Chapter 5

1820 Words
( Chapter 5 - Si Abo at Peklat ) Tamara's POV Yakap-yakap ako ni mama habang nakaupo kami sa labas ng emergency room. "Ma, hindi ko intensyon na barilin siya. Hindi ko naman alam na mabilis lang kalabitin ang gatilyo ng baril. Tatakutin ko lang naman talaga siya kanina e," sabi ko kay mama habang patuloy akong umiiyak. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Si Cyd ang kauna-unahang tao na nasaktan ko nang ganoon. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang mga dugong lumabas sa katawan niya nang bumagsak siya sa lupa kanina. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko siyang barilin. "Kumalma ka, ayos lang iyan. Sa balikat lang naman siya tinamaan kaya hindi naman agad siya mapupuruhan," sabi ni mama habang hinahagod ang likod ko. Palakad-lakad naman si papa habang hinihintay na lumabas ang doctor. Kahit siya ay natakot din sa nangyari. Ayaw ni papa na makulong ako kaya tiyak na kinakabahan din siya sa kung ano man ang mangyayari. Ayon sa abodago ni papa ay malakas naman daw ang laban ko sakaling magsampa ng kaso si Cyd. Tresspassing ito at nanggugulo sa bahay namin kaya may laban daw talaga ako. Ang kinakatakot lang ni papa ay ang malaking hidwaan na maaring maganap sakaling mabalitaan ito ng mga magulang ni Cyd. Close na rin kasi ang parehas naming pamilya. May mga collaboration na kasi sila sa mga clothing business kaya natatakot din sila na maging malaking problema itong nangyari kapag nalaman nilang binaril ko ang anak nilang si Cyd. Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto ng emergency room. Lumabas na roon ang doctor. "Okay na ang pasyente. Daplis lang naman ang nangyari kaya maari na rin siyang i-uwi ngayon," sabi ng doctor kaya nakahinga na ako nang maluwag. "I-uwi na lang muna siya sa mansyon. Bukas na lang natin siya kausapin kapag kalmado na siya," sabi ni papa at saka ito naunang lumabas sa hospital. Napapailing pa ito habang tinatalikuran na kami ni mama. Tiyak na na-stress din siya sa nangyari. "It's okay, baby! Na-stress lang ang papa mo kaya ganiyan siya. Ang mabuti pa ay umuwi na rin tayo. Ang mga tauhan na lang natin ang bahalang mag-asikaso sa kanya pauwi sa mansyon," sabi ni mama kaya lumabas na rin kami sa hospital at sabay na sumakay sa sasakyan namin. Habang pauwi na kami ay nakita kong tumatawag na sa akin si Scarlet. Alas otso na kasi ng gabi. Ang usapan namin ay alas syete pa lang ay pupunta na kami sa birthday party ni Ashley. Nag-message na lang ako sa kanya na mauna na siya at may emergency kasi na nangyari sa bahay. Pag-uwi namin sa mansyon ay umakyat na agad ako sa kuwarto. Naligo tuloy ulit ako dahil pinawisan ako nang bongga dahil sa nangyari. Inabot ako ng kalahating oras sa pagbababad sa bathtub. Hindi ako umahon doon hangga't alam kong hindi pa ako nagiging okay. Nag-missed call na si Scarlet kaya napalitan na akong tumayo. Hindi pa ako okay talaga e. Pinilit ko lang gumayak dahil ayoko namang magtampo si Ashley kung hindi ako makakapunta sa birthday niya. White dress ang sinuot ko para pa-fresh lang ang look ko.  Bago ako umalis sa mansyon ay tinignan ko na muna si Cyd sa visitor room namin. Pagpasok ko roon ay nakita kong may benda na ang balikat niya. Mahimbing na siyang natutulog at mukhang okay na.  Lumapit ako sa kanya. "Sorry, Cyd. Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari," bulong ko sa kanya.  Pumasok sa room ang isang private nurse kaya napilitan na akong umalis. Siya ang titingin kay Cyd ngayong buong gabi. Kinuha ito ni papa para maging safe na ng tuluyan ang kalagayan niya. Paglabas ko sa room niya ay nadatnan ko sina mama at papa na nanunuod ng TV sa salas namin. "Before 11 pm, umuwi ka na, ha?" mahinahong sabi ni papa. Mukhang okay na ang mood niya. "Yes, papa," sagot ko naman agad. "Take care, Tamara. Huwag kang magpapasugat sa balat mo at ayokong magkaroon ng peklat ang magandang kutis ng anak ko," sabi ni mama habang nakangiti sa akin. "Opo," sagot ko at saka ako nag-flying kiss sa kanya. Nginitian na ako ni papa kaya ibig sabihin ay okay na kami. Sa wakas ay magiging maayos na ang pakiramdam ko.  Paglabas ko ay nakaabang na sa akin ang sasakyan kong lamborghini na kulay purple. Ito ang ginagamit ko kapag pumupunta ako sa mga event.  Habang nagda-drive na ako ay kita ko sa likuran ko ang dalawang ferrari na nakabuntot sa akin. Gaya ng dati, kahit ayaw ako ay may dalawang kotse na sumunod sa akin para ihatid ako sa kung saan ako tutungo. Pinapagawa iyon ni papa para sa kaligtasan ko. Masungit man sila sa akin minsan ay ramdam ko naman kung gaano nila ako ka-mahal at iniingatan. Habang nagda-drive ako ay nag-message na ako kay Scarlet, na on the way na ako para abangan niya ako sa labas ng bahay nila Ashley.  Saktong 9:30 pm nang makarating ako sa bahay nila. Paghinto ng sasakyan ko ay naghintay pa ang mga bodyguard ni papa na makapasok ako sa loob bago sila umalis. "Ang tagal, ha!" reklamo ni Scarlet. "Kainis kasi si Cyd. Gumawa nang eksena sa mansyon," sabi ko agad sa kanya.  "Oh, ano naman ang ginawa niya?"  "Aksidente ko siyang nabaril, Scarlet!" sabi ko habang napapailing. Nakita ko naman na nanlaki ang mga mata niya. Nahinto tuloy siya sa paglalakad. "Sh*t! Patay ba?" OA niyang tanong kaya inirapan ko siya. "Kung napatay ko man siya ay gugustuhin ko pa bang mag-party ngayon dito?!" Nairapan ko tuloy siya.  Naglakad na ulit ako dahil gusto ko nang kumain. Nagutom ako sa nangyaring stress sa akin ngayong gabi. "Oh, eh, anong lagay niya? Ayos na ba siya?" tanong pa niya habang naglalakad na kami sa loob ng bahay nila Ashley. Mula roon ay dinig ko na ang malakas na tunog ng sounds system sa likod ng bahay nila. Swimming pool party iyon kaya sa likod talaga ng bahay nila magaganap ang kasiyahan. Mabuti na lang at malaki ang bahay nila. "Okay na, daplis lang naman sa balikat niya ang nangyaring pagbaril ko. Actually, nasa mansyon siya ngayon. Doon na muna siya pinagpahinga ni papa para masiguro ang kaligtasan niya. May private nurse ngang tumitingin sa kanya ngayon."  Tinulak niya ako nang mahina. "Gaga ka! Bakit mo kasi binaril iyong tao?! Siyempre, iyon talaga ang gagawin nila para hindi na sila magsampa ng kaso sa iyo. Saka, baka magkaroon ng lamat ang pamilya niyo at ang pamilya ni Cyd. Iyon ang pinanghahawakan ng parents niyo kaya naging maalaga na rin sila kay Cyd. Sobrang sikat pa naman ngayon ng collaboration clothing ninyo. Sikat na sikat iyon dahil siya rin ang nag-model. Adik nga si kuya ko sa mga damit niyo e."  Impyernes naman kay Scarlet, minsan brainy rin siya. "Tama na ang daldalan. Alam mo naman ako kapag gutom, ayoko na munang makipag-talk. Puntahan na muna natin si Ashley para mai-abot ang gift natin at saka tayo kumain," sabi ko sa kanya. Pagdating namin sa swimming pool area ay nakita naming napakaraming tao na roon. Sinalubong kami ng malakas na tunog ng sounds system at ng mga spotlight doon na iba't iba ang kulay. Nasa mini stage si Ashley. Para siyang debutante roon kaya natatawa kami parehas ni Scarlet. May mga nagpapa-picture pa sa kanya kaya nag-wait muna kami sa isang gilid. Pag-alis ng dalawang babae sa stage ay saka na kami lumapit sa kanya. Pag-akyat namin sa stage ay sinalubong niya kami ng masayang ngiti. "Happy birthday, Ashley!" Ako ang unang bumati at nag-abot ng gift sa kanya. Nagbeso kami at saka ko siya niyakap. "Salamat, pinaka-mayaman kong friend," sagot niya sa akin at saka tumawa. "Happy birthday, Abo!" panunurang bati ni Scarlet sa kanya. Abo ang panura niya kay Ashley dahil may ash daw ang name nitong Ashley. "Salamat, Peklat!" sagot naman ni Ashley sa kanya. Peklat naman ang panunura niya rito dahil may scar ang pangalan nitong Scarlet. Weird man parehas minsan ang dalawang ito ay hindi ko naman kaya silang itapon dahil matagal na ang aming mga pinagsamahan. Simula elementary ay kami na talagang tatlo ang solid na magkakaibigan.  Nag-picture kaming tatlo bago kami bumaba sa stage. Mayroon sa phone ko at mayroon din sa phone nilang dalawa. "Kumain na muna kayo at mamaya na lang tayo mag-party kapag may energy na kayo," sabi ni Ashley kaya pumunta na kami ni Scarlet sa table namin. Sosyal dito dahil para ka lang ding nasa bahay dahil aandutan ka na lang bigla ng mga food ng mga waiter. Napuno ng pagkain ang lamesa namin ni Scarlet. Lahat ng klaseng pagkain ay nilagay doon kaya parehas kaming tahimik ni Scarlet ngayon. Hindi ako ganito sa mga handaan, ngayon lang ako naging masiba dahil ginutom talaga ako sa nangyari kanina mansyon. "Look, may mga grupo ng mga lalaki sa gilid ng swimming pool na kanina ka pa tinitignan," sabi ni Scarlet sa akin. Bigla tuloy akong nahiya. Baka mamaya e, ang pangit kong kumain. Inayos ko tuloy ang pagsubo sa pagkain ko.  Nang tignan ko ang mga lalaking sinasabi ni Scarlet ay totoo ngang nakatingin sila sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay mga pinsan sila ni Ashley. Nakikita ko kasi minsan ang mga ito sa mga litrato ni Ashley kapag may family reunion sila. "Akala ko kung sino, mga pinsan lang pala ni Ashley," sabi ko sa kanya. "Ang cute kaya nila. Tiyak na bet ka nila dahil madalas ka na rin nilang makita sa mga litrato natin nila Ashley," sabi niya habang siya naman ang patingin-tingin sa mga lalaki. "Sorry sila, may Kinn Ramirez na ako," sagot ko at saka ko inirapan si Scarlet. "Asa ka pa! Tiyak na gaya niya ring model ang bet ng lalaking iyon," sabi sa akin ni Scarlet. Wala talaga siyang ka-support-support sa akin. Talagang nang-down pa siya.  "Wala ka talagang silbi, Scarlet! Para ka talagang peklat sa balat na minsan ay panira sa balat. Ganiyang-ganiyan ka ngayon, panira ka ng pangarap! Hindi ka na lang sumakay sa trip ko. Sige ka, balang-araw, kapag naging jowa ko na si Kinn, hindi na kita papansinin." Tinawanan lang ako ng gaga. Sa kanilang dalawa ni Ashley ay siya ang pinaka-malakas mang-aasar. Kaya minsan, napapatulan ko siya kapag wala ako sa mood, eh.  Pero, seryoso ako. Ipu-push kong mapalapit kay Kinn. Gagawa ako nang paraan para magtapo ang landas namin. Siyempre, mayaman kami at maraming pera kaya madali na lang para sa akin kung paano ako mapapalapit sa kanya. Siguro ay oras na para gamitin ko sina mama at papa. Hindi naman nila alam na ito ang bet kong landiin ngayon. Gagamitin ko lang ang pagiging famous ni Kinn para maging model siya sa isa sa mga business namin. Tinignan ko tuloy si Scarlet at saka ko siya nginisian. Balang-araw ay siya naman ang tatawanan ko. Kapag naging kami ni Kinn Ramirez ay araw-araw kong susurahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD