5

2434 Words
Girlfriend It was Valentines Day. Ibig sabihin ay malapit nang matapos ang school year, malapit na ang summer. Malapit ng matapos ang pagiging Grade 7 ko pero itong feelings ko ay hindi man lang nawawala. Lumalala nang lumama sa taong palala rin nang palala ang pagiging malandi. "Magdidate ba kayo ni V?"  Aretha asked me when we're walking. Umagang umaga, iyon agad ang topic nila.  Nagkibit ako ng balikat. Gusto kong magdate kami pero itong si V masyadong... let's just say busy. It's like he has no time for me. I mean hindi naman sa kami talaga pero feeling ko may iba siyang kinalolokohan kaya ganito nalang siya sakin. Never siyang naging interesado sakin. Ni sa text ay parang hanggang kaibigan lang talaga. He's a guy. Hindi ko naman nafefeel na natotorpe lang siya. Parang wala talaga. Ni tangunin ako kung gusto ko bang maging girlfriend niya ay hindi talaga!  "Sure ako yayayain ka ni V later. Malay mo busy lang sa pagpiprepare ng surprise for you." Sam giggled like a little kid.  "I agree with that." Shally second the motion. Mas excited pa ang tatlo kaysa sa akin na hindi mahanapan ng sagot kung ba't mailap si V sa akin. Hindi ba siya attracted sakin? What's wrong with me?  "Wait... who's that?" Natauhan ako sa tanong ni Sam. Ang kanilang mga atensyon ay nasa iisang direksyon na. Sinundan ko narin iyon and there I saw someone wearing a dress. May kasama itong estudyanteng nag-aaral rin dito. Siya ang nagiging center of attraction dahil narin siguro sa look niya. She has this foreign feature and a barbie face.  Nakarating sila sa direskyon namin. Hindi lang naman kalayuan. Lumingon ito sa akin kaya inirapan ko agad at iginulong ang mga mata. "Purket naman pinagtitinginan sobrang ganda na. She's not that pretty. Ba't yan pinapasok dito?" komento ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat yung pabida. Halatang nagpapasikat lang iyan dito. "Hindi ka ba nagagandahan sa kanya Anne?" Si Aretha habang naglalakad na kami pabalik ng room. "Duh Areth! Mas maganda naman si Anne sa babaeng iyon! Para lang talaga siyang barbie. Ano ka ba, mas lamang parin si Anne 'no." Pagmamalaki naman ni Sam.  Hindi na ako nakisali sa pag-uusap nila. Kahit sa classroom ay usap-usapan iyong malabarbie kunong babae na pinsan raw ng Julie Varquez sa kabilang section.  "Girlfriend ata ni V iyong malabarbie, Anne! Si V ang sadya niya!" Biglang report sa akin ng babaeng kaklase ko na kakapasok lang. Nagkasalubong ang kilay ko roon. Ang tatlo naman ay gulat na gulat na. Including my other classmates.  "Oh my God?! Kaya pala hindi ka magawang ligawan ni V kasi may girlfriend siyang malabarbie ang hitsura!" Gulat na sabi ni Shally na ikinasiklab ko. Hindi ako nagdalawang isip na tumayo at magmartsa palabas ng classroom. Sinundan naman ako ng tatlo. I wanted to see it with my own eyes. Na may girlfriend na si V. Na may namamagitan talaga sa kanila. Kung meron edi magmove-on.  Pasugod palang ako nang makasalubong ko si Tyrone. Nakabusangot ang kanyang mukha at parang may ikinakadismaya. Huminahon ako sandali at huminto sa kanyang harapan. Nagkunwari akong nagtataas ng kilay para sabihing nagtataray parin.  "What's wrong with your face?" Tanong ko sa kanya at humalukipkip sa harapan nito. "Suko na ako kay V. Ang ganda ganda ng karibal ko eh."  Deklara niya na ipinagkasalubong ng aking kilay. He's going to give-up? Kung susuko siya edi ibig sabihin...  "Edi wala na tayong rason para mag-away?"  Nilingon niya ang room ni V kaya sinundan ko rin iyon ng tingin at natagpuan ang imahe ng babaeng may malabarbie ang mukha at nakapulupot ang kamay kay V. "Parehas na tayong sawi. Sa ganda noong babaeng kasama niya, imposibleng mapansin ka pa."  Umasim ang aking mukha. Parang isang bulkan ang sumabog sa aking loob at nagrerelease na ng mainit na enerhiya. Gusto kong magwala! "Maganda? Nagagandahan ka sa babaeng iyon?" Kulang nalang ay umabot sa tuktok ng aking ulo ang aking kilay dahil sa pagtataas ko.  "Oo naman. Mukha siyang barbie. Atras na. Wala kang panama roon."  "Maganda rin naman ako!" Giit ko, naiinis na dahil kinocompliment niya ang babaeng iyon. "She looks like a creepy doll to me!"  "Anong klaseng ganda meron ka eh di mo mga maakit si V!" Ngumisi siya. "Mas maganda iyong kasama niya ngayon at wala kang binatbat." It was a big blow to me. Kahit pa sabihin nating iniinis lang ako nitong si Tyrone dahil never naman talaga kaming nagkasundo pero swear! Namimintig ang lahat ng ugat sa akin at gusto nalang magwala.  Iniwan ako rito ni Tyrone na nagpupuyos sa galit. That gay really know how to pissed me off like this! Alam na alam niya kung paano ako pasasabugin. Siguro sinadya niyang iangat ang babaeng iyon sa harapan ko at pagmukhain akong kawawa dahil alam niyang naiinis ako sa tuwing nalalamangan ako ng ibang babae pagdating kay V. But no! Hindi iyon ang ikinakainis ko ngayon! Tyrone complimented her! Mas maganda pa sakin! Nagagandahan siya! Argh! Matalim ko iyong tinitigan ang kasama ni V. And there, the barbie girl look at me and smiled like a creepy doll. Nagawa pa talagang makipagtawanan kay na mas ikinagalit ko. Imbes na ako ang maging center of attraction dito ay nakikisawsaw siya, and worst! Siya ngayon ang maganda sa paningin ng Tyrone na iyon! Pumapapel pa talaga siya! Hindi na ako nakapagtimpi pa. Nilapitan ko na ito at mabilis na hinila ang buhok. "Layuan mo siya b***h ka!" sigaw ko dahil sa sobrang galit. Idagdag pa na bakla ang gusto ko at lalake rin ang gusto! Tapos itong babaeng ito pinapamukha pa sa akin na kahit si V ay hindi ko makukuha! Damn her! Nagkagulo dahil sa ginawa ko. May mga dumating na ibang lalake para lang awatin kami.  "Ba't mo yun ginawa Anne?!" Galit na galit na sigaw ni V sa akin na nagpabalik sa katinuan ko. Ang nagsisiklab kong sistema ay unti unti nang humuhupa. Gusto ko siyang sumbatan na galit ako sa kanya dahil hindi niya ako magawang prangkahin, na hindi niya naman pala ako gusto edi dapat nililinaw niya. Pero gusto ko ring sabunutan ulit ang babaeng iyan dahil kinukuha niya ang atensyon ng lahat!  Hinila ako ni V paalis roon. He confronted me na kababata niya raw iyon. "Kababata mo naman pala then what's wrong with me?! Ba't parang ayaw mo ata sakin?!" Sigaw ko ng malakas galing sa loob ng atay ko. Naibuhos ko roon lahat ng fustrations ko. Ang lalakeng gusto ko na mas binabae pa sa akin. Ang palaging pagtanggi sa akin ni V. Ang pagcocompliment ni Tyrone sa kanyang kababata. Lahat. Sumasabog ang aking puso dahil sa labis na emosyong nararamdaman. Napabuntong siya ng hininga habang nakapameywang sa harapan ko. Natahimik siya sandali. Parang pinag-iisipan ng mabuti kung anong isasagot sa akin. "What now V?" Nagkatinginan kaming muli. Ngayon ay namumungay na ang kanyang mga mata.  "I'm sorry pero may girlfriend ako." Nalaglag ang panga ko roon. Gusto kong matawa. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil parang naghahanap lang siya ng palusot para layuan ko siya. s**t lang. "You're kidding me. You don't have a girlfriend." Hilaw akong napangisi.  Umiling siya. "Hindi kita niloloko Anne. Kaya ko inilihim dahil ayoko lang na pati siya, awayin mo. Ayokong matulad siya sa mga babaeng sinabunutan mo dahil lang gusto ako." Napasinghap ako roon. Those were just a rumor for pete's sake! Kung may totoo man rito, iyong sa kababata niya lang! Nagalit ako dahil kinukuha niya lahat ng atensyon! At idagdag pa ang baklang iyong nakakaaway ko hindi dahil gusto niya si V kundi dahil tinatarayan rin naman ako.  "Okay. I'm sorry. But believe me V, hindi ko rin ginustong gustuhin ka. It's just that... I'm twisting my heart just to get over with a man I know I can't have. At mukhang pati ikaw... imposible rin palang mapasaakin." I fake a smile. Nanlumo siya. I know he's nice. Sadyang ganito lang talaga kalupit ang tadhana at ipinagtatagpo ang mga taong hindi naman pala para sa isa't isa.  Pagkatapos mawala ng magpipinsang Delafuente sa eskwelahan, kasabay rin ang pagkawala ng imahe ng baklang iyon. Malandi talaga! Akala niya naman papatulan siya ng mga iyan kahit na bumuntot pa siya araw araw!  "What are you thinking, Anne?!" Salubong ni Mommy sa akin nang makapasok ako ng bahay. Hindi ko pinansin ang pagbubunganga niya at derideritso ang lakad papunta sa kwarto ko.  "Sinabunutan mo ang bumisita sa eskwelahan! Hindi mo ba alam kung paano mo dinungisan ang pangalan namin ng papa mo ha?! Naroon ang mga apo ni Mrs. Delafuente! May-ari ng isang tanyag na eskwelahan! Oh my God, Anne Enriquez! What have you done?!" My Mom blurted out while she's following me. Mariin akong napapikit. Absorbing everything. Broken-hearted ako. Si V ang second crush ko ngayon! Tapos may girlfriend na pala. Ouch.  "When will you stop getting into trouble, younglady?" My Mom said between greeted teeth.  I faced her before going inside my room. "Mom, please I'm tired. Bukas nalang tayo mag-usap. Good night." Sinara ko na ang pinto at hindi na hinintay ang magiging sagot niya. I heard a multiple knocks on my door at hindi nalang iyong pinabnsin pa. I just want to cuddle with my teddybear and have a good sleep. Forget everything. Move on... Move on... One day, I just found out V's Mom died. I know it's painful for him. Kahit naman siguro kung sinong mamatayan ay magiging malungkot rin. We're not super close kaya kahit gustuhin kong damayan siya ay hindi ko magawa. Nandiyan naman ang mga pinsan niya.  I spent my summer going to beaches with my cousin Celina. She's wearing a one piece bikini while naka two piece ako. I don't care kung hindi pa nahuhubog ang katawan ko, I'm proud! "Kumusta ang pagiging baliw kay V?" Ngumisi siya. Halatang nang-aasar lang dahil alam niyang hindi naging kami, hindi ko nakuha ang gusto ko. That's new for her. Kung alam mo lang talaga cousin, dalawang lalake ang hindi ko nakuha. Technically. Bakla pala iyong isa. "Maybe he's still mourning." sagot ko. Narito kami sa pool area. Maybe later susulong ako roon sa dagat nila.  "Hmm... Balita ko, iyang si V may maganda raw na girlfriend. Julie told me. Kaya pala hindi ka man lang napansin. Ako pa sayo, magparetoke ka total marami naman tayong pera." Pang-aasar niya na ikinaasim ng mukha ko. I badly want to pull her hair pero nagtimpi nalang ako. Isa rin iyan, mataas ang sungay.  Iginulong ko nalang ang mga mata ko. I know she's just teasing me. Maganda ako! At hindi sapat ang panglalait na iyan para pagdudahan ko ang sarili ko. Diyan na ako maniniwala kung iyong gusto ko ang nagsabi sa aking pangit ako. Siguro mapapasubo talaga ako ng retoke. Siguro lang naman.  Nang magsecond year ako ay wala nang Tayden Delafuente sa eskwelahan. He transfered. Doon na siya sa eskwelahan nila. Gusto ko rin sana doon dahil alam kong naroon ang crush kong bakla kaso Mom won't allow me. Enriquez ako at kailangan kong ipagmalaki na proud ako sa school namin. At hindi lang ang weirdong gwapong lalakeng iyon ang nawala sa school kundi pati narin ang binabaeng si Tyrone. Nagtransfer narin ito sa ibang school. Alam ko naman kung saan pero wala akong magagawa dahil iyon rin ang desisyon niya at we're not that close para idemand ko sa kanya ang bagay na alam ko namang ayaw niya. Dapat dito nalang siya mag-aral until he graduate or until he learns to love me. Damn it. Stay out of trouble. Iyan ang paalala ni Mommy sa akin. Lalo na't iniexpose na ako ni Daddy sa kompanya. I'm just 14 for pete's sake! Pero mabuti nalang, hindi nila ako ipinagkakasundo sa mga anak ng business partner nila. Gusto niya lang daw na mamulat ako sa kompanya para sa paghahanda sa future.  "Kinakabahan talaga ako sa mga ganito." My cousin whispered at me. Magkatabi kaming dalawa at naa-out of place sa party ng mga magulang namin. This is a pure business.  "Bakit naman?" I asked. "Malapit na akong magcollege. What if maisipan ni Dad na ipagkasundo ako sa mga ganito. I don't wanna have a boyfriend yet. You know boys nowadays..." Nailing siya. Tinusok niya ang pagkaing nasa plato niya at kinain iyon. She's wearing a nude color of dress right now that matches her nude high heel. Isang black na dress naman ang suot ko at nakaexpose ang likod. I want to look like a mature girl as much as possible. Gusto ko nang magdalaga. Gusto kong naranasan ang mga bagay na hindi na kailangan ng parent's consent dahil nga minor ka pa.  "They'll just f**k and go..." I said bluntly making her jaw drop in shockness. I make sense!  "Since when did you learn saying that thing?" Parang diring diri siyang banggitin iyon na kahit ang mukha niya ay napapangiwi.  "You mean the word f**k?" Nalaglag muli ang panga niya, hindi makapaniwalang nasabi ko ito sa pangalawang beses.  "Sa youtube." dagdag ko na. Her eyes darted on me sharply. Halatang nang-aakusa agad. "I am not watching porns okay! May sinearch lang talaga ako kaya ayun..." Nag-iwas ako ng tingin. Out of my curiousity, sinearch ko sa youtube kung ano ang hindi naiiwasan ng mga lalake. Just maybe, I can turn him into a guy. Just maybe. Hindi naman sa umaasa parin ako na magiging lalake siya, pero pinaghahandaan ko lang talaga na baka magkrus muli ang landas namin sa future.  Youtube says, akitin daw. Mahirap magpigil ang mga boys. Lalo na kung tungkol na sa s*x na iyon. They easilly get horny. If thats the term. Lalake parin naman ang baklang iyon! As long as wala pa naman siyang flower ng babae, may pag-asa pa!  "You're exposing yourself on that thing at an early age Anne. Pag ikaw nabuntis ng maaga dahil sa kyuryusidad mo ako talaga ang unang unang tatawa sayo." Celina said proudly. Na nababasa niya ang hinaharap at sigurado siya sa pinagsasabi niya. "What's the matter if I'm trying to be openminded? Kaysa naman sayo, diring diri agad. Baka nga ikaw pa ang mabuntis ng maaga dahil masyadong ignorante sa ganoong bagay." I laughed naughtily kaso bigla akong sinapak kaya natigil ako at napabusangot nalang. Ramdam ko ang hapdi ng braso dahil doon. Damn this girl! Siya itong nagsisimula tapos pag ginagantihan ko nananakit agad!  "That will never going to happen. Seryoso ako sa pag-aaral ko at wala akong panahon sa lovelife hindi kagaya mo." diin niya na ikinagulong ng mga mata ko. "It's just a crush. Paghanga. Lahat ng babaeng nasa edad ko ay normal iyon."  "Crush? You sure? Eh baliw na baliw ka nga to the point na willing kang ibigay pati ang sarili mo masuklian lang ang pagmamahal na meron ka sa kanya." she said angrily.  "I already move on okay?" I rolled my eyes. Napupugto na ang pagtitimpi ko. She's just so kj! Palibsaha Maria Clara! Diring diri sa salitang pag-ibig at nagpapakanerd sa pag-aaral. May lalake kayang makakapagpabago ng pananaw ng babaeng ito? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD