CHAPTER 59 Sa gabing iyon ay dumating si Sofia sa burol. Nagpunta ito nang wala si Ricci kaya hindi sila nagkita. Kay Sackey na lang niya inihabilin ang nahanap niyang abogado na hahawak sa kaso sa Mama ni Ricci. Nakita ni Ricci si Sofia na nagdasal muna ng taimtim sa tabi ng nakasarang kabaong ng Mama niya bago siya nilingon saka nilapitan. Hinihiling nitong mag-usap silang dalawa. Iniwan niya sandali ang kanyang mga kapatid para pagbigyan ang kanyang instructor. "Nakikiramay ako sa nangyari sa Mama mo Ricci." "Salamat Ma’am. Salamat din pos a pagbibigay ninyo sa akin ng abogadong makakatulong sa pag-usad ng kaso." "Alam kong hindi pa napapanahon na sabihin ko ito sa'yo ngunit nang malaman kong si Adam ang nakakulong ay alam kong may mali. Hindi siya dapat ang nandoon." Bumuntong hi