(Chapter 12 - Ang pagkapoot ni Scarlet) Tamara's POV "Madali lang ba? Anong pakiramdam ang maging isang fashion model?" tanong sa akin ni Scarlet. Nasa isang sikat na restaurant kami ngayon. Ginutom kami parehas nang ikutin namin ang mga shop ng mga sikat na brand ng mga damit dito sa mall. Tinignan ko kasi iyong mga litrato roon na mga naka-display sa labas ng mga shop. Iyong mga fashion model na pinag-e-endorse nila sa mga brand nila. Halos lahat nang nakita ko ay nagawa ko na rin ang pose. Tuwang-tuwa ako at lalong naging excited dahil soon ay magkakaroon na rin kami ng clothing brand dito sa mall. Soon ay makikita na rin ang Galvez clothing sa Pilipinas. Panay ang subo ng pagkain ni Scarlet. Halatang ginutom ito dahil sa pag-iikot namin. Sagot ko naman ang food namin ngayon kaya baw