Transferee
I'm in the verge of moving on, or just go with the flow where my feelings are taking me. Alright Anne, come to think of it... first year high school ka palang naman. You're not inlove. May gusto ka lang naman sa baklang God knows where he was right now at sa pagdaan ng araw ay mas nabibigyan ko na ng pansin si V. It's like my heart just twisted and suddenly like him. Pwede ba iyon? Sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko iyong baklang kaibigan niya kaya may kung anong nadedevelop sa loob ko. Sa bawat pagsunod ko sa kanya, sa halip na kulitin siya tungkol sa crush kong mas babae pa ata sa akin ay iba na ang kinukulit ko.
"Save your number." Inilahad ko sa kanya ang cellphone ko nang mamataan ko siyang muli sa hallway, mag-isa at naglalakad na naman.
Nagkasalubong ang kilay niya. "Bakit?"
"Uhm, because I wanna text you when I get home? When I'm hungry? When I want someone to talk to? Gusto kitang katext yun lang." I smiled sweetly at him. Pabalik balik pa ang tingin ko sa hawak na cellphone at sa mga mata niyang nakakaakit. Balita ko, pati ang mga pinsan niya ay mga gwapo raw. Lahat daw ng lahi nila ay biniyayaan ng perpektong imahe.
"Sorry pero hindi pwede." sagot niya sakin na ikinabusangot ng mukha ko. Ang rami namang bawal!
"Naalala mo na ba iyong kaibigan mong bakla?" Umiling siya. "Then save your number. Itext mo ako kung naalala mo na." sabi ko na mukhang ikinakumbinsi naman ng mukha nito at isinave iyon.
V is quite weird to be honest. Pakiramdam ko may sarili siyang mundo niya. Kung hindi talaga ito gwapo ay hindi ako magkakacrush sa kanya. Ang creepy kaya ng ganoong mga lalake! Parang patungo na sa Mental.
I got his number. At nang malaman iyon ng tatlo ay nagtitili na sila. Sa sobrang lakas ng mga boses nila ay kumalat na iyon sa iba't ibang estudyante. Nafilter na rin at naissue na naman na nanghingi raw ako ng number ni V at ako itong patay na patay sa kanya. Patay na patay ba ako? Okay, he's handsome... mabait... masiyahin... and weird. I like him, just that. Paano ba naman kasi, sa tuwing nakikita ko siya ay sumasagi agad sa utak ko ang imahe ng baklang iyon! Fo pete's sake mind, think like a normal person! Stop filtering someone in your head!
"Hindi parin ba kayo ni V?" Aretha suddenly asked me when we're in the library. They're busy scanning some books while I'm busy scanning on my f*******:. Trying to find that--
"Feeling ko may girlfriend na 'yon." Napaangat ako ng tingin kay Shally. Nang mapansin niya ang pagkasira ng ekspresyon ko ay napakurap agad siya.
"He has no girlfriend. Imposible. Bakla kaya 'yon." Wala sa sarili kong sabi. Natigilan silang tatlo. Laglag ang mga panga.
"What?! V is f*****g gay?!" Parang nakalunok ng mikroponong sabi ni Sam sanhi para lingunin kami ng iilang estudyante pati narin ang librarian. Darn it.
Gusto kong supalpalin ang bibig niya. "No, of course! Iba ang tinutukoy ko!" Pagbawi ko. Kumalma rin naman ang ekspresyon ng tatlo.
Pero napaisip ako sa tanong ni Aretha. Ba't kaya ako tinatanggihan ni V? I mean come to think of it, maganda ako! Anak ng may-ari ng school! Tapos may maipagmamalaking katawan! Pero ba't kung tingnan niya ako ay parang ang plain ko lang?
Iyon ang bumagabag sa akin buong araw. Either hindi niya ako type o may girlfriend siya. Iyon lang talaga ang naiisip ko. Hindi naman sa masyado na akong desperada sa kanya, pero good catch rin naman kasi ang lalakeng iyon. Kung magkakaboyfriend man ako, bahala nang hindi mapasaakin iyong bakla basta iyong katulad naman ni V ang makuha ko.
Kinalimutan ko ang paghangang nararamdaman ko sa lalakeng bakla na iyon at itinuon ang buong atensyon kay V. Ang kumakalat na balitang patay na patay ako sa kanya, na may gusto ako sa kanya ay gusto ko nalang totohanin. It's like I'm twisting my own heart just to get over that gay and focus with V. My poor heart...
