CHAPTER 41 Magkakababata sila ni Ringgo. Sabay silang lumaki kaya hindi lingid sa kanya ang topak nito noon. Kung may gusto siya, kailangan niyang makuha sa kahit anong paraan. Ilalaban niya ng suntukan o kahit pa basagan ng mukha o p*****n ang lahat ng kanyang maibigan. Mabait sa kung mabait si Ringgo ngunit may ugali ito na kung magalit ay wala siyang sinasanto. Wala siyang pakialam kahit pa makapanakit ng tao. Wala siyang kakayanan para kontrolin ang galit. Bakit nga ba sila nagkahiwalay noon ni Ringgo at nagdesisyon ang pamilya niyang dalhin siya sa ibang bansa para magpagamot at para doon na rin mag-aral? Malinaw pa sa alaala niya ang lahat. Graduation nila noon ng High School. Nagkakasiyahan sila sa isang pool party kasama ng mga kaibigan nila at ang babaeng una niyang naging crush