( Chapter 4 - Ang panggugulo ni Cyd)
Tamara's POV
Bumalik kami ni Scarlet sa korean succulent shop. Hindi kami umalis doon hangga't hindi dumarating ang mga bodyguard ni papa na pinapunta ko rito para sunduin ako. Mabuti na lang at napakiusapan ko ang mga sales lady roon na mag-stay muna ako rito nang matagal. Pumayag naman sila dahil marami naman daw akong nabili sa shop nila.
"Nakakatakot nga pa lang maranasan ang ganito, Tamara! Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay mo kanina," sabi ni Scarlet habang bakas sa mukha niya ang pagkatakot. Titingin-tingin tuloy siya sa labas ng shop. Tinitignan niya kung naroon ba ang sinasabi kong lalaki. Nagtatago na kasi kami sa likod ng malaking cabinet na naroon.
"Mabuti na lang at mabilis tayong tumakbo," sabi ko sa kanya.
Panay ang check ko sa phone ko. Naghihintay ako sa message ng dalawang bodyguard ni papa. Hindi mapapanatag ang loob ko hangga't wala sila rito. Sigurado kasi ako na nag-aabang lang sa parking area ang lalaking iyon.
"Ano ba kasing eksena at nitong mga nagdaang buwan ay madalas ka nang dukitin ng kung sinu-sino?" tanong pa niya.
"Nang nakaraang month kasi ay napasok ang bahay namin ng mga magnanakaw. Nadiskubre nilang maraming gold sa mansyon namin," sagot ko sa kanya nang pabulong. Baka kasi may makadinig sa amin at lalong lumala ang nakawan na mangyari sa bahay.
"What?! Gold? Sa mansyon niyo?" sunud-sunod niyang tanong na halos hindi makapaniwala.
"Yup! Sampo sa malalaking gold namin ang nakuha nila. Nang mangyari iyon ay hindi na kami nagpapawala ng mga bodyguard sa bahay. Mayroon kaming halos benteng bodyguard sa mansyon namin. Lahat sila ay may mga armas. Ang utos ni papa ay kapag may nagtangkang pumasok sa amin na magnanakaw ay patayin na raw ka agad. Hindi rin kasi biro ang mawalan kami ng ganoong sampong gold na halos malalaki pa. Kung tutuusin ay sampong mansyon na ang puwedeng mabili ng sampong gold na nawala sa amin."
Tumunog na ang phone ko. Natanggap ko na ang message ng bodyguard ni papa. Sinabi nito na narito na sila sa mall. Ibinigay ko sa kanya ang pangalan ng shop na kinaroroonan namin. Sa oras na iyon ay alam kong safe na ako kaya nakakahinga na ako nang maluwag.
"Teka nga, puwede ko bang matanong kung saan nanggagaling ang mga gold niyo?" bulong niyang tanong sa akin.
Napaiwas ako nang tingin sa kanya. Ewan ko na lang kung maniwala pa siya sa akin. Kahit kasi akong mismong anak nila ay hindi rin alam kung paano nga ba nagkakaroon ng ginto sa mansyon namin.
"Sa totoo lang ay hindi ko rin alam e," sagot ko sa kanya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi sa akin nila mama at papa kung saan nanggagaling ang mga gold namin. Takang-taka na rin nga ako. Kahit hindi naman madalas mag-work sina papa at mama ay patuloy ang pagdami ng mga gold namin. Minsan, naiisip ko na nga na baka may masama na silang tinatrabaho. Ang sabi kasi nila ay sobrang laki na nang kinikita ng mga restaurant namin sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Pero, sa tingin ko kasi ay hindi sapat ang mga iyon para sa bonggang-bongga na gold na nadadagdag sa amin araw-araw. Nakakapagtaka lang talaga.
"Oh, ayan na ang mga bodyguard mo," sabi ni Scarlet.
Lumapit sa amin ang dalawang malalaking tao na iyon. Kinuha ng isa ang box na hawak-hawak ko at sabay-sabay na kaming naglakad patungo sa labas ng mall.
Ibinigay ko sa isang bodyguard ang susi ng sasakyan ko. Siya ang nag-drive palabas sa mall ng sasakyan ko. Doon namin sila hinintay ni Scarlet sa labas kasama ng isa pang bodyguard ni papa. Para na rin sa patuloy na pagiging safe namin ay ang bodyguard na rin ni papa ang tuluyang nag-drive ng sasakyan sa amin pauwi sa mansyon.
Sinama kong umuwi si Scarlet sa bahay dahil doon ko siya inalok ng mag-miryenda. Go lang naman siya dahil mamaya pa naman ang birthday party ni Ashley.
Pag-uwi namin sa bahay ay titingin-tingin siya sa buong paligid. Tatawa-tawa siya dahil tila raw bahay ng president ang mansyon namin sa dami ng bodyguard na nagbabantay sa bawat sulok ng bahay.
Sinama ko siyang pumunta sa kuwarto ko. "Puwede bang paki-balot mo ang gift ko kay Ashley at magliligo muna ako. Ang lagkit ng katawan ko dahil sa dami nang sinunggo nating mga tao kanina sa mall," sabi ko sa kanya.
"Sige, maligo ka na at ako nang bahala rito," sabi niya at saka na niya inayos ang box habang nasa kama ko.
Pagpasok ko sa banyo ay nagbabad na ulit ako sa bathtub ko. Siyempre, hindi mawawa ang music. Hindi na rin ako nagtagal doon at alam kong may bisita ako. Nakakahiya naman kay Scarlet kung paghihintayin ko siya roon. Kumakalam na ang sikmura ko kaya alam kong gutom na rin ang gagang iyon.
Paglabas ko sa banyo ay tapos na niyang balutin ang gift ko para kay Ashley. Nagce-cellphone na siya nang datnan ko sa kama ko.
"Tara na sa ibaba, mag-miryenda na tayo," sabi ko sa kanya kaya sabay na kaming tumungo papunta sa kusina namin.
Nadatnan namin doon na punong-puno ng pagkain ang lamesa. Tiyak na mapapanganga naman si Scarlet.
"O.M.G! Ang bongga naman ng miryenda rito! Para na rin akong nagpunta sa birthday-han tuloy," sabi niya habang tatawa-tawa. Kitang-kita sa mga mata niya na kumikinang iyon habang sinusulyapan ang masasarap ng pagkain sa lamesa namin.
"Normal na ito sa bahay kaya sanay na ako," sagot ko sa kanya.
Pag-upo namin doon ay agad na kaming nilapitan ng mga maids namin. Naglagay na sila ng mga plates, pork at spoon sa mesa. Pagkatapos ay sabay nila kaming nilagyan ng napkin towel sa mga binti namin para hindi malibagan ang sarili namin.
"Mayaman kami, pero hindi ganitong ka-sosyal sa amin," sabi pa niya.
"Alam mo, stop na muna tayo sa daldal at kumain na tayo dahil wala na akong energy," sagot ko sa kanya kaya inirapan na lang niya ako at saka tumawa.
Nag-carbonara lang ako. Sawa na kasi ako sa ibang food na nakahain dito. Habang kinakain ko ang carbonara ko ay pinapanuod ko si Scarlet na panay ang tayo. Lahat ng nakahain ay tinikman niya. Hindi siya matakaw, tikim lang ang ginawa niya. Sa tingin ko ay inaaral niya kung kaninong mga chef ba ang masarap magluto, ang amin kaya o ang sa kanila? Mamaya ko iyan malalaman.
"Anong mase-say mo sa mga food namin?" tanong ko na sa kanya. Medyo may energy na kasi ako kaya nakipagdaldalan na ako sa kanya.
"Wait, hindi ko pa tapos tikman ang ilan," aniya at saka ako tinawanan.
Tuwang-tuwa naman ang mga maids namin habang pinapanuod siyang kumain. Nakaya niyang tikman ang lahat ng food na naroon. Hanga ako sa panlasa niya. Kung ako iyon ay baka nagkakanda-suka na ako ngayon. Hindi ko ata kayang kumain ng halos benteng putahe sa loob ng ilang minuto lamang. Iniisip ko pa lang ay naalo na ako. Iba ang dila ni Scarlet. Rare ang dila niya.
"Okay, ready na akong mag-comment tungkol sa mga lasa ng foods. Kita mo naman sa ginawa ko, halos lahat ng food ay nagawa kong tikman. Wala ata akong hindi kinain. Ibig sabihin ay mas nasasarapan ako sa luto ng mga chef niyo rito sa mansyon niyo. Iba talaga kapag gold ang pinapasahod," sabi niya kaya lalo akong natawa.
"Quiet lang, girl! Ayaw ni papa na pinag-uusapan dito ang tungkol sa mga gold namin," sita ko sa kanya kaya bigla siyang napa-zipper mouth.
"Sorry," sabi na lang niya.
"Anyway, anong drinks ang gusto mo?" tanong ko.
"Pineapple juice na lang ako," sagot niya. Tumayo pa ang gaga. Binalikan na niya ang mga pinaka-nagustuhan niya. Iyon na ang totoong foodtrip niya. Ganiyan iyan e.
Tinaas ko ang kamay ko para tawagin ang isang maid namin. Paglapit niya ay inilapit niya ang tainga niya sa bibig ko. "Pa-serve naman ng isang pineapple juice at isang strawberry juice na fresh na fresh," sabi ko kaya tumango naman ka agad ang maid.
