(Chapter 13 - Ang kakaibang ginto ni Mr. Travino Galvez ) Tamara's POV Nang makalabas na kami sa mall ay inagaw na sa akin ng isang lalaki ang manibela ng sasakyan ko. Bumukas ang pinto ng sasakyan at sabay kaming hinila ng mga kidnapper para ilipat sa likuran ng kotse. Gumitna pa sa amin ni Scarlet ang isang lalaki na mukhang tilapya ang mukha. Ang baho niya. Amoy alak ito na tila galing pa sa inuman kahapon. "Talikod!" sigaw bigla ng lalaki kay Scarlet. "B...bakit po?" Takot na takot agad si Scarlet. "Basta tumalikod ka na lang!" sigaw pa rin nito sa kanya kaya tumalikod na lang si Scarlet. "Ano bang gagawin mo sa kaibigan ko?!" Hindi siya sumagot sa akin. Nakita ko na lang na nilagyan nito ng tali ang mga braso ni Scarlet. "Ikaw naman," sabi naman niya sa akin kaya tumalikod n