SLUM BABE

1097 Words
Chapter 3 Kung boyfriend naman ang pag-uusapan. Nagka-boyfriend na rin naman siya. High School pa lang siya noon. Dahil laking Manila at laking iskwater. Hindi na siya magmamalinis. Hindi na siya virgin pa. Isang malaking pagkakamali na pinagsisihan niya. Dahil may namumuong kakaiba sa kanila ng nakilala niya lang sa f*******: ay nagtiwala siya. Dala na rin siguro ng impluwensiya ng paligid at ng kapusukan, pumayag siyang may mangyari sa kanila pagkakita palang nila. Guwapo, maganda ang katawan at mestiso naman kasi ang gagong pinatulan niya.  Mukhang mapera. Mukhang kaya siyang buhayin at ng pamilya niya. Dahil na rin sa matinding kahirapan. Nag-eyeball lang sila sa isang Mall, nilibre siya ng pagkain saka siya niyaya sa isang mumurahing motel. Akala niya mauuwi iyon sa relasyon, akala niya seryoso ito sa mga pangakong tutulungan siya nito financially ngunit nagkamali siya dahil ang college student na guwapong iyon ay s*x lang pala ang habol. Ibig sabihin, ginamit lang siya sa gabing iyon, pangkamot sa kati. Hindi naman siya gaanong nasaktan ngunit may kurot ito sa damdamin niya dahil bigla na lang itong hindi sumasagot sa text niya at message niya sa f*******:. Nagulat na lang siya nang makatanggap siya ng text na tigilan na daw niya ang pagpapadala ng messages sa f*******: at text dahil maayos na sila ng matino at hindi iskawater na girlfriend niya. Maganda rin daw naman siya ngunit ayaw niya sa kasimbata at sa kinalakhan niyang lugar. Tang-ina! Ayaw niya pala sa bata ngunit bakit pa siya nakipagkita at ang matindi, tinikman pa siya. Ngunit ayos na sa kaniya 'yun. Dahil doon, nalaman niya kung ano nga ba talaga ang habol ng mga lalaki sa kanya. Ang kabataan at ang kagandahan lang niya. Dahil sa karanasan niyang iyon, alam na niyanng protektahan ang sarili. Hindi na siya pabubulag pa sa kaguwapuhan at pera ng mga lalaking mapagsamantala. Iyon ang karanasang magagamit niya sa pagtahak niya sa mas masalimuot na buhay ng mga kagaya niyang mahirap lang. Hindi na siya nagkaroon ng panahon makipagrelasyon. Mas maraming mahahalagang bagay na kailangan niyang pagtuunan ng pansin. Maraming nagpaparamdam ngunit madalas hindi niya gusto. Madami rin naman siyang gusto ngunit hanggang tingin lang siya. Bata pa naman siya sa edad niyang labinwalo. Saka na niya iisipin ang tungkol sa pakikipagrelasyon kung maayos na ang lahat. Lalong humirap ang buhay nila nang nagkaroon ng TB ang Mama niya at tumigil na nang tuluyan sa pagtatrabaho. Ngunit matapang siya sa lahat ng pagsubok. Hindi siya kailanman pinanghihinaan ng loob. Ni minsan hindi sumagi sa isip niya ang sumuko o kahit kaawaan ang kaniyang sarili. Maabot niya ang tagumpay. Hinding-hindi siya titigil hangga't di niya makakamit iyon. Pagkatapos niyang maligo ay nagpalit na siya. Naglagay lang siya ng powder sa kanyang mukha at hindi na niya itinali ang kanyang mahabang buhok. Pati ang face poweder na iyon ay kailangan niyang tipirin. Hindi uso sa kaniya ang make up. Mas bumabagay sa makinis, may kaputian at maganda niyang mukha ang buhok na nakalugay lamang. Tinitigan niya ang mapupungay na mata, matangos na ilong at sinikap niyang ngumiti sa salamin para pampa-good vibes. Lumabas ang kaniyang malalim na dimples. Siya man ay nagagandahan din naman sa sarili, iyon nga lang, gandang pinagkaitan naman ng matiwasay na buhay. Gandang di naman niya masikmurang gamitin para lang magkapera. "Pag-isipan mo yung sinabi ko sa'yo anak. Second year ka palang, may tatlong taon ka pang bubunuin bago ga-graduate. Kung mag-focus ka sa pag-ko-call-center baka mas gagaan ang buhay natin." Muling pasaring ng umuubo niyang Mama. "Hindi ko naman kailangan tumigil sa pag-aaral 'Ma para lang mairaos natin ang buhay natin sa araw-araw. Puwede akong magtrabaho pagkatapos ng klase ko. Saka nakakatulong din naman ang allowance ko para sa atin.” “Hanggang kailan? Hindi ka ba naaawa sa mga kapatid mo at sa sarili mo?” “'Ma, kaya ko po 'to huwag lang ninyo akong tanggalan ng karapatang maniwala sa pangarap ko para sa atin. Hindi ako titigil 'Ma." "Ngunit anak, nahihirapan ka na. Hindi ko alam kung paano mo pa kakayanin itaguyod kami habang nag-aaral ka." Isinukbit niya ang kaniyang backpack saka niya pinulot ang kaniyang binder na nakakalat sa lumang mesa. Lumapit siya sa Mama niya at muling sinuri kung lahat ng kailangan nito ay naiayos na niya bago aalis ng bahay. "Ma, alis na ho ako. Baka bukas o sa makalawa, lagi na ako gagabihin ng uwi dahil magsisimula na ako sa trabaho ko. Pagtiyagaan ko ho muna iyon habang naghahanap ng mas malaking pagkakakitaan. Pansamantalang magiging Janitor at Office assistant  muna ako habang hinihintay ko ang iba ko pang ina-aplayan." "Janitor? College level ka anak, matalino, maganda ta's Janitor ka lang?" "Ma, office assistant c*m janitor po. Saka mas mataas pa sa basic ang ibibigay na sahod sa akin. Kaysa naman sa wala. Saka sabi ko naman, pansamantala lang iyon. Ito lang kasi yung kahit paano ay swak sa schedule ko kaya pinatos ko na. Isa pa sa kilalang office naman ako ma-assign. Hindi sa kung saan-saang fastfood o Mall lang." Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng Mama niya bilang pagpaparamdam na di siya natutuwa sa napili nitong papasukan ngunit pinili niyang manahimik para di na hahaba pa. Walang mali sa pagiging Janitor o Office Assistant na papasukan niya. Mababa ngang klase na trabaho ngunit para sa kaniya marangal naman iyon. Saka maayos naman ang ibibigay na sahod sa kaniya ng Mommy ni Sackey dahil nga tulong na rin nila iyon sa kaniya. May karelyebo lang kasi siyang isa nilang tinutulungang working student din na sa hapon hanggang gabi naman ang klase. Dahil lahat ng klase niya ay sa umaga hanggang sa hapon ay siya ang kinausap ni Sackey kung puwede siya sa ganoong mga oras. Ngayon palang siya papayag dahil sinabihan niya kahapon na pag-iisipan niya muna ang iniaalok. Wala ka kasi siyang pambili ng gamot ng Mama niya, wala na silang makakain. Hindi niya alam kung saan pa siya kukuha ng pera. Lumabas na siya sa kanilang sira-sira at lumang barung-barong. Sanay na siya sa ingay ng kaniyang mga kapitbahay. Umagang-umaga pa nga lang may nagsisimula nang mag-inuman. Mga batang walang damit na nagtatakbuhan. Mga nagtitsismisang di pa yata nakakapagmumog. May mga ilang mga tambay na nag-iinuman na at nag-aabang sa kanyang pagdaan ang nabungaran niya. Inihanda na niya ang sarili. Mapapalaban na naman siya sa mga tambay. Sanayan na lang. Hindi pwede sa lugar nila ang ugaling pa-virgin o kaya’y pakolehiyala. Ang dapat sa mga tambay na mga ito ay patibayan ng sikmura at patigasan ng mukha. Huminga siya ng malalim at naglakad sa madumi, masikip na eskinita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD