[“Karla, obesessive love is a form of mental illness. Kung ayaw niyang magpagamot, kailangan na natin gawan ng legal action. Hindi matatapos ito hangga’t hindi siya nagagamot o nakukulong.”] Wala naman akong balak tumutol sa gusto nila Kuya Kristoff. Masyado nang mabigat ang ginagawa ni Derek. Tinangka na naman niya akong lapitan. Naharang lang siya ng mga kapatid ko sa airport. Kung paano niya nalaman na paalis na ako noon sa Australia, hindi ko na inalam. Ngayon ay naka-file na ang kaso laban sa kaniya at nagdeklara na rin ng restraining order. Hindi na siya dapat lumapit sa akin. “I know, do what you have to do.” Iniwan ko si Ate Karen sa sala kung saan naka-video conference kami nila Kuya. I left them pero naririnig ko pa rin ang mga boses nila. Hindi man lang nila