bc

Ang Bodyguard kong Werewolf

book_age18+
2.0K
FOLLOW
7.3K
READ
revenge
powerful
mermaid/mermen
twisted
bxg
mystery
werewolves
city
superpower
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Madalas madukot ng iba't ibang tao si Tamara. Siya ang nag-iisang anak ng pamilyang Galvez na sikat na may-ari ng iba't ibang restaurant, Coffee shop at kung anu-ano pa sa buong Pilipinas.

There were rumors that they owned a lot of gold in their house that's why Tamara was always been a subject of abduction in their family and they demand gold in exchange to release her.

Dahil doon ay napilitan na ang mga magulang niya na humanap ng bodyguard nito. Tamara was innocent to know, and she has no idea that her bodyguard would be her super crush Kinn Ramirez.

Si Kinn Ramirez na may tinatagong sikreto.

Would she still admire him even if she found out that Kinn was a werewolf?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
(Chapter 1 - Ang unang pagkikita ) Tamara's POV Agad na tumulo ang luha ko nang makita kong may ibang babae na kahalikan ang boyfriend kong si Cyd sa loob ng isang mamahaling coffee shop. Halos tatlong-taon na kaming mag-karelasyon kaya panatag na ang loob ko sa kanya na hinding-hindi niya ako lolokohin pero nagkamali pala ako. Habang palihim akong umiiyak ay kinuhanan ko sila ng video at litrato. Kahit medyo malayo ako ay napa-zoom talaga ako para lang makakuha ako ng ebidensya sa kanila dalawa. Mabuti na lang at mamahalin ang cellphone ko. Kahit malayo sila ay malinaw na malinaw ang itsura nila sa video at picture ko.  Nakakagigil! Ginawa nilang motel ang coffee shop na iyon. Mga walang hiya! Ngayon lang ako nakaramdam nang inis at pandidiri kay Cyd. Ganito pala ang pakiramdam kapag nalaman mong may ibang kahalikan ang boyfriend mo. Parang diring-diri ka at ayaw mo na agad sa kanya. Iniisip ko pa lang kasi na makahalikan siya ulit ay nasusuka na talaga ako. Hindi sa maarte ako, pero sino ba naman kasi ang hindi mandidiri sa ganoong itsura. Halos naglalaplapan kasi silang dalawa. Ang pangit isipin na makahalikan pa siyang muli, gayong alam ko nang may iba pala siyang babae na nakakahalikan.  Nakakadiri talaga! Itinigil ko na ang pag-iyak ko. Naisip ko kasi na sayang ang luha ko sa kanya. Ang weird, pero parang ang dali kong mag-move on. Hindi ako nanghihinayang na mawala siya kahit ang guwapo-guwapo niya, yummy at mayaman.  Bakit?  Dahil alam kong maganda ako. Yes, maganda talaga ako. Sayang lang at ang dami kong na-reject ng lalaki para lang sa Cyd na iyon. Hindi bale, mas marami pa naman akong mahahanap diyan na iba na mas karapat-dapat sa akin. Saka, hello! Tamara na ito noh! Isa akong Galvez. Kami ang may-ari ng iba't ibang restaurant, coffee shop at kung anu-ano pang kaina sa kahit na anong panig ng pilipinas. Ganoong kabangis ang surname ko. Dahil sa nangyari ay napahawi na lang ako sa buhok kong kulot. Isinilid ko na ulit sa bag ko ang mamahalin kong cellphone at saka na ako naglakad paalis sa harap ng coffee shop na iyon na para sa akin ay isa nang cheap na puntahan. Habang pabalik na ako sa sasakyan ko ay isang tumatakbong lalaki ang papalapit sa akin. Napasigaw ako dahil alam kong masasagasaan niya ako. May hinahabol kasi ito. Mukhang magnanakaw ata.  Nakita kong binato niya ang magnanakaw ng sapatos niya. Suwerte naman niya at tinamaan niya ang magnanakaw na iyon sa ulo kaya nabuwal ito sa simento. Ganoon pa man ay natuloy pa rin ang lalaking iyon na sagasaan ako, kaya tanggap ko na sa sarili ko na tutumba na lang talaga ako bigla sa simento. Ang bilis kasi niyang tumakbo. Ginawa niya akong pangalso para lang mahinto siya. Ang ending ay sabay kaming nabuwal. Naghihintay akong tumama ang katawan at ulo ko sa simento pero hindi iyon nangyari. Nakapikit ako noon nang maramdaman kong may sumalo sa akin. Nakaunan ang ulo ko sa malaki niyang palad. Doon ko na idinilat ang mata ko. Nagulat ako nang makita ko ang lalaking nakasagasa sa akin at ang lalaki rin na sumalo sa akin ngayon. Hindi ako makapaniwala na siya ito. Feeling ko ay nanaginip ako. Nasa harap at kadikit ko na kasi ngayon ang sikat na sikat na model na super crush ko. "OMG! Ikaw ba iyan, Kinn Ramirez?" Nginitian naman niya ako. Biglang kuminang ang mata ko na para bang unti-unti akong natutunaw. Sobrang guwapo niya pala sa personal. Totoo rin na ang ganda ng katawan niya. Ang hot niya! "I'm sorry, miss! Hindi ko sinasadya na sagasaan ka," anito na hindi ko naman pinansin. Mas tinuon ko kasi ang mata ko sa napakaganda niyang mukha. Ang singkit niyang mata, matangos na ilong, mapulang labi at ang makinis niyang mukha. Ang sarap-sarap niya, este, ang sarap-sarap niyang mahalin. "Muli... humihingi ako ng paumanhin sa nagawa ko sa iyo," sabi niya ulit at saka ako tuluyan na itinayo.  Umalis na siya sa tabi ko at saka niya nilapitan ang magnanakaw na ngayon ay walang malay-tao na nakahandusay sa kalsada. Mukhang solid ang pagkakabato ng sapatos niya sa ulo nito kaya nahimatay ito. Doon ko lang napansin na marami na pa lang nakatingin at humihiyaw kay Kinn Ramirez. Talaga ngang sikat na sikat ito. Ang dami niyang taga-hanga, lalo na sa kababaihan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang nakasagasa at sumalo sa akin. Gustong-gusto kong sumigaw ngayon sa tuwa kaya lang ay nahihiya ako. Dumikit sa katawan ko ang pabango niya. Lalaking-lalaki ang amoy at nakakadagdag points iyon ng pagka-guwapo niya. Parang ayoko na tuloy ipa-laundry ang damit ko. Ayoko na rin maligo. Gusto kong mag-stay lang sa katawan ko ang amoy niya. History ito para sa akin. Nawala agad ang pagka-bad trip ko dahil kay Kinn Ramirez. Parang ang bilis naman ata ni Lord na pasayahin ako. Bumawi siya ka agad sa akin. Mayamaya ay isang sasakyan na ng pulis ang rumaragasang dumating sa kinaroronan namin. Binuhat nila ang wala pa ring malay-tao na magnanakaw at saka nila ito isinakay sa sasakyan ng mga pulis. Hindi ko sinayang ang pagkakataon na nakawan siya ng litrato habang hindi pa siya umaalis. Kinuha ko ulit sa mamahalin kong bag ang mamahalin ko rin na cellphone. Agad kong binuksan ang camera nito at pagtapat ko nito sa kanya ay nagulat pa ako dahil muli niya akong nilapitan. Napatigil tuloy ako dahil bigla akong nahiya sa kanya. "May masakit ba sa iyo? Hindi ka ba nasaktan nang sagasaan kita kanina?" tanong niya sa akin na agad ko namang inilingan. "W-wala. A-ayos lang ako, Kinn," agad kong sagot sa kanya. "Kung ganoon ay aalis na ako," paalam niya pero pinigilan ko siya. "Teka lang," sabi ko kaya napahinto siya paglalakad. "Ano iyon? May masakit na ba sa katawan mo?" tanong niya ulit na tila nag-aalala agad. Lalo tuloy akong kinikilig. "Wala. Gusto ko lang sana magpa-picture. Puwede ba?" sabi ko na medyo nahihiya pa.  Ngumiti siya. "Iyon lang ba? Oh, sige," sagot niya kaya agad-agad akong tumabi sa kanya. Tila ako nakuryente nang maramdaman kong umakbay pa siya sa balikat ko. Limang mabilisang shot ang kinuha ko. Alisto ako. Baka kasi may mga blurred na kuha, sayang naman ang pagkakataon na ito. Pagkatapos naming mag-picture ay titig na titig pa rin ako sa kanya. "Salamat," sabi ko kaya tuluyan na siyang umalis. Sumakay siya sa isang sasakyan na nakaabang na pala sa kanya. Tinignan ko pa rin ito habang papaalis na siya. Tulala lang ako sa mga naging ganap ngayong araw. Pero nang tumagal na napako ako sa kinatatayuan ko ay doon na lang ako napasigaw sa tuwa. Kilig na kilig ako sa mga picture namin ni Kinn Ramirez. Hindi ako makapaniwala na na-meet ko siya ngayong araw. Agad kong ipapa-print ang kuha namin at saka ko ito idi-display sa dingding ng kuwarto ko. "Ang swerte mo!" "Sana all may picture sa kanya!" "Nakakainggit ka!" Isa-isa akong nilapitan ng mga kababaihan doon. Pinilit pa nila akong tignan ang litrato namin ni Kinn. Hindi ako nagsungit sa kanila dahil good mood ako. Pinagbigyan ko sila. Pinakita ko pa nga sa kanila ang picture namin kaya lalo silang nainggit sa akin. Umuwi tuloy ako sa mansyon namin na baon ang ngiti kong abot langit. Hiling ko lang na sana mas mag-level up pa. Balang-araw ay sana maging jowa ko siya. Iniisip ko pa lang na nakayakap at kahalikan ko siya ay naiihi na ako sa kilig. Sobrang patay na patay kasi ako talaga sa kanya. Good bye na talaga sa dugyot na Cyd na iyon. Ang goal ko ngayon ay ang masungkit ang puso ni Kinn Ramirez. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
275.4K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
539.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook