CHAPTER 60 Nakatitig lang si Ricci sa sobreng naglalaman ng pera na iniaabot sa kanya ni Ringgo bilang tulong. Makapal-kapal din iyon. Sa ngayon, iyon ang kailangan nila para mairaos niya sa hirap ang mga kapatid. Walang-wala sila at hindi niya alam kung saan sila titira pagkatapos ng libing. Kahit nga damit na maisuot ay salat sila. Huminga siya ng malalim. Kumilos ang isang kamay niya. Pinigilan siya ni Sofia. "Huwag mong tanggapin 'yan, Ricci. Huwag kang tumanggap ng kahit anong tulong galing sa totoong kriminal," bulong ni Sofia sa kanya ngunit hindi siya nagpapigil. "Good Babe! Dapat naman talaga maging praktikal ka sa hirap ng buhay ngayon lalo pa't ang mahal na mahal mo na hindi ka naman minahal ang gumawa pa ng ganito sa Mama at sa kapatid mo." Huminga ng malalim si Ricci. Binu