotel.    Dahil gusto mag-inuman ng tatlong mokong, nagpasiya akong matulog na lang.   “Are you sure you’re okay?” Tanong ng kapatid ko.  Alam niya kasing hindi naman ako makakarelate sa bonding na inuman session nila.   “Oo naman.  Matutulog na lang ako.  See you in the morning.  Bilhan mo ako ng damit ha.  Di mo naman sinabing mag-sleep over tayo dito.”  Hinila ni Kuya ang buhok ko.   “Aray! ‘Yan pa talaga hinila mo.”   “Sorry. Nalimutan ko.  O , na, matulog ka na.  Guys, say goodnight to my beautiful sister!” Sabi niya sa dalawang kasama pa namin.  Hinampas ko ang braso niya.   “Tatlong shot pa lang naiinom mo, lasing ka na agad?!”    “Hindi, ah.” At tumawa siya ng tumawa at bumalik na sa mga kainuman niya.  Kainis!  Sumaludo lang sa akin si Kuya Blake, pero si Ashton lumapit pa.    “Goodnight Karla.  Sweet dreams.  See you tomorrow night.” Medyo tipsy na yata ang gwapong doctor, mapungay na ang mata at mas malambing ang boses.  Puyat kasi kaya madaling tamaan ng alcohol.    “Tomorrow night? Anong meron?”   “Our first date!”   “Ano?!” Nakakunot noo kong tanong.   “O. . .di’ba sa Sydney Opera House. . . may tickets tayo.”    “Okay, sige see you tomorrow night. Bye.  Matulog ka na din ha.  Lagpas 24 hours ka nang gising, para kang balita!”   “Ha?” Natawa ko sa expression ng mukha niya, parang gulong gulo sa sinabi ko.    “Wala. O sige na, bumalik ka na. ” Tumango lang siya pero hindi umalis sa pwesto.  Ako na lang ang tumalikod at naglakad papunta sa kwartong tutulugan ko. When I reached the room, I looked back and he was still standing there staring at me.  I just smiled and closed the door. Time to get back to reality.  Sana, dahil pagod ako ay makatulog na ako ng mahimbing.    Pagtalon ko sa springboard diving platform, I did a forward dive with a twist.  Malinis ang pagpasok ko sa tubig.  Perpekto, walang mintis.  It would have gained a perfect score kung hindi nangyari ang lahat.  Kasunod kong bumagsak ay ang springboard platform na pinanggalingan ko. Hindi agad ako nakalangoy palayo dahil kakaahon ko pa lang nang makita ko nang pabagsak ito.  Sunod kong naramdaman ay ang bigat, ang sakit.  Sumigaw ako, walang boses na lumabas, nakita ko ang bula ng tubig may kahalo ba itong dugo?  Hindi ako makaahon, hindi ako makagalaw.  Naramdaman ko ang ilong at bibig kong pinapasok na ng mahapding tubig.  Palalim ng palalim. . . palayo ako ng palayo sa asul na liwanag na nagmumula sa ibabaw ng tubig.   Binalot na ng takot at kaba ang dibdib kong puno na ng agua.  Ang huli kong nakita ay isang kamay na pilit inaabot ang kamay kong wala nang lakas para kumampay.   “Karla! Wake up!” Nagising akong pawis na pawis at habol ang hininga, alalang-alala si Kuya Kristoff at Kuya Blake na nakatingin sa akin.     “Bakit hindi mo sinabi na napapanaginipan mo pa ‘yon rin hanggang ngayon?”  Umiling lang ako sa kapatid ko nang binigyan nila ako ng brown bag.  Pinilit nilang doon ako huminga, para marelax ako.  Kahit nasaan ako, kahit anong gawin ko, tuwing mapapanaginipan ko iyon ay lagi na lamang akong ganito.  Panic attack sabi ng doctor.  Kahit ilang therapy pa ang ipagawa sa akin, kahit sinong doctor pa ang ipakausap sa akin, hindi ko matakasan ang panaginip kong iyon.   Sana ako na lang ang binawian ng buhay para hindi ko na naiisip na ninakaw ko ang hininga ng taong nagligtas sa’kin.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD