TUKSO

2249 Words
CHAPTER 5 "Sige na nga." Ngumiti siya. Nakita niyang biglang napatitig si Adam sa mukha niya. Alam niyang napansin nito ang kaniyang malalim na dimples. “Okey. Don’t worry hindi ako masamang tao.” Tumango lang si Ricci kahit medyo kinakahan siya. Patakbo nilang pinuntahan ang nakaparadang kotse ni Adam. Unang sumakay si Adam saka niya itinulak ang front door para makasakay si Ricci. Hindi gentleman pero okey lang. Wala naman sa hitsura niya ng pinagbubuksan. Nilingon siya ni Adam habang pinapaandar niya ang kotse nito. "Saan pala kita ihahatid?" tanong nito sa kaniya. Sinabi niya lang kung saan ang malapit sa kanila ngunit hindi ang mismong kinaroroonan ng kanilang bahay. Alam niyang kung magtuluy-tuloy ang ulan ay paniguradong di na kakayanin ng kotse nito ang pumasok pa sa binabahang lugar nila. Ayaw niyang ipahamak ang bagong kakilala. "Di ba bahain do'n?" tanong ni Adam. "Oo nga eh. Kaya nga ayaw ko sanang pahatid sa'yo." Nakayuko niyang sagot. "Bakit di ka makatingin ng diretso sa mata ng kausap mo kapag kinakausap ka?" "Bakit kailangan bang tignan kita sa tuwing sasagot ako sa mga tanong mo?" "Unusual lang na ganyan ang mga reactions mo." "Unusual?" napangiti siya. "Adam, tama ba?” “Yes.” “I just met you. I do not even know your intentions kung bakit mo ako gustong ihatid. At heto akong si gaga na basta na rin lang sumama sa hindi ko kakilala. Those, I think are unusual." "Brainy.” Kumindat si Adam sa kaniya sabay ang nakaka-adik na pagmasdan nitong ngiti. Hindi siya sumagot. Ayaw niyang lumabas na mayabang siya. Kahit gustuhin niyang bawiin ang sinabi niya ay huli na. Nasagot na niya si Adam. Ngumiti na lang din siya. Binuksan ni Adam ang stereo ng kaniyang kotse para kahit papaano ay hindi sila mainip sa mabagal na usad ng takbo ng mga sasakyan dahil sa matinding pag-ulan. Closer You and I ni Gino Padilla ang tumambad na pinapatugtog sa FM Radio.   Hey, there's a look in your eyes Must be love at first sight   Bigla silang muling nagkatinginan. Matipid na ngiti ang pinakawalan ni Ricci. Naisip niyang totoo nga talagang nangyayari ang Love at first sight. Hindi lang sa pelikula o sa lyrics ng kanta iyon nangyayari o napapakinggan. Napatitig siya sa noon ay biglang napakunot na si Adam ngunit nakatingin na sa dinadaanan nila. Naiwan siyang nakatitig dito. Naikintal sa isip niya ang makapal na kilay na binagayan ng nangungusap na mga mata, matangos na ilong at makipot ngunit malulusog na labi ni Adam. Isang pangarap na akala niya hindi niya makikita sa lalaking katabi niya ngayon.   You were just part of a dream Nothing more so it seemed But my love couldn't wait much longer Just can't forget the picture of your smile   "f*****g love songs!" Mahinang tinuran ni Adam kasunod ng malalim na paghinga nito. Inilipat niya ang istasyon ng FM. Tahimik lang si Ricci. Wala siya sa lugar na magreklamo. Nakikisakay lang siya. Kung ano ang trip ng may-ari ng kotse, doon siya kahit sa totoo lang, nadala siya sa lyrics ng kanta. Isang lumang kanta na parang nagbigay ng kakaibang kahulugan sa kaniya. "Hindi ka mahilig sa love songs?" tanong ni Ricci. "Hell, no! I am not a melodramatic person. And what about you?" "Am okey with it." Maikli niyang sagot. Hindi pa sila nakakalayo ay naipit na sila ng traffic. Sobrang lakas kasi ng bagsak ng ulan kaya paniguradong stranded na sila. Lumingon si Adam sa gawing kanan niya. Puwedeng-puwede siyang pumasok doon habang wala pang nakaharang sa kanilang dadaanan. Iyon lang ang naiisip niyang option para di sila mabagot sa kahihintay hanggang sa muling bumaba ang baha at pwede na silang makadaan. "What about dinner?" Tumingin si Ricci sa noon ay tinitignan ni Adam. Isang mamahaling hotel na may restaurant ang nasa tapat nila. Kanina pa siya gutom ngunit kalabisan naman yatang papalibre siya sa isang ito na makulit lang na ihatid siya. Sasagot palang sana siya nang mabilis na iniliko ni Adam ang kotse. Ipinasok niya ang sasakyan sa harap ng mamahaling hotel. “Anong ginagawa mo?” “Mababagot lang tayo. Kain na lang muna tayo.” “Pumayag na ba ako?” “My treat. Aabutin tayo ng ilang oras diyan na maghintay na bumaba ang baha. Mahirap ma-stranded.” Huminga na lang nang malalim si Ricci. Sinalubong sila ng isang hotel valet park attendant. Halatang sanay si Adam at kilala siya dahil tinawag siya sa ibang pangalang katunog ng sinabi sa kaniyang pangalang Adam. Mahina lang ang pagkakasabi niyon kaya hindi na niya nadinig ng husto. "Come on, Ricci. Baba na?" silip ni Adam sa kaniya at napalingon pa sa kaniya ang nakangiting attendant. "Baba na raw kayo, Ma’am." Nakangiting hirit pa ng attendant. Inayos niya ang binder niya saka niya isinukbit muli sa balikat niya ang kaniyang backpack. Naisip niya habang pababa siya sa kotse na hindi na niya kailangang sumama kay Adam hanggang sa loob. Pagkababa niya ay mabilis na pinaandar ng attendant ang kotse at naiwan siya sa kabilang bahagi ng daan habang nakangiti lumapit sa kanya si Adam. "Let's just have a dinner. Restaurant ang pupuntahan natin diyan at hindi ang kuwarto ng hotel. "Wala naman akong sinasabi ah." "Pero alam kong iyon ang iniisip mo." “Okey, let’s go?” “Hindi ba ako alangan sa loob?” Tinignan niya ang sarili nya at ng mga babaeng pumapasok sa restaurant. Naka-uniform pa siya. Nakakahiya yata kasi mukhang formal at semi-formal ang mga suot ng mga noon ay papasok sa nasabing restaurant. "Huwag na lang kaya?" Nanginginig niyang pagtanggi. "You don't have a choice. Umuulan pa at baha sa daan. Hindi ka rin naman makakauwi dahil tignan mo, di pa umuusad ang mga sasakyan. Halika na. Just follow me, okey?" Tumingin siya sa daan at ang malakas na buhos ng ulan. Naisip niya ang pamilya niyang paniguradong mababasa na naman sa tubig ulan ngayon dahil paniguradong tagos na naman ang ulan sa loob ng kanilang bahay. Gusto niyang umuwi ngunit paano siya makakauwi kung wala siyang masasakyan. Nilingon niya si Adam. Hindi niya maintindihan kung anong meron ang taong ito na napapasunod siya sa lahat ng kaniyang mga sinasabi. Para itong magnet na napapasunod siya sa lahat ng gusto nito. Nang magkaharap na sila sa isang magarbong restaurant na ni kahit sa panaginip ay hindi niya akalaing mapapasok niya ay nakaramdam siya ng pag-aalangan. Tapos na silang kumain ngunit parang di nabawasan ang napakaraming pagkaing inorder ni Adam. Mga pagkaing natatakam siyang kainin kanina ngunit habang sumusubo siya ay pamilya niya ang patuloy na pumapasok sa kaniyang isipan. “Ano kayang kinakain nila ngayon? Paano ang gamot ni Mama? May pera kaya silang pambili ng uulamin? May bigas pa kaya silang isasaing? Hindi kaya nabaha na ngayon ang loob ng bahay?” "Come on, let's enjoy the food. Kasama kita pero mukhang anlayo ng iniisip mo." "Naisip ko lang kasi ang pamilya ko. Ako lang kasi ang inaasahan nila at alam kong hinihintay na nila akong umuwi. Nandito ako, kasama mong kakain sa mga mukhang di natin mauubos na inorder mo pero sila, hindi ko alam kung may pagsasaluhan sila ngayon o kahit sana bigas lang na maisasaing." Nangilid ang kaniyang luha. "Well, let's just enjoy the night.” Ayaw ni Adam ang drama. “Hindi masamang paminsan-minsan, you also pamper yourself. Kahit ngayon mo lang isipin ang sarili mo. Sorry pero hindi ako mahilig sa drama. My rule, I don't want to talk on any of your or my personal issues." Tinungga nito ang laman ng kaniyang kopita. "Umiinom ka ba?" Sa narinig niyang iyon ay bigla siyang napahiya. Pinahid niya ang namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Binulungan niya ang sarili. "Ano ba kasing pumasok sa isip mo Ricci at kailangan mong magkuwento ng buhay mo sa estranghero. Baka isipin pa niya nagpapaawa ka para malimusan." Sasagutin niya sana ang tanong tungkol sa kung umiinom ba siya o hindi ngunit mabilis na sinenyasan ni Adam ang nakatayo sa di kalayuang waiter. Mabilis itong lumapit dala ang isang kopita. Sinalinan niya iyon ng alak saka magalang na lumayo. "A li'l vodka is not bad, Ricci. Konti lang." itinulak na nito ang kopita sa harap niya. "Hindi ako umiinom ng hard. Kahit nga beer hindi. Actually, I don’t drink any alcoholic beverages. Not now na kasama ko ang taong hindi ko lubos na kilala." Itinulak niya ang pabalik ang kopita kay Adam. "How old are you again?" “Eighteen.” “Legal na. Pwede na. Try it! Hindi nakakalason ang alak.” Muli nitong itinulak sa harap niya ang alak. Sasanggain niya sana ngunit nagtagpo ang kanilang mga palad sa hawakan ng kopita. Ramdam ni Ricci ang init ng palad ni Adam. Napalunok siya lalo pa't naramdaman niya ang paghimas ni Adam sa kaniyang nanlalamig na daliri. Dumaan ang kuryente mula dito hanggang sa pinakasulok na bahagi ng kaniyang katawan. Dahil doon ay kinuha niya ang kopita at itinungga niya ang laman no'n. Mapait. Matapang. Ngunit may kakaibang init na hagod niyon sa kaniyang lalamunan. Uminom naman na siya ng beer kasama ng mga kaibigang Engineering Students at sa kanilang lugar ngunit beer lang. Hindi katulad ng pinaiinom sa kaniya ni Adam. Napakatapang naman yata. "Eigteen ka na nga." "Oh, ano naman kung 18 na ako?" "Young and fresh." Napalunok siya dahil nakita niya ang pagbasa ni Adam sa labi nito sabay ang pagkindat niya parang may gustong iparating. "Are you trying to seduce me?" "No I am not just trying, am doing it purposely. Why? Is it working?" diretsuhang tanong ni Adam. Nakita niya ang pagpapa-cute nito na sa totoo lang umeepekto naman talaga. Mukhang sanay siyang gawin iyon. Sanay makuha ang gugustuhin. Muling sinalinan ng sinenyasan ni Adam na waiter ang kanilang mga baso. Pagkaalis nito ay itinaas ni Adam ang kanilang mga baso. "Cheers, My Lady!" Kinuha niya ang kopita niya at pinag-umbog nila ang kanilang mga baso. Sinaid muli ni Ricci ang laman no'n. "Just sip it. You don't need to gulp it all." Natatawang sinabi ni Adam nang makita niyang muling sinaid ni Ricci ang baso. Nagsimula na itong namula dahil sa tindi ng tama ng alak. "Hindi mo sinabi eh! Akala ko lang parang inuman lang sa kanto. Kailangang ubusin dahil may naghihintay sa pag-ikot ng baso." Pabiro niyang banat. Laking iskwater kaya lumalabas ng kusa ang kanyang pagiging masa. Tumawa ng malakas si Adam. "Damn it! Napatawa mo ako, do’n ah!" "Para 'yun lang? Ambabaw naman ng kaligayahan mo." "I think we're done here. Halika, doon tayo sa bar. Mas mag-eenoy tayo doon kaysa dito," bulong  ni Adam. Dahil sa konting tama ay sumunod lang siya. Para lang silang barkadang naglakad. Sanay siya sa mga kaklaseng mga lalaki. Kaya hindi bago sa kanya na may kasamang lalaki. Bahala na. Amoy na amoy niya ang pabango ni Adam. Pabangong parang nanunuot sa kaniyang kaibuturan. Maingay ang bar na pinasukan nila. May mangilan-ngilan doong umiinom at sinadya ni Adam na umupo sila sa sulok. Tumayo siya at pumunta sa bar. Pagbalik niya ay may dala na itong dalawang kopita na naglalaman ng kulay berdeng alak. Kung ano iyon, hindi niya alam. Basta tinanggap niya, tinikman at nagustuhan niya ang lasa nito. Panay lang ang kanilang panakaw na titigan sa isa't isa. Titigang may ibig sabihin kay Ricci at hindi niya alam kay Adam kung ganoon din ang nararamdaman nito sa kaniya. Masaya siya. Nag-eenjoy siya, actually. Hindi pa siya lasing ngunit may tama na. Malakas na ang loob niyang makipagtitigan kay Adam ngunit hindi niya alam kung paano magpa-cute tulad ng ginagawa nito sa kaniya. Tinanggal ni Adam ang necktie niya. Tinanggal din nito ang butones ng kaniyang long slevee hanggang sa nasilip ni Ricci ang maumbok at matigas nitong dibdib. Ang malakas na appeal nitong katawan. Napalunok siya nang kinagat ni Adam ang kaniyang labi sabay ipinasok nito ang kaniyang kanang kamay sa maskulado nitong dibdib sabay kindat na para bang sinasabi nitong, "game ka ba?" Yumuko siya. Tumingin siya sa mga iba doong nag-iinuman. "Huwag kang mag-flirt sa akin, please? Hindi ako papatol sa’yo," bulong ni Ricci sa sarili. Naramdaman niyang tumayo si Adam at naglakad papunta sa kaniyang likod. "Gusto mong tanggalin ang backpack mo?" tanong ni Adam. Napapitlag siya nang maramdaman niya ang mainit na bibig ni Adam sa dulo ng kaniyang tainga. Nagsitindig din ang lahat ng balahibo niya. Hindi siya nakasagot. Hindi na niya kontrolado ang init na nararamdaman niya. "Are you ready for the last level?" "Last level? What do you mean?" kumunot ang noo niya. "Alam kong alam mo ang sinasabi ko." huminga ito ng malalim. Itinungga niya ang laman ng kaniyang baso. Ibinalik niya iyon sa mesa na di umaalis sa likod ni Ricci. Naramdaman niya ang bumubukol na iyon na lumapat sa kaniyang likod. Matigas iyon. Halatang nagsisimula lang magwala si Mr. Adonis ni Adam. "I'm tired. Gusto ko nang magpahinga. Kung gusto mo ako. Sunod ka sa room 701, 7th floor. Hihintayin kita." Muling pabulong ngunit naramdaman ni Ricci ang paghagod ng dila ni Adam sa dulo ng kaniyang tainga. Lalong nangatog ang tuhod niya. Gusto niyang sampalin ito. Gusto niyang sabihin na binabastos na siya. Na hindi siya ganoong babae. Hindi siya p****k. Hindi siya ganoon kababa. Baka kasi iniisip ni Adam na pick up girl siya. She’s not! Binabastos na siya ngunit ano itong para siyang si gaga na nadadala? Paano niya lalabanan ang tukso?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD