Prologue
"Why are you putting too much make-up?"
"Because it's first day of school?" Hindi sigurado kong sagot kay Mommy na ngayon ay napangiwi na. Kanina pa ito aligaga sa akin. I don't know why she's like that.
"Come on Mom. I'm not a kid anymore okay! First year highschool na ako okay. Hindi na ako kinder." I reasoned out.
Mom's eyes sharpened at me. "For Pete's sake Anne. Highschool kana. Don't act like I have an amnesia you little brat. Noong kinder ka may sinaksak ka ng lapis sa gilid ng mata niya. Noong Elementary ka ilang beses akong napatawag sa office dahil sa mga gulong ginagawa mo. Sana naman ngayon highschool kana..." Nagkasalubong ang kilay ko sa pilit na pinupunto ni Mommy. Iniisa isa niya ang mga pinaggagawa ko noon.
"Mom, kaya ko sinaksak ng lapis yung kaklase ko kasi pinakialaman niya 'yong favorite na eraser ko. At kaya rin ako napapaaway noong Elementary pa ako kasi ayokong mabully! Yun iyon." I rolled my eyes putting my lipstick again.
"Yun na nga. Sana man lang ngayong highschool kana ay umiwas kana sa mga away Anne. You're a girl! At higit sa lahat, eskwelahan natin iyang papasukan mo. Dudungisan mo ba ang apelyido ng Enriquez dahil sa pagiging brat mo?" My Mom said between greeted teeth.
Tumayo ako. Pinagpapasok ko lahat ng make-up sa purse ko. Pati suklay ay dinala ko narin. Nakakasira ng umaga itong ina ko. I'm not into troubles! Sadyang lapitin lang talaga ako ng away.
"Fine, fine. I'm going to be late na. Pasok na ako. I love you!" Hinalikan ko siya sa pisngi at deri-deritso na ang labas sa kwarto. Nakuha niya pang sumunod sa akin at may kung ano anong habilin.
Pumasok ako sa van. Ito ang magiging hatid sundo ko. How I wish may sarili na akong car. Pero I'm too young for that.
Ipinagpatuloy ko ang pagmimake-up. I already know how to put a light make-up on my face. Thanks to youtube tutorials.
I am very excited kasi first day of school. At mas excited ako dahil eskwelahan namin iyon. Ibig sabihin, teritoryo ko. Mas makakapagtaray ako, mas maipapamukha ko sa lahat na ako ang angat at ako ang masusunod. Mom was right. I've been into catfights. Mula kinder hanggang nag-elementary ako ay perfect attendance ako sa office dahil sa away na nasasangkutan ko. I'm not that pa-good girl kuno tapos nasa loob pala ang kulo. Nasa dugo rin ata talaga namin ang pagiging ganito. Because my cousin Celina, she's a warfreak too!
Pinasadahan ko muna ng huling beses ang mukha ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng eskwelahan. It was composed of 300 rooms, kasama na roon ang facilities. May malaking gymnasium at basketball court. Malaki rin ang cafeteria. This is just a high school building. May college building naman kami pero separated iyon dito.
Wearing my above the knee skirt, top with fit blouse paired with a black shoes with a 3 inch high heel, I walked inside like I own the place. Makikita sa mukha ko ang pagmamalaki. My hair has curls and I can't help not to smirked when I saw them staring at me like I'm a foreign young lady. Mom has no say with my outfits, ang sa kanya lang talaga ay ang ugali ko, na sana ay ilugar ko raw. At mukhang mailulugar ko na ito dahil nasa tamang lugar ako.
May mga estudyanteng kanya kanya nang hanap sa magiging room nila. Good thing kabisado ko na ang lugar kaya madali lang sa akin ang pagpunta sa classroom ko.
I was in my way when someone caught my whole attention. Dahil sa imahe nito ay natigil talaga ako sa gitna. Nakatayo ito habang nakapamulsa at nasa hawak na cellphone ang tingin. He's lean and tall. I like how he fixed his hair at nagkasalubong pa ang maiitim nitong kilay dahil sa pagkakairita ko kung ano pa man ang tinitingnan niya sa cellphone. May nakasalampak na headset sa mga tenga at may bonet na suot sa ulo. He's not wearing a shool uniform. Mukhang hindi ito nag-aaral dito. Siguro may hinihintay lang. Hindi ko alam kung ilang sigundo ko siyang tinitigan, appreciating his perfect image. Wow...
Napatingin ito sa akin. I cutely smiled at naglakad patungo sa kanya. Naglakad rin ito papalapit sa akin. I can feel my heart beating faster. Nagwawala ito dahil narin sa excitement. I was about to say something nang malapit na siya sa harap ko nang bigla ako nitong nilagpasan. Sa sobrang gulat ko ay nilingon ko ito. And there I saw him stomping his foot while giggling. T-Teka?
"s**t ang gwapo talaga ni V Tayden!" I heard him say. O-Okay? Ba't ganyan siya magsalita? He's a... g-gay?