bc

The CEO'S Confidential Lover (BXG)

book_age16+
36.4K
FOLLOW
230.3K
READ
opposites attract
confident
drama
sweet
bxg
bxb
mystery
betrayal
first love
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

BLURB

Paano mamahalin ng isang mayaman, matalino at saksakan ng gwapo ngunit suplado at istriktong CEO na nagmamay-ari ng pinakamalaking Construction Company sa buong Pilipinas ang isang simpleng Office Assistant na lumaki sa sa isang slum area ng kamaynilaan? Paano kung ang inaalipin at kinukutyang Janitor at Office Assistant na ito ay magtagumpay at maging isa sa mga pinakamagaling na Civil Engineer sa buong bansa. Ikinintal na niya sa isip niya na gagawin niya ang lahat mapantayan at matalo lang ang dating CEO na nang-alipusta sa kanya. Nagawa rin naman niya iyon. Nagtagumpay siya. Ang itinatag nilang kumpanya ng kaibigan niya ang siyang nagpabagsak sa kumpanya ng kanyang dating amo. Ngunit paano niya haharapin kung ang kumpanya pala na akala niya ay pag-aari nila ng kanyang best friend ay hindi pala totoo. Paano niya haharapin ang lahat kung ang tagumpay niya ay hindi pala tunay na tagumpay? Paano nila haharapin ang mga pagsubok mailaban lang ang kanilang pagmamahalan sa mga taong gusto silang sirain at pabagsakin? Tunghayan ang kakaibang kuwento ng pag-ibig. Kuwentong babago sa pananaw ninyo sa langit at lupang pagmamahalan.

