4

2416 Words
Romantic way Panay ang irap niya sa akin. Ni hindi niya ako matignan ng matagal. Nagsisisi tuloy ako kung ba't sinabi ko pa sa kanya iyon. Ganoon na ba talaga siya kabaliw? "Wala bang salamin sa inyo? Look at you. You're a guy. Tapos lalake rin ang pinapangarap mo." Tinaasan ko siya ng kilay. "Correction. Babae ako. Babae. I'm just trap in this male body." Maarte niyang sagot na ikinakulo ng dugo ko. Babae rin ako! At hindi namang pwedeng feeling babae rin ang gusto ko! "Do you think magugustuhan ka ng gusto mong lalake? Where's your brain?" Iritado ko nang sagot sa kanya. Naiinis na ako at gusto kong magising siya sa katotohanang iyon! Umikot ang mga mata niya. Walanghiya rin talaga ang lalakeng ito! Ginulungan niya ako ng mata habang nakahalukipkip! Ang taray taray! "Alam mo kung naging lalake ako at ikaw nalang ang bukod tanging babae sa mundong ito, mas pipiliin ko nalang sigurong magpakabakla nalang." Marahas siyang tumayo, inirapan akong muli at nagwalk-out. Okay... Naging mean ako sa kanya at naging mean siya sa akin. Gosh Anne Enriquez! Mas babae pa sayo ang baklang iyon! Siya pa itong may ganang magwalk-out! That day, I promised to myself na itutuon ko na talaga kay V ang atensyon ko. Ayoko na sa malditang baklang iyon na sinabihan akong mas magpapakabakla nalang siya kaysa patulan ako! Like what the hell is wrong with him?! Nakakainis rin naman kasi siya! Everyday, panay ang pagpapapansin ko kay V. Ako lang ang bukod tanging babae ang nagagawa noon sa kanya. Wala nang iba. Lahat rin naman sila ay nagbaback-out dahil sa takot sa akin. Just get over with that gay and love V. Pagkatapos ng sagutan namin sa Restaurant, napapansin ko na ang pang-iirap niya sa akin. Na sa tuwing pumupunta ako sa classroom nila V, mahuhuli ko siyang iniirapan ako at ngumingiwi. Sa lahat ng estudyante rito, siya lang ang nakakayang gumanyan sa akin! Kung hindi ko lang talaga iyan gusto, baka inabangan ko na yan sa labas at sinabunutan. Sa sobra kong inis sa pagtataray at pangdededma niya sakin, mas naudyok akong landiin si V. Gusto kong ipamukha sa kanya na imposibleng maging sila ng lalakeng gusto niya. Na imposibleng magkagusto ang isang Tayden Delafuente sa kanya. "V!" Masaya kong tawag sa kanya pagkapasok ko. I saw how Tyrone frowned. Hah! Ang inosenteng si V, ngumiti naman agad sa akin. "Anne." "Uhm, free ka right now? Gusto ko sanang sumabay sa'yo maglunch eh. Kung okay lang?" I said merilly. Nagawa ko pang ngumiti ng matamis para lang sabihing cute ako. Yuck! Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya. s**t. Ano ba talagang problema ng lalakeng ito? Ang kulang nalang ay ioffer ko sa kanya ang buong sarili ko! Hindi kaya ay kauri rin ito ng baklang si Tyrone kaya ilap rin sa akin? "Sorry pero ano kasi, hindi pwede." Mahinahon niyang sabi na ikinalungkot ko kunwari. Baka kasi matablan. Halatang maaawain eh. "Wala akong kasama. Nauna na iyong friends ko." Just this once! Please naman! H'wag mo akong gayahin sa baklang tinanggihan mo rin! Tila nag-isip ito hanggang sa napangiti ito bigla. Nilingon niya si Tyrone na agad naman siyang tinamisan ng ngiti. Aba't! "Total wala pang masyadong close friend si Tyra dito, kayo muna ang sabay maglunch. Di kasi talaga ako pwede eh. Sige!" Kinawayan ako ni V. Nagmamadali nang umalis. Napabusangot ang mukha ko. Imbes na inggitin ang baklang ito ay hindi ko nagawa ng buo dahil sa pagtanggi ni V sa akin. What's wrong with that weirdo?! Humalakhak si Tyrone. Halatang nang-aasar ito. "Anong pinagkaiba natin ngayon? Babae ka nga pero nagawang tanggihan ni V." He burst into laughter even more. Napahalukipkip ako, tinaasan siya ng kilay. "He's just busy! Magsasabay rin kami ng lunch. I know he can't say no to me! And besides, compare naman sayo, mas decent kung ako ang kasama niya. Unlike you, feeling binabae!" "Tama nga talaga ang bali-balita na kay V ka lang mabait pero pagdating sa iba bruha ka! Hinding hindi magkakagusto si V sa'yo dahil mga mababait ang type niya!" He snap back. Naasar agad ako sa sinabi niya. Sumusobra narin talaga ang baklang ito! Purket gusto ko siya hindi ko palalampasin itong pagmamaldita niya sa akin! "At mas imposibleng type ka niya kasi parehas kayong may!" Tiningnan ko ang kanyang gitna. Nalaglag ang panga niya roon at mabilis iyong tinakpan. Namula ang aking pisngi pero sinisikap na magmukhang mataray parin. "Bastos kang babae ka!" Ganoon palagi ang nangyayari sa amin ni Tyrone. Nagbabangayan kami dahil kay V. Palagi kaming nag-aaway dahil parehas rin kaming tinatanggihan ng lalakeng iyon. Nacucurious na nga ako kung hindi ba sapat ang ganda ko o bakla talaga itong si V. Kaso parang malabo naman. Dahil kung bakla siya, dapat pumapayag siyang makasama si Tyrone. Kaso kahit iyong bakla na iyon ay tinatanggihan niya rin. Pero in a friendly way. One day, I saw Tyrone walking with his girl friends. Mga kaklase niyang babae na nagiging close niya na. Sabagay, he's friendly. Sa sobra niyang friendly ay nagagawa niya pang icling ang kamay niya roon sa isa. Sa sobrang inis ko ay dumaan talaga ako sa gitna kaya marahas siyang napabitaw roon sa babae. Napatili ang overacting na malanding si Tyrone. He looks very pissed lalo na't nagagawa niya nang hawiin ang imaginary bangs niya. "Oopse." I smiled naughtily. "Hoy Annebruha! Ang laki ng daan sisisiksik ka! Akala ko kay V mo lang isisiksik ang sarili mo pati rin pala rito!" galit niyang sabi na agad ko ring ikinaasar. I just can't take his words! Masyado iyong masakit! Ganoon ba talaga magsalita ang mga bakla? Masyadong mean! Walang nangahas na magsalita sa iba niyang friends. Ni ang pagtitig sa akin ay hindi nila magawa. "If I see you girls hanging out with this gay!" Itinuro ko si Tyrone na laglag panga naman agad. "I'll seriously kick you out!" Pagbabanta ko saka ako naglakad paalis. I even heard Tyrone complaining pero isang ngisi lang ang ginawa ko. Kailangan ko paring bakuran ang baklang iyan. Kumalat ang balitang kinalaban ko si Tyrone. Na nagalit ako rito dahil may crush rin ito kay V kaya kahit ang mga napapalapit rito ay inaaway ko. Ganoon kabaliw ang tingin ng lahat sa akin kay V na pakiramdam nila ay kaya kong gawin ang kahit ano. "Good morning!" Bati ko kay V nang mamataan ko siyang naglalakad sa hallway. This is how early he was. Maaga rin ako dahil nga pinagagalitan na ako ni Mommy. Ba't daw ako always late. Ngumiti siya sa akin, parang isang sanggol na kakaanak lang. "Good morning." V's face is really surreal. Gwapong gwapo ako sa kanya pero hindi naman to the point na kaya ko rin siyang magustuhan katulad ng gustong nararamdaman ko kay Tyrone. I really don't know what's the difference between them. Siguro dahil kay Tyrone ako unang naattract? Pero hindi ko rin naman kasi maintindihan itong si V. "Balita ko nag-aaway raw kayo noong kaklase kong si Tyra." Panimula niya. Wow, he knew! Akala ko kasi nasobrahan na ito sa pagiging lutang. Parang walang alam sa paligid. "He's annoying V. Palagi niya akong pinagsasalitaan ng masasakit!" Nagpout ako. "Katulad ng?" "Na malaki raw ang boobs ko!" Napakurap siya. Tiningnan ang aking dibdib saka nag-angat ng tingin sa akin. "Sakto lang naman ah?" O-Okay. This is so weird. Bakit ba ganito ang pinag-uusapan namin? Pero parang wala lang iyon sa kanya. O masyado lang talaga siyang absentminded at hindi niya alam na ganoon na ang topic namin? "You like flatchested girls raw kasi! And he even told me na kaya mo raw ako hindi gusto dahil maldita ako!" Nagpout ulit ako. He chuckled. Nagawa niya pang ifist ang kamay niya at ilagay iyon sa kanyang bibig habang tumatawa. Para tuloy siyang inuubo dahil sa gesture niya but he looks so cute darn it! Bago pa man ito makapagsalita ay may pumaibabaw ng pumipiyok na boses sa aming likuran. Tinatawag ang pangalan ni V. Nilingon namin siyang dalawa. Imbes na mapabusangot ako dahil alam kong hindi ko kasundo ang baklang iyan, natigilan ako nang makita ang hitsura niya. He was wearing a bonet with a headset on his both ears. Nakasabit sa kanyang isang balikat ang suot na bag habang ang isang sling ay hindi niya isinuot. Dahil narin sa pagtakbo niya kaya siguro nalaglag. Pero s**t lang! Iyong mukha niya sa umaga! His messy hair is quite showing! And even the two bottons on his polo were unbottoned! How can a gay like him look so f*****g hot early in the morning? "Sabi ko na nga ba maaga ka! Buti nalang talaga hindi ako masyadong nag-ayos!" Hingal niyang sabi, medyo napapangisi pa. Natulala ako sa kanya. Kung hindi lang siya bumusangot sa akin at nagawa pa akong irapan ay hindi ako babalik sa sarili ko na bakla pala itong nasa harapan ko. V smiled at him. "Ganoon talaga pag may masipag na pinsan." he answered. Malanding tumawa si Tyrone, dinidedma ang presensya ko. "Sabay na tayong pumasok!" Hinila niya si V paabante at iwanan ako. Mabilis rin akong humawak sa isang kamay ni V, hinila ito sa direksyon ko. "Distance! Ihahatid niya pa ako sa classroom ko!" I muttered. Naningkit ang mga mata niya sa akin. Sinisilip niya ako rito sa gilid ni V lalo na't para na kaming nag ta-tug of war dahil hawak naming pareho ang braso ni V. "Hoy may dalawa ka namang paa ah? Ba't di ka maglakad mag-isa sa classroom mo? He's not your slave!" "V is nice kaya sinasabayan niya ako sa classroom ko!" Hinila ko ng marahas si V sa kanya. Laglag ang kanyang panga dahil sa pagkabitaw niya roon. He wasn't holding V tightly that much kaya siguro mabilis niyang nabitiwan at nagpapanggap na binabae kaya kunwari walang force. "You!"  Sa sobra niyang inis, umikot siya at pumunta sa aking gilid. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila paalis roon sa braso ni V. Naramdaman ko ang magaspang niyang kamay sa aking balat. Woah, even though he's gay ay panglalake parin ang kanyang katawan! Sa sobra kong pagkatulala sa pagkakahawak niya sa akin ay tuluyan kong nakalimutan ang presensya ni V. "H'wag ka ngang nang-aagaw ng hindi sa'yo." Sabi niya sa akin. "Tigilan mo yang pagiging bruha mo." Humalakhak si V sa aming dalawa. Natutuwa siya sa pagtatalo ni Tyra habang ako rito ay para nang kinukumbulsyon sa sarili kong nararamdaman. How can he act like there's nothing bigdeal going on between us habang ako itong nahihirapan sa malaking epekto niya sa akin! This is so frigging unfair! "Hatid mo nalang siya Tyra, total magkagalit kayo. Para naman magkabati na kayong dalawa." Suhestyon ni V na mabilis na ikinabusangot ng mukha ng maarteng si Tyrone. Nagningning ang aking mga mata pero hindi ko iyon pinahalata. "Mauna na ako sa classroom ha." Kinawayan niya kaming dalawa saka tumalikod at nakapamulsang naglakad. Naiwan kaming dalawa ni Tyrone, nakatingin sa kanyang likod. Bumuntong siya ng hininga saka matalim akong nilingon. "Kaysa naman si V ang maghatid sa'yo, ako nalang para nakakasigurado akong hindi mo siya malalandi at maaagaw sa akin!" Marahas niyang hinawakan ang aking braso, kinaladkad ako. "Ouch! Can you just be gentle!" Reklamo ko. Halos patakbo dahil sa paghakbang niya ng malaki. Like hello! Ang liit ng biyas ko kumpara sa kanya! "Ano ako lalake?! Halika