(Chapter 26 - Dahil sa Scented candle) Tamara's POV Tapos na akong gamutin ni Lola Isabella. Ang galing lang. Sanay na sanay na siyang manggamot nang nahigad. Mukhang normal na nga siguro sa kanila ang ganitong pangyayari. Sa ilang oras lamang na lumipas ay agad na ring gumaling ang balat kong namumula at namamantal kanina. Narito ako ngayon sa salas ng mansyon nila Morado. Naghihintay ako sa strawberry shake na pinagawa ko kay Lola Isabella. Inalok niya kasi ako kanina habang ginagamot niya ako. Hindi naman ako tumanggi dahil mukhang masarap iyon dahil fresh ang lahat ng makakain dito. Kung ako nga lang ang natatanungin, gusto kong mag-overnight dito ngayon. Ang sarap kasi ng hangin dito. Habang naghihintay ako sa strawberry shake ko ay nakita kong nagdidilim ang kalangitan sa labas.