Pag-alis niya ay hindi ko rin napigilang sumandok pa ng carbonara. Kakaiba ang luto nito ngayon. Nagustuhan ko. Sa tingin ko ay inaral nang mabuti ng chef namin ang lasa na gusto ko. Nang nakaraang araw kasi ay nag-suggest ako sa kanya ng lasa na gusto ko sa isang carbonara. Gusto ko kasi iyong manamis-namis. Nakakasawa na kasi iyong parang puro gatas lang. Ngayon ay nagustuhan ko na kaya, heto, nakaulit pa tuloy ako ng isang plato.
After naming mag-miryenda ni Scarlet ay pinahatid ko na siya sa bahay nila dahil need na naming gumayak para pumunta sa birthday party ni Ashley.
Paakyat na ako sa kuwarto ko nang marinig kong may sigawan sa labas ng mansyon.
"Lumabas ka, Tamara!" dinig kong sigaw ni Cyd. Sa tono nang pananalita nito ay halatang lasing siya ngayon.
"Anong kaguluhan ba iyon?" dinig kong sabi ni papa na napalabas na sa kuwarto niya. Tinignan ko siya nang nakasimangot. Sa totoo lang ay naawa na ako kay Cyd. Sigurado kasi ako na ipapabugbog na naman siya ngayon ni papa. Sana ay hindi na lang siya pumunta pa ulit dito. Mawawalan siya ng work kapag nabasag ang mukha niya. Pag pumangit ito ay tiyak na mawawalan siya ng mga sponsor. Mawawala ang bisa ng pagiging model niya.
Sa oras na iyon ay umaksyon na ako.
"Ako na po, papa. Kawawa naman kasi kung bubugbugin lang ulit. Don't worry, dahil hindi ko naman na siya babalikan pa. Paalisin ko na lang siya nang maayos," sabi ko at saka na ako lumabas sa mansyon namin.
Habang naglalakad ako ay kita ko na agad si Cyd. Pulang-pula ang mukha nito. Lasing na lasing nga siya. Kinuha ko sa isang bodyguard namin ang baril niya. Ayaw pa nga niya iyong ibigay dahil delikado raw. Pero nang sabihin kong tatakutin ko lang si Cyd ay pumayag na rin siya.
Nang lumapit na tuloy ako sa gate ng mansyon namin ay tinutukan ko siya ng baril.
"Aalis ka o pasasabugin ko iyang bungo mo?!" pananakot ko sa kanya kaya bigla siyang natahimik.
"Look, narito lang naman ako para ayusin ang mayroon sa atin," sabi niya nang mahinahon. Paawa effect ka agad ang mukha niya. Ganiyang-ganiyan iyan kapag humihingi ng sorry sa akin. Nagpa-puppy eyes pa. Sorry siya dahil hindi na tatalab sa akin ang mga ganiyang kagawain niya. Once na nabasag na ang isang bagay ay hindi na ito maibabalik sa dating ganta, oo maari pa ring lagyan ng pandikit, pero hindi na maitatago ang lamat na ginawa nito. Ganoon ang puso ko ngayon sa kanya. Binasag niya iyon at ngayon ay gusto niyang buuin ulit. Ayoko na. Isa lang beses lang ako puwedeng maging tanga. Hindi na mauulit pa.
"Wala na, Cyd! Ang tapos ay tapos na. Ayoko na sa iyo! Nakakadiri ka na sa paningin ko. Doon ka na lang sa babaeng kalaplapan mo nang nakaraan araw. Bagay naman kayo e," sagot ko habang nakatutok pa rin sa kanya ang baril.
"Friend? Kahit friend na lang muna tayo? Ayos lang ba sa iyo?" tanong pa niya.
"Ayoko! Ayoko ng dukyot na kaibigan. Last warning na ito. Kapag hindi ka pa umalis dito ay puputukan na kita sa bungo mo. Hindi ako magdadalawan-isip na gawin ito. Hindi naman ako makukulong dahil ikaw ang may mali. Sumugod ka rito kaya kung gusto kitang patayin ay maari kitang patayin. Bibigyan na lang kita ng ilang segundo, kapag hindi ka pa umalis ay pasensyahan tayo," pananakot ko ulit sa kanya kaya nag-umpisa na siyang umatras palayo sa gate. Natakot na nga ito nang tuluyan.
"Sorry, Tamara. Sorry talaga! Mahal na mahal na mahal kita! Hindi ako magsasawa na suyuin ka. Patawarin mo lang ako at magtitino na talaga ak—"
Natigil siya sa pagsasalita nang paputukan ko siya nang baril. Nanlaki ang mata ko nang makita kong tinamaan siya ng baril. Nakita ko na lang na bumagsak siya sa simento habang duguan na agad. Hindi ko sinasadyang makalabit ang gatilyo ng baril. Kahit ako ay nabigla din. Bigla tuloy nanginig ang mga tuhod ko.
Sh*t! Napatay ko pa ata si Cyd.