Chapter 25

1364 Words

(Chapter 25 - Nang mahigad si Tamara ) Kinn's POV Kanina pa ako kabado. Hindi ko alam kung alam na ba niya ang lahat? Pero, malakas ang kutob ko na mali ang pagkakaintindi niya. Kung nalaman kasi niya na nagpapanggap lang akong pangit ay nagalit na dapat siya sa akin ngayon. "Anong iniisip mo? Alam mo na ba?" tanong ko pa ulit habang sinusundan ko siya. Hindi na siya natapos sa pagkain ng strawberry. Pumitas na ito nang pumitas. Mabuti na lang at maraming bunga ang mga pananim nila Lola Isabella at Lolo Lucas. "Oo, alam ko na sabi. Hindi mo na kailangang ipaliwanag. Alam ko naman na kaya Kinn ang pinakilala mo sa kanila ay dahil idol mo rin ang kapatid kong si Kinn," sagot niya na kinangisi ko. Mabuti na lang pala at iyon ang pagkaka-intindi niya. Ang buong akala ko eh, alam na niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD