Nag-aalala kaming lahat sa sinapit ni Kuya Kristoff kaya’t nagmamadali kaming pumunta sa kaniya. When we arrived at the hospital after an 8 hour flight, dumiretso na kami sa ospital. Sinundo kami ng kaibigan ni Kuya Kristoff na si Kuya Jerome. Alas onse ng umaga na kami dumating sa kwarto kung saan nakaratay pa din si Kuya. Doon namin nakilala si Steffani, ang girlfriend ng kapatid ko. Maganda at matangkad, mukhang super model na sexy. Maamo ang mukha niya at mukhang galing sa buena familia. Mukhang ito na nga ang forever ng kapatid ko dahil kitang kita ko ang pagmamahal at pag-aalala niya nang tinitingnan niya si Kuya. At sa ganda at kaseksihan ng babaeng ito, siguradong hindi na siya papakawalan ng kapatid ko. “Tita Klarissa, this is Steff. Steffani, meet Kristoff’s mom, Ti