Bago pumasok sa sarili kong classroom ay sinadya ko muna ang ang classroom ni V. Tinext ko ito na nasa labas ako at kung pwede ay lumabas muna siya. Sinilip ko siyang muli sa pintuan. I saw him looking at his phone, ilang sandali lamang ay napunta na ang tingin niya rito sa akin. Mabilis akong ngumiti at kumaway. Nailing ito pero tumayo rin para puntahan ako rito.
Tumayo ako ng tuwid at hinintay ang paglabas niya. Nagawa ko pang ayusin ang uniporme ko. Kahit ang buhok ko ay sinuklay ko gamit ang aking daliri. Iyong dulo lang naman ang pinacurly ko. I don't wanna cut it yet kahit na mahaba na. Bagay kasi sakin ang long hair.
Bumukas ang pinto. Lumabas roon si V. Mas lumaki ang aking ngiti.
"Anong kailangan mo?" Sumandal siya sa pintuan, nakapamulsa at nakaharap sa akin. Napanguso ako. Naalala ko iyong tindig ng baklang iyon. Tangina lang talaga Anne. Why are you thinking about him?
I shook my head, trying to erase that thought. Nagayuma ba ako?!
"Ihatid mo naman ako sa classroom ko." I said, pouting.
Napakurap siya. "Nakalimutan mo ang classroom mo?"
"Nope, of course not! Gusto ko lang na ihatid mo ako!" Ngumisi ako. Tinabihan ko siya at ipinulupot ang kamay ko sa kanyang braso. It's not bad having a crush like V. Para akong dinuduyan sa ere sa tuwing nakikita ko siya.
"Sige." pag-sang ayon niya sa gusto ko. I smiled merilly. Ang daling kausap naman ata ng lalakeng ito?
Habang naglalakad kami ay nakapulupot ang kamay ko sa kanya. Noong may crush ako noong Elementary ako ay pinapahid sundo ko rin ito sa akin, pumapayag naman.
May mga estudyanteng napatingin sa amin ni V habang naglalakad kaming dalawa. Ngayon sigurado akong mas kakalat ang issue na may kung ano sa amin. Okay lang naman sa akin. Ewan ko nalang kay V.
"Sino ba iyong tinutukoy mong kaibigan ko na bakla?" Panimula nito.
Napasimangot ako. "I just saw him here. Isinigaw niya ang pangalan mo. Mukhang ikaw ang sadya niya rito kaya nag-assume ako na magkaibigan kayo."
"Hindi ko talaga maalala..."
"Okay lang." I smiled a bit.
He was silent after our small talk. Kahit ako ay tahimik narin at wala nang masabi. Natatanaw ko narin na malapit na kaming dumating sa classroom ko.
"Oo nga pala..." Napalingon siya sa akin. "How do you find me V?" My eyes settled on his eyes. This guy looks like painting seriously... wala ka talagang makikitang kapintasan sa kanya.
"Uh... babaeng maganda?" Tila hindi ito sigurado sa sagot niya. "Hmm... ano pa." Iginala ko lalo ang tingin ko sa mukha niya. Nakukuha ng labi niya ang atensyon ko sa tuwing nagsasalita siya. The way he licked his lower lip and smiled like an innocent young boy.
"Kaibigan ko." dagdag niya na may ngiti sa labi. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon sa pahayag niya sa akin.
"A friend?" I tried to sound okay pero s**t lang ha! Para nang tinutuhog ang lamangloob ko sa loob! Ang sakit naman! Nafriendzone ba ako ng crush ko na sanang lalake?!
Tumango siya. "Yes." Aba't hindi talaga binawi!
I tried to cheer myself up. Relax Anne, doon rin naman nagsisimula ang lahat e. Sa pagkakaibigan...
After that conversation we stayed quiet again, wala akong maisip na itopic. At ang tipid niya rin namang sumagot, minsan pang-out of this world pa.
I came late. Una, dahil tamad akong gumising ng maaga. Pangalawa, dahil mas gusto kong nakakahakot ng atensyon.
Pagpasok ko sa classroom, ang nagbubulung-bulungan at naghahagikhikang sina Aretha, Sam at Shally agad ang bumungad sa akin. Napailing lang ang guro nang pumasok ako at dumeritso sa desk ko.
"Isang linggo ka rin bang magiging late comer, Miss Enriquez?" anang guro na mukhang nagpipigil ng galit.
Last week kasi, late ako always. Never akong naging maaga. At least pumapasok parin ako kahit tamad na tamad akong gumising araw araw.
"Si Mommy kasi, always nagpupuyat kaya tuwing morning ay kailangan ko pa siyang ipagtimpla ng kape. Don't worry Sir, I'll tell my Mom na pinapagalitan na ako for coming late--" paliwanag ko na nagpaputla ng mukha nito. Hindi ko pa lang natatapos ang sasabihin ko ay umiiling na ito with hand gestures pa.
"Oh no, Miss Enriquez. It's okay actually. H'wag mo nalang banggitin sa Mommy mo okay?"
I nodded. Doon lang naging maliwanag ang ekspresyon niya while yung iba kong mga kaklase ay napapangiwi na pero wala namang nagtatangkang bumulong para pag-usapan ako. May magandang talent pa naman itong palad ko. Kaya nitong lumipad ng tatlong sigundo sa ere at dumapo sa pisngi ng kung sino.
Inilabas ko ang notes ko pero syempre hindi para makisali sa study session na nangyayari sa loob kundi para ipangtakip sa pagcecellphone ko.
Nasa likod ko ang tatlo na may pinagbubulungan parin. I can hear them giggling. Hindi ko alam kung ano ang topic nila at hindi ako interesado.
"Anne." Pabulong akong tinawag ni Shally. Nagpretend nalang akong walang naririnig dahil ayoko ring mabored sa nonsense nilang topic.
"Anne!" Now it was Sam calling me sabay kalabit pa. They're annoying tsk.
Nilingon ko sila, half bored and irritated at the same time.
"Yea? I'm busy with my phone." Pinakita ko sa kanila ang screen ng phone ko kung nasaan rin ang icon ng i********: ko. "I'm busy scrolling." I added.
Humagikhik si Aretha na para bang may nakakakilig sa sinabi ko. Even Sam and Shally were giggling with her. What's with these three mongols?
"Guess what Anne?" Si Sam, namumula na ang pisngi at ewan ko kung bakit.
"What?" bored kong sagot.
"May bagong kakatransfer lang sa classroom nila V!" si Shally na ang dumugtong kay Sam.
Ngayon ay palihim nang nagtitilian na ang tatlo. Naghahampasan sila at kulang nalang ay sabunutan ang isa't isa without making any noise. Nagiging talented rin talaga ang tatlong ito pagdating sa kalandian.
"Well guess what?" I smiled merrily. Pilit tinutumbasan ang nakikita kong over acting na expression nila.
"What?" sabay nilang tanong. Di nabubura ang excitement sa mukha.
"I'm not interested." Mabilis na nabura ang peke kong ngiti kanina at napalitan ng seryosong ekspresyon. Tinalikuran ko na ang tatlong napangiwi na sa naging reaksyon ko. Waste of time rin talaga ang pakikipag-usap sa tatlong iyan.
I was busy with my phone the whole class. Doon lang ako natigil noong tumunog na ang bell hudyat na lunch time na.
"Anne punta tayo sa classroom nila V! I'm sure may plano ka ring pumunta doon ngayon!" si Shally sa likuran ko. Kanina pa silang tatlo, masyadong hyper doon sa sinasabi nilang bagong transfer. Late enrollee ata.
"Okay." sabi ko nalang kahit hindi nasagi sa utak ko na puntahan si V sa classroom nila. Like I'm not that into him na hindi makokompleto ang araw ko kung hindi ko siya nakita ngayon.
I picked up my things saka ako sumama sa tatlong parang naasinan na mga kiti-kiti. Gaano ba kagwapo iyang pinagkakaguluhan nila at ganyan sila makareact?
"Buti nalang talaga hindi interesado si Anne na new transfered student kung hindi ay mag-aadjust talaga tayo!" Si Sam
"Oo nga! Buti nalang at kay V siya baliw! Halos lahat kaya ng students dito ay iniiwasang magkacrush kay V! Takot kay Anne!" Si Shally na tumatawa na.
Why am I surrounded with annoying people? Sobrang hyper at maiingay!
"Dalhin mo nga 'to Sam. Nangangalay na ang wrist ko." Reklamo ko at ibinigay kay Sam ang purse ko.
"Oy sure!" She even smiled at me.
"Ako na magdadala ng phone mo Anne baka nabibigatan ka rin." Si Aretha na nagprepresinta narin.
"It's okay." sabi ko. Tumango siya at bumalik ulit sa pakikipagdaldalan sa dalawa about that guy they're talking about. Ako lang ata ang hindi interesado.
Hindi palang kami tuluyang nakakalapit sa classroom nila V ay napansin ko na ang mga babaeng nagkukumpulan roon. May iba na sumisilip sa bintana at may iba rin na nandoon sa pinto. I wonder sino ang sadya nila. Si V o iyong pinagkakaguluhan rin nitong tatlo.
"Anne is here everyone!" Diklara ni Sam na ikinatigil ng mga estudyante. Napalingon sila sa aking lahat at unti unti nang nagsisialisan. I didn't say anything tsk.
Nag-apir agad ang tatlo at tuwang tuwa dahil wala na gaanong estudyante sa labas ng classroom. Seriously...
Nag-unahang pumasok ang tatlo at mukhang pinagkaguluhan na iyong new transferee sa armchair nito. Iyong mga babaeng estudyante ay napatingin pa sa akin sa may pinto saka nilingon ang armchair ni V. It's empty. Nasaan ang weirdong iyon?
Nilingon ko ang tatlong tinatakpan ang lalake sa paningin ko. Nakikipagkilala sila doon dahil nasulyapan ko pa si Aretha na kinakamayan ito. Iyong mga boses nila ang nangingibabaw.
"Bff kami ng may-ari ng school na ito! Si Anne Enriquez!" I heard Shally.
"I'm going. Wala dito si V." sabi ko nalang sa tatlo para makaalis na ako. Tumalikod na ako. Di ko na aayain ng lunch ang tatlo dahil alam kong wala rin silang balak kumain ngayon.
"Teka Anne! Ayaw mo bang makilala si Tyrone?" Si Sam
"Sa inyo na." sabi ko at umalis na. Tyrone? Hmmm, mukhang gwapo nga ang may-ari.
Naglakad na ako nang maalala ko ang purse ko kay Sam. Seriously! Kaya ang ending ay bumalik na naman ako roon.
Papasok na ulit ako sa classroom nila kung hindi lang ako nabangga ng kung sinong bwesit na may matigas na chest! Nabangga ako sa lalake!
I almost lost my balance! Mabuti nalang at nahawakan ako ng kung sino.
"Shi---" I was about to curse kung hindi ko lang nakita ang mukha nito.
"Te naman! H'wag tatanga tanga." sabi niya, natatawa akong tiningnan. Holy s**t! T-Tyrone?! Siya iyong new transferee sa classroom na ito?!
"Uhm, siya iyong may-ari ng school Tyrone-I mean Tyra." Sabi ni Shally na nakasimangot na. Nasa likuran ang tatlo kong kaibigan na parang pinagsakkuban ng langit at lupa.
Ibinalik ko ang tingin ko kay... Tyrone. That name fits him more kaysa doon sa err Tyra? What the heck.
"Uy girl humihinga ka pa ba?" He even snap his finger infront of my face! This gay!
Kumurap ako. Tumayo ng tuwid. Binitiwan niya naman ang kamay ko. Napatingin ako sandali sa tatlo na nagmamouth ng "Bakla ang gwapong nilalang na nasa harapan ko." I know girls. And guess what?! Ito yung baklang hindi ko maalis alis sa utak ko nitong nagdaang araw! Tapos makikita ko dito sa classroom ni V! This flirt!
"Girls alis na ako!" Sabi niya sa tatlo saka ako nilagpasan. Wala akong reaction the whole time! Nawiwindang parin ako!
Nilapitan ako ng tatlo. Nakasimangot at wala na iyong excitement kanina.
"Sayang siya Anne! Tinawag naming Tyrone tapos nagulat nalang kami nang biglang pumilantik ang kamay at pinagsabihan kaming Tyra daw ang pangalan niya." Nanghihinayang na si Sam.
"Kung kailan may gwapong lalake na single kaso bakla naman!" Si Aretha na hindi narin maipinta ang mukha
"Buti talaga at hindi ka interesado sa lalaking iyon. Baka natulad ka rin sa amin." Naiiling na si Shally.
Damn it! Bakit ba naging bakla ang lalakeng iyon?! Sino ba ang parents niya? Gusto ko talagang magreklamo! Kakasabi ko lang sa sarili ko na magmomove-on na ako tapos ngayon ay literal talagang hinampas sa akin ng tadhana na huwag muna akong magmove-on dahil dito na siya nag-aaral at dapat munang ipamukha sa akin na imposible talagang maging kami! Eh halatang mas malandi pa iyon sa akin! For sure pinili niya talagang dito maenroll just to see V everyday!