Nakaempake na ako ng lahat ng gamit ko na dadalhin pabalik ng Australia. Si Mama ay nilalakad naman ang papeles nila ni Papa dahil sasama sila sa akin. Naaksidente si Kuya Kristoff at ngayon ay comatose sa ospital. Kailangan na naming makapunta doon para masamahan siya. Nandoon naman ang girlfriend niya pero iba pa rin na kami ang kasama niya. Kagaya ng dating gawi ay kausap ko si Lei sa messenger. K: Aalis na kami baka sa isang araw. Nilalakad lang ang papers ni Papa at renewal ng passports ni Mama. Ako ready to go naman anytime dahil nakaplano naman ako magpunta doon. L: Do you have news on your brother? K: Paano mo naman nalaman na pupuntahan namin ang kapatid ko? Hindi ko pa nga nasabi. Sasabihin ko pa lang. L: Napanood ko sa TV. May cable naman kami dito. Hindi