dito! Pati pagpunta sa sarili mong classroom iaasa mo pa sa iba! Napakaarte mong babae ka." He keeps on murmuring while dragging me harshly. Wala talaga itong kasweetan sa buto niya eh! "You're a guy!" Pagpupumilit ko. Nakatingin sa kanyang malapad na likuran at amoy na amoy ang pabango niyang... what the heck! That's victoria secret! This gay! Biglaan siyang humarap sa akin. Sa sobra kong pagkagulat ay nabangga na naman ako sa kanyang dibdib na hindi naman kalambutan. Umangat ang tingin ko sa kanya. He was so darn cute holy s**t! No, he was so hot! "Hoy babae. Magkauri tayo okay! Magkauri! At sa near future ay magkakaroon rin ako niyan!" He pointed my breast. Okay... that's a bit awkward. Kaso bakla naman siya kaya wala siyang nararamdamang hiya. "Yuck! Magpapalagay ka ng dibdib? Yuck! What a desperate guy! Yuck!" Nagdrama akong nilalabas ang aking dila at nasusuka sa kanyang pinagsasabi. "Syempre magkakaroon rin ako niyan dahil dinadasal dasal ko iyon araw araw! Pagbibigyan ako ng Panginoon dahil mabait ako, hindi katulad mo." Umirap siya. "Yuck! God won't grant your wish no! You're a sinner! Ginawa kang lalake pero nagpapakabakla ka! Hindi ka nakokontento sa binigay ng Panginoon sa'yo!" "Dami mong alam akala mo naman pati sungay binigyan ka ng Panginoon. Aminin mo nga? Galing ka sa lupa no?" "At least babae ako! May chance na magkagusto sa akin si V." Hinawi ko ang mahaba kong buhok na may curly hair sa dulo. "Unlike you. Gay!"  Nasira ang kanyang ekspresyon. Marahas na namang hinila ang aking braso at kinaladkad ako. He's so mean! Wala pang nakakahawak ng ganyan sa akin! Siya lang talaga itong may makapal na mukhang ganituhin ako! Hindi na ito nagsasalita. He was just dragging me silently. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga yapak namin at ang puso kong kumakalabog dahil lang hinahawakan niya ako in a mean way nga lang. I silently smiled. Nakontento ako sa maliliit na pag-aaway at pagtatalo namin ni Tyrone. Iyon lang rin ang way na magkakainteract kaming dalawa. He hates me because I am liking his crush. "Grabe no. Tyra got the nerve to fight you!" Sam laughed. Nasa cafeteria kaming apat. "We're close nga eh." Si Aretha na mabilis kong sinamaan ng tingin. "You're close with that gay?!" Halos tumaas ang volume ng boses ko. Lahat ng estudyante ay natatakot na sa akin. I'm always at my worst how can they like me?  "C-Chill Anne. Hindi ko na 'yon pinapansin eh kasi alam kong magkaaway kayong dalawa." She explained, namumutla na dahil sa pagsiklab ko. Inangat ko ang tinidor na hawak. Pinaglaruan ko ang carbonarang naroon at inikot ikot. "You know what I can do Aretha. Be careful..." Pagbabanta ko sa kalmadong boses ngunit matalim ang tingin "You're overeacting Anne." Tumawa si Shally na ikinataas ng kilay ko. Natutop agad iyon. "I mean hindi naman sila close ni Aretha! Feeling lang talaga iyan kasi nakasabay niya ito once sa gate noong nalate siya. Inapproach lang siya ni Tyra para sabihing bruha ka raw. Bukambibig ka ni Tyra at pinagsasalitaan ka ng masama. Pinagtanggol ka pa nga ni Areth." She explained. Kumalma ang aking ekspresyon. Kumurap-kurap ako. "Bukambibig niya ako?" Tanong ko na mabilis na ikinatango ni Aretha. "Yes! At pinagtanggol kita!" Pagmamayabang niya. As if I'm interested. Napangisi ako at isinubo iyong carbonara. Talaga? Bukambibig niya ako? Iyon nga lang ay puro naman bad things ang pinagsasabi. But that's okay! At least ang pangalan ko ang lumalabas sa kanyang bibig at ibig sabihin lang niyan ay iniisip niya rin ako! My poor heart... someday, that gay will surely think of me the way I think of him. In a romantic way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD