6

2613 Words
Date "Anne, please honey... This is your last year being a highschool student so please younglady, pull your s**t together! Stop putting our school in shame because of your attitude!"  Here we go again. Inoorasyunan na naman ako ni Mommy early in the morning. I've been a good girl these past 2years ah? Wala na akong inaaway sa school dahil wala narin akong rason para kalabanin ang mga babae roon. Wala naman akong type kaya wala ring kaso sa akin kung landiin nila lahat ng lalake. Loyal parin ako kay Tyrone. How is he anyway? "Mom, kailan kita binigyan ng sakit sa ulo?"  Tumaas ang kanyang kilay. "Gusto mong maglabas ako ng mahabang listahan Anne?" "I mean, hindi naman ako naging pasaway noong 2nd at 3rd year ako ah?" Naningkit ang mga mata ko. "Iyon na nga! I know you Anne. Hindi nakokompleto yang araw mo kung wala kang naaaway. Malay ko ba kung nagbait-baitan ka lang sa dalawang taon na iyon dahil balak mong sumabog ngayong taon."  She said dramatically.  Natawa ako. Ang oa rin naman ng Mommy ko. Mukhang natrauma na siya sa mga pinaggagawa ko at napagod na sa pabalik-balik na pagpunta sa guidance kaya ganyan na siya ngayon.  Wala na akong gaanong balita kay Tyrone. Pero ang alam ko, he's doing great. Noong second year siya ay nag-aral siya sa eskwelahan ng kinalolokohan niyang pinsan pero noong third year ay nagtransfer na naman siya sa ibang eskwelahan. Ngayon na 4th year na siya ay balik na ulit siya roon. Ganoon talaga siya kalandi at sinusundan niya iyong magpipinsan. Inaaksaya niya ang kanyang oras. Eh kung nagpakalalake palang siya edi sana kami na! Tuwing weekends, pumupunta ako sa madalas na puntahan na gym ni Tyra. Alam ko namang kaya lang iyan madalas sa gym na iyan dahil narin sa mga lalakeng topless at pawisan sa pagg-gym. Madalas rin kasi roon ang magpipinsan.  One day, I saw him with a girl. Hindi ko man lang nakita ang mukha ng babae dahil nga nagmamadali silang umalis. Kung nakita man ako ng baklang iyon, I'm sure wala siyang balak pansinin ako dahil naiinis siya sakin.  I don't know who's that girl. Sabagay, friendly naman talaga ang baklang iyon pero mabuti narin na umalis sila agad dahil kung hindi ay gagawa talaga ako ng eksena roon. Ang kapal ng mukha ng baklang iyon para mambabae! Tapos ako wala man lang akong lalake dahil patay na patay parin ako sa kanya! "Nabalitaan mo ba iyong kumakalat na issue tungkol kay V?" Balita sa akin ni Aretha kinaumagahan. Nakakastress ang school. Graduating na kami kaya binubugbog na ng mga guro ang aming utak at kulang nalang ay pigain namin iyon. Ganoon ba kahirap ang college life at pinaghahandaan talaga?  "Hmm?" Iyon nalang ang nasagot ko dahil busy ako sa paggawa ng aking reporting sa aking laptop. Nandito kami ngayon sa cafe.  "May dinidate raw si V, Anne!" Si Sam na overeacting na. She was fanning herself using her both hands. "Oh em gee! Akala ko pa naman kayo talaga! Bakit hindi naging kayo?!"  Sa nagdaan na taon, natanggap ko nang wala talaga kaming pag-asa ni V. Hindi rin naman ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kanya para maghabol ako sa ganito kahabang taon 'no! Like hello! Gay parin ang tunay kong gusto! Kaya ibubuhos ko nalang siguro muna ang oras ko sa pag-aaral. "Mas maganda pa naman si Anne sa kanya oh!"  Now it was Shally showing the screen of her phone. Naroon narin ang tingin ng dalawa.  "Maganda lang naman iyan dahil sa foreign feature ng mukha. Pero kung tutuusin, mas maganda parin talaga si Anne!"  Si Sam. "Balita ko model raw iyan sa ibang bansa. No wonder..."  "At mga gwapo raw ang pinsan niyan!" Si Shally "I like the curls of her hair pero mas maganda parin ang straight na mahabang buhok ni Anne! At least natural na black unlike diyan sa girlfriend ni V na may pagkabrownish!" "Malamang half siya, Sam." Si Areth. Naririnig ko sila pero inilalabas ko lang rin iyon sa kabilang tenga ko. I don't frigging care about that girl. I'm happy for V dahil nakahanap na siya ng babaeng magpapasaya sa kanya ulit after what happened to him. Ayoko ng isiksik ang sarili ko sa kanyang mundo--- "Close na close ata sila ni Tyra?"  Natigilan ako sa sinabi ni Shally. Mabilis ko silang tiningnan. "Tyra?" Pangungumpirma ko. "Yes Anne. Tyra, that handsome gay do you remember? Iyong kaaway mo noong first year palang tayo. Iyong may gusto rin kay V." I didn't forget him. How can I even forget him kung hanggang ngayon ay hindi ko parin siya maalis sa sistema ko? "Siya ito diba?"  Pinakita sa akin ni Sam ang screen ng phone niya. Kinuha ko ito at tiningnan narin iyong i********: ng girlfriend ni V. Umusok agad ang aking ilong nang bumalandra roon ang mga pictures nilang dalawa ni Tyrone. What the heck?! She even kissed him on his cheek habang si Tyra ay kunwari nandidiri! Ugh! This b***h! At kung hindi ako nagkakamali, siya rin iyong kasama ni Tyrone doon sa gym! They're very close and it irritates me alot! I need to do something about this. "See? Hanggang ngayon ay hindi pa nakakamove-on si Anne kay V." Mungkahi ni Shally na umiiling nalang dahil sa aking reaksyon.  "Maghihiwalay rin ang dalawang iyan, Anne." Si Sam, halatang chinicheer-up ako. Padabog kong nailapag ang phone ni Sam na ikinalaki ng mga mata niya. Inis na inis ako sa nagngangalang Ellie na iyon. Nasa kanya na nga si V, nasa kanya pa si Tyrone! Ang mga lalakeng gusto ko ay pinagsasabay-sabay niya! Kung hindi rin naman mapupunta sa akin si Tyrone mas mabuting agawin ko si V.  Alright. I am twisting my feelings again. Call me desperate, b***h, slut or anything but I just want to ruined that girl's happiness right now! Aba't ang saya saya niya naman ata tapos ako itong hopeless sa gusto kong bakla na ewan ko kung magiging lalake pa ba! May inutusan ako para bigyan ng leksyon ang babaeng iyon. Konting galos lang naman ang gusto ko. I just want her to feel some pain. Hindi ko naman papatayin!  But she's lucky enough dahil nakaligtas siya.  Galit na galit si V sa akin nang malaman niyang ako ang may pakana noon. Pagkatapos ng sagutan namin ni Ellie sa parking lot, si V na itong kasama ko. I've never seen him in his ranging anger, ngayon pa lang talaga. Damn it. I almost faint when he smashed his car! Nakakatakot pala ang weirdong ito pag nagseryoso.  "Ba't mo nagawa ang bagay na 'yon Anne! Kamuntik kanang makapatay!" Humagalpak ang dalawa niyang palad sa kanyang manibela. I'm inside his car. Nagpumilit akong sumama siya sa akin at ngayon ay pinagsisihan ko na. Ang layo na ng dating V sa kilala ko noon. He looks like a stranger to me right now. A coldhearted guy who doesn't know how to smile. What happened to him?  Kung may magandang bagay man sa kanyang sarili, iyon ay ang kanyang katawan. Tumangkad siya, mas naenhance ang pangangatawan at may tindig na. He looks like a hot badboy to me! Iyong may dark awra! His eyes were mysterious while his face darkened because of his anger.  "Dahil mahal kita! Hindi mo ba iyon nararamdaman V?! Napakamanhid mo! Tatlong taon akong naghintay makamove-on kalang tapos may iba kanang babaeng dinidate! Ba't hindi mo ako magawang mahalin V? Ano bang wala sa akin?" I snap.  Alright, alright. Nasasaktan ako. I like him okay! Siya itong ipinapalit ko sa aking puso sa tuwing binabaliktad ko ang aking nararamdaman para sa baklang iyon. Imbes na iyong feelings ko ay mapunta kay Tyra na imposible namang tanggapin niya, naibubuhos ko nalang iyong lahat kay V. Naipon na lahat ng fustrations ko. And then something hit me. Mali nga naman iyon Anne! Wala kanang magagawa kung close siya kay Tyrone at mahal siya ni V. Naiyak ako roon. I know I'm not nice pero hindi ko naman siguro kayang pumatay diba! Nagmahal lang naman ako!  Katulad noong sinabunutan ko ang kanyang kababata, hanggang ngayon ay iyon parin ang ipinaliwanag niya sa akin. Na hanggang kaibigan lang talaga. Na hinding hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko at wala na akong magagawa roon.  Can't you just twist your heart and just love me V? I am twisting my heart just to love you because I know I can't have that gay pero anong napapala ko? I ended up getting hurt over and over again. What's wrong with me seriously? Was it because of my shitty attitude? Pero akala ko ba, mamahalin ng mga lalake ang mga babaeng nagpapakatotoo sa kanilang sarili? Where's their motto now?  "I'm sorry. I'm sorry V for letting my emotion swallow my decision. I'm sorry..." Mas humikbi ako. "Susuko na ako pero sana hayaan mo munang makasama kita pagkatapos nito ipinapangako ko sa'yo titigilan na kita. Just please let me be with you... Kahit isang linggo lang." I said between my sobs. Hinihingi ko ang isang linggo hindi para maagaw siya kundi para tuluyang wakasan ang lahat lahat. I just want to twist my feelings. Na siguro, kung naibaling ko na talaga ang lahat kay V at nahulog ako sa kanya, eventually makakalimutan ko rin si Tyrone. At pag nangyari iyon, doon narin ako magmomove-on kay V. Mukhang madali lang namang ibaon sa limot ang nararamdaman ko sa kanya hindi kagaya nitong kay Tyrone na apat na taon ko nang dinadala. I want to change the pain with another pain. Pero iyong sakit na alam kong mabilis lang gamutin. Iyong sakit na alam kong makakabangon rin ako. Na hindi lumalala sa pagdaan ng taon. Pagod narin akong umasa eh. Maybe, Tyrone is destined to be like that because he's not really for me. Oh s**t. "V!" Nakangiti akong pumasok sa kanyang driver's seat. He's holding the steering wheel of his car lazily with his one hand. Ang isa namang kamay ay nasa kabilang gilid at nakasandal sa kanyang ulo.  "Where do you want to go?" He asked coldly. Napanguso ako. Ito ba ang naging epekto sa kanya ng mga nangyari? Feeling ko ang cold cold niya hindi kagaya noong first year pa kami. He used to smile and talk to me nicely. Unlike now... "Hmm, I want to watch a movie. And then let's eat on a high class resto then pwede rin tayong magstar gazing mamayang gabi! May magandang lugar akong alam." I explained merilly while his eyes were fixed on the road. Halatang hindi interesado sa mga pinagsasabi ko. "Ikaw, wala ka bang gustong gawin ngayon?"  Tanong ko. "Wala." Sagot niya. "Okay!" I smiled. Pero hindi niya na iyon nilingon kaya useless. Habang naglalakad kami sa malaking Mall, sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay ngunit iniwas niya iyon. Darn it! My twisted feelings were torturing me. This is what I get for twisting my heart. Literal ko ng nararamdaman sa dibdib ko ang pinaggagawa ko. "C-Can you hold me? At least pretend as my boyfriend." Ngumisi ako ng peke sa mukha niyang walang mabasang emosyon. "Can't do that. Hawak mo ako sa leeg ngayon pero hindi mo hawak ang puso ko, Anne. Hindi mo ako pwedeng diktahan sa mga bagay na hindi ko naman gusto."  That's a big slap for me. Nakagat ko pa ang pang-ibaba kong labi.  "Please? J-Just pretend. Make me fall for you." Hinawakan ko ang kanyang braso. Para siyang napaso roon kaya agad kong ibinaba ang aking kamay.  "Ganyan kana ba kabaliw sakin?" Nagkasalubong ang kanyang kilay, ngayon ay tinititigan na ako.  Ngumisi ako ng hilaw. "Iyon na nga eh. Mas gusto ko nalang mabaliw sa'yo dahil alam kong magiging madali lang ang pagmomove-on ko. Magiging masaya ka naman sa kanya kaya masaya na ako roon."  "Then why do you have to do this? Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Di kana bata Anne." sabi niya.  "I just want to twist my own feelings that's all. Just let me do the things I want to do with you V. Pagkatapos naman ay babalik ka rin sa kanya eh."   I may sound like a desperate b***h but I don't care! V might help me get over with my feelings for Tyrone. Alangan naman sabihin ko sa kanya na ginagamit ko lang siya para naman makalimot na ako sa baklang iyon!  Ako lang ata ang masaya sa tuwing nagdidate kami. Hinahayaan niya akong hawakan ko siya sa kanyang braso. Nagpipicture kami pero puro stolen lang iyong kanya dahil hindi naman siya lumilingon sa camera. Kung lilingon man, hindi naman ngumingiti.  Last day na kaya nakapagdesisyon akong magpasalon. I want to change my look and maybe cut my long hair too. Siguro iyong semi long nalang. Basta ay medyo mahaba parin. Sabi kasi nila, para makamove-on ng maayos, magpagupit ka ng buhok. Ewan ko nga kung anong koneksyon ng buhok sa nararamdaman ng iyong puso pero I'll give it a try! Nasa isang VIP kami. Nagpapanailpolish ako habang si V naman ay tumitingin-tingin lang sa mga magazines. Sinilip ko iyon. And there I saw him staring at Ellie's picture. Mukhang model nga ito sa ibang bansa.  "V. Anong magandang kulay sa nails?"  I asked him kaso mukhang walang naririnig. Ngumiwi ako at dinedma nalang iyon dahil kinuha rin ng katok ang atensyon ko. Ako mismo ang bumukas noon. Nakita ko ang namumutlang baklang empleyado rito. "What?" Tinaasan ko siya ng kilay. Disturbo. "K-Kasi Ma'am, may nagrereklamong costumer. L-Lumabas raw po muna kayo..."  Matalim akong napatingin sa kanya. What kind of service ba ang meron dito?  "We're not yet done at nagbabayad kami ng maayos kaya ba't kami lalabas?"  Maybe that is one of V's stalker. Sikat iyang lalakeng yan at baka nahimigang nandito ang kanilang prince charming kaya to the rescue agad ang mga alipores. Tsss. Binalingan ko si V na hindi natinag sa kakatingin sa magazine. Bumalik ako sa upuan ko pero bumalik ulit iyong bakla.  Sa sobrang inis ay lumabas kaming dalawa ni V. Kung kailan last day na ngayon pa maraming eepal! Paglabas namin ay bumungad sa akin ang babaeng may galit na ekspresyon. Nagkakasalubong ang kilay nito at parang sasabog na ano mang oras. She was wearing a printed cocktail dress. She got this wavy hair at bagay iyon sa mataray niyang mukha. Isa ba ito sa nagpapantasya kay V? "What's your problem b***h?!" Tumaas na talaga ang boses ko.  Sa kabila ng aking galit, may bukod tanging mukha ang umagaw ng aking atensyon. Ang binabaeng si Tyrone ay nandito. Holy s**t.  Tumayo iyong babae sa sofang inuupuan niya. May isa pang babae ang nandito and she's very familiar to me. That's Ellie hindi ako pwedeng magkamali. So she was with this gay again. What the hell. "Hindi ako makapaniwalang bumaba na pala ang standards mo sa mga dinidate na babae, V." May diing sabi nito sa akin at nagawa pa akong pasadahan ng tingin. What?! "How dare you!" Napabuga ako ng hininga sa ere kasabay ng pag-angat ko sa aking kamay para sana sampalin ito. Gusto kong sa kanya ibuhos ang galit ko ngayon. But I didn't expect her hand grabbing mine instead. Ang isa naman ay mabilis na dumapo sa aking buhok.  "Ang kapal ng mukha mong babae ka! Ang landi landi mo!" Sinabunutan niya ako ng marahas. Sumigaw ako. Sa sobra niyang warfreak kahit iyong nag-ambang tumulong ay hindi nagtangkang lumapit sa amin. Who's this b***h?! I'll seriouly make her pay for this! "Ouch V! Help me! Make her stop!" Parang wala itong narinig. Nasulyapan ko pa ang babaeng lumabas.  "Napakahaba naman ata ng buhok mo para idate ng isang Delafuente!" Kinaladkad niya ako patungo roon sa may salamin. Feeling ko natanggal na ang mga buhok ko sa nanghahapdi kong anit. Ang lakas lakas nito kumpara sa akin at hindi ko man lang siya mahila. "Let me go ano ba! You'll seriously pay big time!" Pagbabanta ko sa kanya. Nakarinig ako ng tunog ng gunting. "Ba't hindi natin putulin nang matigil ka sa kakailusyon mo!"  Nagpumiglas ako lalo na sa binabalak nito. Kaso bago ko pa ito mapigilan ay bigla nalang humiwalay ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng aking buhok kasabay ng isang tunog ng pagkakagupit ng kung ano. Oh God. Did she just...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD