Pagdating nila Kuya Kristoff at Kuya Blake, nagkwentuhan muna silang sandali bago nagpaalam na rin si Ashton. Ipapasyal niya raw ako sa mga museum kinabukasan kaya’t dapat na raw kaming magpahinga. Ayaw sanang sumama ni Kuya Blake sa amin dahil makakaistorbo lang raw siya pero may aasikasuhin ang kapatid ko sa opisina nila kaya’t wala siyang choice kundi ang maging third wheel. Maaga kami sinundo ni Ashton sa hotel. Hindi na kami umaalis ni Kuya Kristoff doon dahil na rin sa minsan na nga lang raw kami magkasama samang tatlo kaya’t gusto ng bisita namin na masulit ito. “Bro, naisip ko lang. Hindi ba may itinerary ka na sabi mo? Bakit hindi mo sinunod?” Tanong ni Ashton sa kaibigan niyang doctor. “Napasyalan na namin kahapon ni Kristoff. Konti lang naman talaga ang gu