chap-preview
Free preview
ONE NIGHT STAND
THE CEO’S CONFIDENTIAL LOVER (Sensational Romance Novel: Joemar Ancheta) Chapter 1  Pumasok si Adam sa CR at nagshower. Nasarapan siya sa kanyang naikama. Pang-ilang babae na ba ito na ikinama lang niya na walang balak maging girl friend o pakasalan? Hindi na niya mabilang at wala siyang balak magbilang. Muli niyang pinagmasdan ang kanyang kabuuan sa salamin. Sino ba ang hindi maloloka sa kanyang angking kakisigan? Sa edad niyang 29, tangkad na 5’9”, matipunong katawan, moreno, mukhang hawig kay Piolo Pascual at katawang Jericho Rosales, paniguradong lahat ng babae ay mahuhumaling sa kanya. Kinuha niya ang tuwalya. Nang mapunasan ang buong katawan ay inayos niya ang kaniyang mamahalin relo sa kaniyang bisig. Tapos na sila ng kanyang naka-s*x. Pwede niya siyang sumibat. Wala nang dahilan pa para manatili sa hotel room na kinuha niya. Lumaki si Adam sa mayaman at negosyanteng pamilya. Dalawa lang silang magkapatid ng kuya niya. Ngunit hindi interesado ang kuya niya sa negosyo ng kanilang pamilya. Mas gusto nitong magkawang-gawa. Dahil doon, siya ang napipisil na susunod na CEO ng kanilang construction company.  Ang Daddy niyang kasalukuyang CEO ay biglang parang nawawalan na ng direksiyon dahil sa pagkamatay ng Mommy niya sa isang car accident kasama ng pinaghihinalaang lover nito na isang batam-bata at guwapong pasikat palang na actor. Napakalaking eskandalo ang dinala niyon sa kanilang pamilya. Isang malaking kahihiyan. Napakalaki ng naging impact nito sa buhay ng kaniyang Daddy. Nawalan ito ng control sa pagnenegosyo at nalulong pagsusugal at pag-inom. Sinabayan pa nito ng pambabae at pagwaldas ng pera dahil sa pinagdadaanang depression. Siya na lang ang inaasahan nilang sasagip sa naghihingalo na nilang kumpanya. Gusto niyang magtake-over sa Daddy niya dahil isa-isa nang nagpu-pull out ang kanilang mga investors sa kanilang mga shares, nag-aatrasan ang iba pa nilang clients at bago tuluyang bumagsak ang pinaghirapan ng kanilang pamilya na negosyo, kailangan niyang sagipin iyon. Kung hindi man kakayanin, may naisip na siyang iba pang paraan. Hindi na yata babango pa ang pangalan ng kumpanya. Nawawalan na ng tiwala ang mga investors at clients. Pinaghandaan na niya ang lahat ng mangyayari. Hindi nga lang niya alam kung paano niya sa ngayon iyon sisimulan dahil ang Daddy pa din naman kasi niya ang namumuno. Bumuntong-hininga siya. Ang mga ganitong sandali lang kasama ng kung sinu-sinong mga kaulayaw sa gabi ang nakakapagpalimot sa kaniya sa mga di na niya kinakayang problema ng kumpanya at pamilya. Humarap siyang muli sa salamin. Nagbihis na siya. Sinong mag-aakalang sa katulad niyang taglay na ang lahat, kaguwapuhan, kayamanan at katalinuhan ay dumaan din ng masasakit na kuwento ng pagkabigo? Una siyang nagmahal nang 1st Year college siya. Sa isang maganda, sopistikada, maputi, mabait at matangkad na 3rd year athlete. Akala niya totoong pag-ibig ang nararamdaman nila. Pera niya at talino lang pala ang nagustuhan ni Miss Athlete. Ginamit siya para may mahuthutan siya upang makasabay sa pormahan sa kanilang University. Totoong naibibigay ni Miss Athlete ang hilig niya sa katawan ngunit nang mahuli niyang may lalaki itong tunay nitong mahal ay naglaho ang lahat ng kaniyang kaligayahan. Ipinamukha sa kaniyang kasinungalingan lang ang lahat nang kanilang pinagsaluhan. Noon, tinanggap niyang kung hindi ka mahal ng isang babae at hindi talaga nauukol,  kahit paliguan man ng salapi at balutan man ng kabaitan, doon pa rin siya sa tunay na tinitibok ng kanilang puso, doon sa lalaking nakapagbibigay sa kanila sa hinahanap nilang ligaya. Nasaktan siya. Matagal niyang pinahilom ang sugat ng puso hanggang sa dumating ang babae na akala niya’y totoo nang magmamahal sa kanya. Third year college na siya nang makilala si Sofia.  Kagaya ni Miss Athlete, maganda at sopistikada rin si Sofia. Hindi man katangkaran ngunit swabe naman ito sa kaseksihan. Wala rin siyang masabi sa kabaitan nito at pagiging masayahin. Noon lang niya naranasan yung sayang hindi niya naranasan kay Miss Athlete. Naibibigay ni Sofia ang lahat lahat na hinahanap niya sa relasyon. Puno ng saya at pagmamahalan ang kanilang unang taon. Umasa at nangarap siyang Sofia na ang matagal niyang hinihintay. Siya na ang alam niyang makakatuwang habambuhay. Kinukumpleto siya nito. Mistulang walang mali sa kanilang relasyon. Ang pag-ibig nito ang dahilan ng kaniyang mga ngiti sa labi. Nagtiwala siyang dumating na ang tamang babae para sa kaniya. Ipinakilala niya Sofia sa kaniyang bestfriend at kababata na galing sa ibang bansa. Tatlo silang magkakasama tuwing nag-ba-bar. Kasama nila si bestfriend kapag nagbabakasyon sila sa Boracay at ilan pang tourist spots ng Pilipinas. Walang malisya. Buum-buo ang tiwala niya. Pero isang gabing nagising siya, wala na sa tabi niya si Sofia. Akala niya nag-CR lang ito kaya pumunta din siya ng CR para sundan. Doon ay nasaksihan niya ang isang masakit na katotohanan, mahal na pala ni Sofia ang best friend niya. Hindi na siya nakapagtanong pa dito kung sino sa kanila ni Best friend ang pipiliin. Harap-harapang inamin sa kaniya ng dalawa na isang buwan na silang may lihim na relasyon. Isang buwan na pala siyang niloloko. Isang buwang pinagtatawanan. Sobrang sakit nang pinagdaanan niyang iyon. Nag-suffer ang grades niya. Halos hindi siya makatapos dahil sa depression. Nawalan siya ng focus, nagdilim ang kaniyang pangarap at tuluyang nasira na ang kaniyang pag-asa.   Hindi pa rin siya napagod magmahal. Naniwala pa din kasi siyang may darating na tunay na pag-ibig sa kagaya niya. Hanggang sa may mga dumating ngunit ilang linggo o buwan lang ang lahat lumisan din lang. Ayaw niyang magmalinis, madalas siya na rin ang umaayaw at nakikipaghiwalay dahil hindi pala niya talaga mahal ang karelasyon o ramdam na niyang mauuwi lang din sa wala ang lahat. Nagbabago ang damdamin, nawawala ang tamis, madalas ang naiiwan ay sakit. Katunayan, mas nagiging maiksi pa ang relasyon at kaligayahan naramdaman niya sa pakikipagrelasyon kaysa sa paglimot at sakit ng pagkabigo. Hanggang sa natutunan niyang makipaglaro. Kasabay ng paglalarong iyon ang lalo niyang pag-aayos sa kanyang sarili. Lalo siyang naging magandang lalaki. Lumabas ang tunay niyang kaguwapuhan. Kung noon, wala siyang pakialam sa kanyang hitsura at porma, ngayon ay alagang-alaga na niya ito. Iyon ang kanyang puhunan para makaganti sa mga gumamit lang sa kanya noon. Iyon ang paraan niya para mas marami pang mahumaling sa kanya. Iyon ang sa tingin niya ang dapat lang na gawin ng mga pinaglaruan. Walang tunay na pagmamahal. Marahil nangyayari lang iyon sa mga unang buwan o taon ngunit kalokohan ang mangarap at maniwalang tumatagal iyon ng panghabang-buhay. Marahil may iilan ngunit napakaliit ng probability no'n at ayaw na niyang pumusta. Ayaw niyang isugal ang kaniyang puso. Gusto na niya yung excitement ng ginagawa niya ngayon. Iba-ibang kaulayaw. Walang iniisip, walang takot na masaktan at hanggang isang gabing tikiman lang. Simple ang buhay dahil nakukuha rin naman niya ang hilig ng katawan. Madalas tinatanong siya ng mga barkada niyang naniniwala pa rin sa pag-ibig, paano daw naman ang kilig at saya na ibinibigay ng pagmamahal? Kalokohan! Sila nga walang tumatagal na relasyon at kung meron man, naglolokohan na lang sila at madalas siya ang nilalapitan para ilabas ang hinanakit nila sa panloloko at pagkakaroon ng iba ng kanilang mga karelasyon. PUTANG INANG pagmamahal 'yan. Marahil totoo nga iyon ngunit hindi sa kaniya, hindi para sa kagaya nila. Lumabas siya ng kuwarto. Kailangan na niyang umuwi. Tulad ng kanyang kinasanayan, tatakasan lang niya ang babae. Walang kahit anong contact number o pangalan. Ayaw niyang may tumatawag sa kanyang opisina. Hindi siya papayag na may bubuntot-buntot sa kanya o tatawag tawag dahil desperadang makita siya uli. Hindi siya patatali kahit kanino. Hindi pa niya nakikita ang babaeng magmamahal at magtatali sa kanya. Hindi ngayon. Hindi sa babaeng nasa kamang nakahiga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
575.0K
bc

A Night With My Professor

read
514.8K
bc

That Night

read
1.1M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
60.3K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook