CHAPTER 40 Napangiti si Ricci. Muli niyang isinara ang pinto ng kotse at humarap siya kay Ringgo. Naghihintay siyang si Ringgo ang unang hahalik sa kanya. Hindi niya kasi alam kung sa pisngi ba o sa labi siya hahalik at kung ano ang pakiramdam na halikan niya ang lalaking di pa naman tinitibok ng kanyang puso. Umaasa siyang pagkatapos nilang maghalikan ay may maramdaman siyang kakaiba. Na puwedeng pagsimulan ng isang pagtatangi. Naramdaman na lamang niyang hinila siya ni Ringgo at sa isang iglap naramdaman niya ang malambot nitong labi na nakalapat sa kanyang labi. Napapikit siya. Pilit niyang pinakiramdaman muna ang kaibahan ng halik na iyon. Hanggang sa ang simpleng pagkakalapat ay lalong nagiging mapusok kay Ringgo. Lumaban din siya. Sinikap niyang tapatan ang init ng halik ni Ringgo