Chapter Nineteen

1380 Words

    Sa Nurse’s station pa talaga nila napiling maglampungan! Iritang irita ako na iniwan ko si Mama at lumakad ako pabalik sa kwarto ni Kuya.  Kaso ay nagmomoment silang dalawa kaya napagpasiyahan kong lumabas ng ospital.  May alam akong malapit na park doon.   K: Lei!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!   Hindi agad siya nakasagot.  Siguro ay busy sa trabaho.  Sabi niya ay Accountant siya at lagi lang nakaupo sa opisina. Naglalakad-lakad ako sa park at nang may nakita akong bench na walang nakaupo, sumalampak kaagad ako doon. Sakto naman ang pagdating ng sagot niya.   L: Yo? Anong problema? Bakit nanggagalaiti ang exlamation point mo sa pangalan ko? K: Wala naman. Naiirita lang ako. Kailangan ko ng makakausap. L: Bakit nga! Pabebe, hindi pa sabihin kaagad. Ang daming pasakalye.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD