( Chapter 24 - Alam ko na! ) Tamara's POV Sinakyan ko na lang ang trip ni Morado. Siguro, Kinn ang pinakilala niya sa mga ito dahil kahit ang sarili niyang kapatid ay idol niya rin. Tinignan ko si Morado. Hiyang-hiya ito at halos hindi makatingin sa akin. "Ah, oo nga pala, Kinn nga pala ang pangalan niya" sabi ko na lang. "Liar ka, Kuya Kinn. Bakit Morado ang pakilala mo sa kanya?" panunukso pa ni Amelia sa kanya kaya tatawa-tawa na lang ito sa batang babae. Hindi na lang kumikibo si Morado. Binuhat na lang niya ang mga pagkain at saka naunang pumasok sa farm nila. "Halika, i-tour mo ako rito," aya ko kay Amelia. Hahawakan ko sana ang kamay niya, kaya lang tinabig niya ako bigla. May pagkamaldita ang isang ito. Nauna na siyang maglakad para masabayan si Morado. Namangha ako pagpa