Hindi ako halos makakain noong lunch time. Akala ng tatlo nawawala ako sa sarili ko dahil hindi ko nakita si V kaya ganoon nalang ako katamlay kahit na ang totoo ay nagsusuicide na ang utak ko sa kakaisip kung paano magiging lalake iyong crush ko! Sigurado akong nagpalate enroll iyon para maging kaklase niya si V! Type niya si V! Tsk
The next morning, nagulat ang gwardya dahil sa pagiging maaga ko. Imbes na dumeritso sa classroom ay doon agad ako sa classroom nila V. May mga estudyante naring nandoon kasama si V na busy sa phone niya at ngumingiti-ngiti pa. Iginala ko ang paningin ko. Mukhang wala pa iyong si Tyrone. Masyado ba akong maaga?
"Si V ata ang sadya niya." Narinig ko iyong isa sa mga kaklase ni V.
"Sino pa ba." Sigurado namang sabi ng isa. Hindi ko nalang pinansin ang iniisip nila sa aking baliw na baliw ako kay V at nakaya kong maging maaga para lang makita siya.
Nilapitan ko si V. Siguro ay hihintayin ko nalang muna total wala pa namang teacher.
"V!" Ngumiti ako sa lalakeng weirdong tiningala na ako. Malinaw kong nakita ang inosenteng mukha niyang nasisinagan ng kaonting araw gawa ng sinag na nanggagaling sa bintana.
"Ikaw pala." Ngumiti rin siya sa akin. "Umupo ka." Offer niya doon sa bakanteng upuan. Gentleman huh.
"Thanks!" Umupo ako sa tabi niya. Naamoy ko agad ang nakakaakit niyang pabango.
"Hindi ko alam na magkaklase pala tayo." sabi niya. Umaatake na naman ang pagiging lutang.
"Nope! Hindi talaga tayo magkaklase!" Tumawa ako. "I'm just here to see you! Di kita nakita kahapon e."
Nagkasalubong ang kanyang kilay. Para siyang nag-iisip ng kung ano.
"Uhhh..."
"But it's okay! I know you're busy. Ang mahalaga nakita na kita ngayon. Kaya nga pumasok ako ng maaga para machempuhan kita!" Palusot ko na unti unting ikinahinahon ng mga kilay niyang magkasalubong kanina.
Ngumiti siya sa akin. "Buti naman at pumasok ka ng maaga. May pinsan ka sigurong tagagising sa'yo. Naninira ba ng gamit?"
This time, iyong kilay ko naman ang nagkasalubong. May pinsan akong ganoon pero hindi naman nakatira si Celina sa bahay namin. At wala iyong pakialam sa akin kung gumising man ako ng maaga o late. Baka nga iwan pa ako noon at papasok ng mag-isa. Ganoon siya ka walanghiya.
Tumango nalang ako at natawa ng peke. Natawa narin siya. Bumabalandra sa akin ang perpekto niyang mga ngipin at ang labi niyang naghuhugis kahon dahil sa pagtawa. He's so cute!
"May gorilla ka rin palang pinsan!"
O-Okay? Wala akong ediya sa pinagsasabi niya.
Nagsidatingan na ang ibang estudyante. Iyong iba ay halatang nagulat pa dahil nandito ako pero iyong iba naman ay hindi na nagreact dahil may ediya na kung ba't nandito ako.
"Miss Enriquez. Why are you here?" Puna sa akin ng maestrang pumasok. Napabusangot agad ako. Papasok ba iyong baklang iyon? O baka naman late!
"You're going to be late in your class, Miss." sabi nito na nakatingin na sa relong suot niya.
Tumayo ako, nakasimangot. Kainis!
Nagpaalam nalang ako kay V. Kakalabas ko lang ay nabangga na naman ako sa biglang pumasok. s**t lang talaga!
Magtataray na sana ako kung hindi ko lang narinig ang pamilyar na malanding boses ng isang lalakeng nagpupumilit maging babae.
"Ouch! Ang dibdib ko!" Maarte niyang hawak sa dibdib niyang akala mo naman meron.
"Wala kang dibdib." Deritso kong sabi kahit na titig na titig ako sa mukha niya at nahihypnotize sa ganda ng mata niya.
Napangiwi siya. "Nagdadalaga palang ako. Iyong n*****s ko palang ang namumukol." sabi niya at nagawa pa akong irapan pero maya maya ay natawa rin. "Sorry! Nagmamadali lang." Nakangiti niyang sabi pero nang makita ako ay napakurap agad.
"Teka, ikaw rin diba iyong nabangga ako kahapon? Balak mo atang araw-arawin ang pagiging tanga ah!" Natatawa niyang sabi na mukhang naalala na ako. Hindi ako naiinis dahil tinatawag niya akong tanga! Naiinis ako dahil kahit pumipiyok ang boses niya at napakalandi ng tawa niya, naiinis ako kung ba't ang gwapo niya parin! Kung bakit naaakit akong titigan nalang iyang mga mata niya! At ang mas ikinaiinis ko ay wala man lang akong epekto sa kanya ni katiting! Siguro kung normal itong lalake ay baka natulala na ito sa akin at halos hindi na makapagsalita. Pero itong baklang ito ay nagawa pa akong tawanan at pagsabihan ng masama!
"Uy sige na. Papasok na ako. Kailangan ko pang lumandi sa crush ko." halos bulong niya sa akin at nagmamadali nang pumasok. Di man lang natatablan sa kabuuan ko.
Bumalik ako sa classroom na parang lutang. Kung alam ko lang na late pala ang baklang iyon ay nagpalate nalang sana ako baka sakaling nakasabay ko pa siya. Pero worth it naman, nabangga ulit ako sa dibdib niya. Infairness medyo matigas. Ibig sabihin lang noon hindi siya nagpipills! H'wag naman sana! Baka magulat nalang ako kinabukasan trans na siya!
"Ang aga mo raw kanina sa classroom nila V! Nagkukwentuhan daw kayo at ang gentleman daw ni V sa'yo. Lumelevel up ata kayong dalawa!" Balita sa akin ni Shally. Hindi na ako magtataka kung ba't nalaman niya iyon dahil alam kong may nagpakalat na naman ng kahit ano tungkol sa amin ni V.
"You're really inlove with that guy ha! Biruin mo ang always late comer na si Anne nagawang maging maaga just to see Tayden Delafuente! Ang aga mo daw sa classroom nila!" Si Sam na iniexxagerate rin ang mga bagay bagay.
"I'm sure bukas niyan nililigawan kana ni V!" Nagtilian na silang tatlo dahil sa pahayag ni Aretha. Ipinagkibit-balikat ko nalang ang lahat at pasimpleng napangiti. I can smell Tyrone's scent! Parang nahawaan ako ng pabango niya dahil lang nagkabanggaan kaming dalawa!
"She's even smiling! Malala na ang bff nating si Anne. Baliw na baliw na kay V. Let's pray for her soul." Naiiling na si Sam hanggang naghagikhikan rin sila.
"Ang bango niya." Wala sa sarili kong sabi, nawawala sa sarili at hindi matanggal ang ngiti sa labi. How I wish magkabanggaan ulit kami!
Lunch time palang ay aligaga na ako sa pagpasok ng mga gamit ko sa aking purse. Sa sobrang pagmamadali ko ay nahulog ko pa iyong gamit ko. Darn...
"What's with the rush Anne?" Si Aretha na pumulot ng nahulog kong gamit at ibinigay sa akin.
"Ililibre ko ng lunch si Tyrone." Wala sa sarili kong sabi dahil sa kakamadali ko.
"Tyrone? That gay? You mean Tyra?" Paglilinaw ni Shally, hindi rin sigurado kung tama ba ang narinig na pangalang binanggit ko.
Natauhan ako. Dahan dahang nag-angat ng tingin sa tatlo na nakasentro na ang buong atensyon sa akin ngayon.
"Uh..." Hinawi ko ang aking side bangs. "Well, nabangga ko siya this morning, and uh, I'm planning to treat him. Alam niyo naman, anak ako ng may-ari ng school. If Mom find this out magfe-freak out na naman iyon baka sabihin niya may inaaway na naman ako." I fake a smile, kahit alam kong masyadong nonsense ang paliwanag ko.
Sam's brow straightened. Na kahit si Shally ay napangiwi, si Aretha na nagfifake smile nalang.
"That's so new huh. Anne being mabait with others." Di kumbinsidong sabi ni Aretha na hindi mailarawan ang ekspresyon ng mukha.
Nagkibit ako ng balikat. "You know gays nowadays. Mga oa sila. I just want to say sorry." sabi ko naman na unti-unti ring nagpakumbinsi ng kanilang mukha.
"Sabagay! You know rin naman girls, Anne wants to be a good rolemodel lalo na't mabait si V. Dagdag points rin iyon sa kanya dahil for sure, V's ideal type is a nice girl." Si Aretha, talking nonsense.
Gusto kong mapikon dahil parang pinalalabas niya na hindi talaga ako mabait pero totoo rin naman kaya hindi ko na binigdeal. Isipin nila ang kanilang dapat isipin.
Pumunta rin kaming apat doon sa classroom nila V. Sakto kakalabas palang ng guro. Napailing na nga lang ito nang makasalubong ako sa may pinto.
"Totoo pala talaga ang kumakalat na balita na may kinababaliwan ang isang Anne Enriquez sa section na ito." sabi niya na ikinangiti ko lang kahit na sigurado akong si V ang tinutukoy nito. I don't mind! Sasarilihin ko muna itong nararamdaman ko sa baklang iyon dahil baka marami rin ang makisawsaw sa akin! Plus, he needs to be straight muna bago ko ipagmalaking gusto ko siya!
Pumasok agad ako. Nasa likuran ko naman ang tatlo na mas excited pa sa akin. Hinanap agad ng mga mata ko ang imahe ni Tyrone na ngayon ay nasa tabi na ng upuan ni V. Nag-uusap na ang dalawa. At itong si Tyrone ay parang baliw pa habang tumatawa at nagagawang sapakin ng marahan ang braso ni V. This slut!
Umusok ang ilong ko. Naiinis dahil sa ganyan niyang ugali.
"Omg Tyra, don't mess up with V magagalit talaga si Anne sa'yo for sure." Natatawang sabi ni Sam.
Doon lang siya natigil sa kakalandi kay V na kahit si V ay inosente ng napalingon sa akin.
Nagfake ako ng smile kunwari mabait at maganda narin at the same time kahit na nanggigil na ako sa baklang ito. Ako dapat ang nilalandi niya at hindi si V!
"Hey!" I cheerfully greeted him, nasa kanya ang tingin pero nililingon rin si V na ngayon ay tumatayo na. Alright, I think he's avoiding me.
"Tyra, Anne wants to treat you lunch kasi nabangga ka raw niya kanina?" My friend Aretha approached him first. Uminit agad ang aking ulo pero dahil nasa akin na ang tingin ni Tyrone, hindi ko magawang magtaray dahil narin sa kagustuhan kong magmukhang representable sa kanya.
"Talaga girl?" Ang pumipiyok niyang boses ang pumaibabaw sa pandinig ko. Damn it.
Tumango ako, ngumiti. Pero hindi rin nagtagal ang kanyang tingin sa akin dahil lumilipat agad iyon kay V na nagliligpit na ng gamit at paalis na. Tangina rin talaga.
"Akala ko ba sabay tayong maglalunch? Libre ko naman!" The flirt gay says. Hindi ko na talaga napigilang magroll ng eyes. Napansin pa nga iyon ni Aretha na natawa lang at inawat agad si Tyrone.
"Si Anne na nga kasi maglilibre sa'yo ng lunch. And besides," kunwari siyang may ibinulong roon kahit narinig ko naman. "Anne hates it when someone is flirting V."
Bumusangot ang mukha ng bakla. Pero ibinalik agad ang tingin kay V.
"Di ako pwede eh. Next time nalang." Ngumiti si V sa kanya. Nilingon pa kami at ngumiti rin. "Una na ako."
Tumango ako, ibinalik ang tingin sa baklang dismayado ang mukha.
"Ililibre ka raw ni Anne." pag-uulit naman ni Shally.
He sighed saka ako nilingon. "Sige na nga total wala pa akong masyadong kaclose rito."
Parang nagtwinkle ang mga mata ko. Lalo na't lumapit pa siya sa akin at iniyapos sa aking braso ang kanyang isang braso. He's purely a gay! Halatang halata sa mga kilos niya! Pero kahit alam ko namang wala iyong malisya sa kanya ay kinikilig na ako! He's hugging my arm oh my gosh!
"Uy bagay kayo!" Sam laughs at us. "Kung hindi lang talaga baliw si Anne kay V at hindi ka bakla siguro may chance na maging kayo!" she added.
Mabilis ang pagbitaw ng kamay ni Tyrone sa akin, naniningkit ang mga mata. "Baliw ka sa crush ko?!" he said in a high pitch voice. I'll seriously slap Sam later for being such a talkative!
"Lahat naman siguro crush si V." I reasoned out. "Gwapo niya kaya!"
Imbes na sumang-ayon, nagawa pa nitong humalukipkip sa aking harapan, nakataas ang kilay at matalim ang tingin sa akin.
"Karibal pala kita." Nalaglag ang aking panga sa sinabi niya. Iyong tatlo naman ay tumatawa na. "Yep, Tyra! Karibal mo siya!" dagdag ni Aretha na akala nila ay biro lang ito pero deep inside nanggigigil na ako sa kanilang tatlo.
"May dibdib at hiyas ka lang naman. Iyon lang ang lamang mo sa akin." Pagtataray niya saka ako inirapan at nagwalk-out. I was so pissed off. Sumusobra na iyong pagpe-feeling girl niya!
Tawang tawa ang tatlo. Sa sobra kong inis ay iniwan ko sila roon at dumeritso sa Yoonmined. Gusto ko tuloy maghagis ng gamit dahil sa sobrang inis. Ganoon ang epekto ng baklang iyon sa akin!
Ilang araw rin akong hindi pumunta sa classroom ni V dahil sa inis ko roon sa baklang iyon. Nagawa niya akong tarayan! Feeling ko tuloy brokenhearted ako kahit hindi naman.
It's already lunch time. Katulad ng nakagawian ko ay dumeritso agad ako sa Yoonmined. Pagkapasok ko roon ay may iilang bumati sa akin. Lunch na kaya siguro may mga estudyante ring naririto. Pero hindi ko alam kung saang University sila.
Umupo ako sa pangdalawahan. Medyo malapit nang mapuno. Iginala ko ang tingin. May mga nakita akong mga picture frames ng lalake sa pader. Hindi ko nalang iyon masyadong pinagtuunan ng pansin at inabala ang sarili sa menu.
May lumapit na waiter sa akin. Kinuha niya ang mga order ko saka ko ulit itinuon ang atensyon sa labas. It's a transparent glass wall.
"Uhm, pwedeng umupo?" Napatingin ako sa babaeng ngumiti sa akin. I nodded at ibinalik muli ang tingin sa labas. May mga estudyanteng pagala gala roon. Pero may bukod tanging estudyante ang hindi nakaligtas sa paningin ko. Nagulat ako nang naglalakad ito papasok sa Restaurant. Sa sobrang pagkataranta ay binalingan kong muli ang babaeng nasa harapan ko na at namimili ng menu.
"Umalis ka diyan may uupo diyan." sabi ko na ikinakurap niya.
"Ha? Ang sabi mo wa--"I said leave!" Halos pabulong pero gigil kong sabi. Mabilis naman itong napatayo at mukhang natakot sa pagsiklab ko. Tumikhim ako. Inayos ang sarili at nagkunwaring nasa labas ang tingin.
I can feel my heart beating harshly. Ilang araw ko lang naman itong hindi nakita pero ganito na ang kabog ng dibdib ko. Na pag hindi ko ito hahawakan ay sasabog ako rito sa kinauupuan ko. Nakikita ko siya sa gilid ng mga mata kong naghahanap ng mauupuan. Gusto ko na itong sigawan na bakante itong nasa harapan ko pero nang maglakad siya patungo sa akin ay halos manikip na ang dibdib ko. To think na nag-inarte pa siya akin noong isang araw. I can't breathe oh my gosh!
"Girl..." Malambing nitong tawag sa akin. Okay... bakla talaga siya magsalita. Fine! Bakla talaga siya! Pero mukhang hindi na siya galit o baka naman nakalimutan niya lang. I don't know...
Pasimple akong lumingon sa kanya. Napaawang ang bibig ko nang makita ko siya nang malapitan. He looks so manly on his uniform. Kung hindi lang talaga pumipiyok ang boses niya at nagiging malambot ang kilos ay masasabi ko talagang perpekto siyang nilalang!
"May kasama ka ba?" Maarte parin nitong tanong. "Where's your friends?"
Umiling ako. "Uhm, wala. Nasa cafeteria ang tatlo." I smiled cutely.
Lumiwanag ang kanyang mukha. "Ay mabuti naman! Salamat." Ngumiti siya sa akin ng matamis. Napasinghap ako roon. This is a torture! Dear God! Kung ginawa niyo naman palang bakla ang crush ko, sana ginawa niyo narin akong lalake! Papatulan ko siya! Itakwil man ako sa lahi namin ay payag ako!
Hindi ako makalma sa upuan ko. Gumagala ang tingin ko sa iba't ibang direksyon pero nahuhulog parin iyon sa labi niyang kinakagat kagat niya habang namimili sa menu. Nang magsawa siya sa kakakagat ay hinawakan niya na iyon at pinisil-pisil. I almost lost my sanity staring at him. Kailangan ko pang inumin ang isang baso ng tubig para lang talaga mahimasmasan ako.
Napatingin siya sa akin, mabilis akong nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko ang dahan dahang pagbaba ng tingin niya sa dibdib ko. s**t! Are you turning into a guy now?!
"Malaki ang dibdib mo. Balita ko flatchested raw ang gusto ni V eh. Diba baliw ka roon?" tanong niya sakin na ikinamatay ng katiting na pag-asang hinawakan ko kanina na baka ay nagiging lalake na ito. And where the f**k did he get that kind of information?
"Ikaw rin naman diba, crush mo siya." Natatawa kong sabi.
"Oo eh. Sa ating dalawa mas may pag-asa ako." Hinimas niya ang kanyang dibdib. "Flatchested!" Pagmamalaki niya na halos isigaw iyon rito. Nalaglag ang aking panga. May mga napatingin pa sa amin rito.
"Pero balita ko ang close niyo raw! Nakalap ko sa school." Nagulat ako nang bigla niya nalang inilapit ang mukha niya sa akin. Sa sobrang lapit ay napugto ata ang hininga ko ng ilang sigundo. "Totoo ba?" seryoso niyang tanong.
"Hmm, yeah." I lied. Bakit ba! Gusto ko lang magpasikat.
"Uy talaga! Ireto mo naman ako! Kahit sabihin mo lang na mabait ako. Gusto ko rin siyang makaclose eh! Sige na." Inabot niya ang kamay ko at hinawakan. Para akong napaso. Ramdam ko ang kuryente sa pagitan namin at mukhang ako lang ata ang nagbibigdeal. His eyes were sparkling. It's like he's looking at the stars in the sky. Mukhang hulog na hulog na siya sa pagfefeeling babae niya.
"Hindi pwede. Bawal kang magkagusto sa kanya." Wala sa sarili kong sabi habang titig na titig sa kanya. Ang nakangiti niyang labi ay agad na napalitan ng iba. Ngayon ay nakabusangot na ito.
"Ang lalake ay para sa babae. At ang babae ay para sa lalake." I look at him instensely. "Babae ka ba?" I mouthed slowly making his brows furrowed.
Binitiwan niya ang kamay ko at humalukipkip sa upuan niya. Hinawi niya pa iyong buhok niya kahit wala naman siyang bangs at umirap. Gusto ko siyang lapitan at yugyugin para gisingin ito sa bangungot niya. Lalake ka! Ba't hindi mo buksan iyang zipper mo nang makita mo ang tunay mong kasarian! Damn it.