7

2332 Words
Humanda ka Busangot na busangot ang mukha ko pag-uwi ng bahay. That b***h named Cheyenne cut my long shiny hair!  "Oh, new look?" salubong sa akin ni Mommy when I stormed in.  "Someone cut my long hair Mommy!" sa sobrang inis, naitapon ko na ang aking purse sa sofa na kahit ang aking sarili ay naitapon ko rin doon.  I don't know if Mommy is mad or just trying to supress her laugh. Seriously? "Someone cut your hair? But it looks good on you, Anne! You remind me of your 5years old self. It looks good on you."  Inalagaan ko ang buhok ko. Gusto kong long hair ako dahil marami akong nagagawa at nakukulot ko sa dulo, pero naging ganito lang? Di ko alam kung anong mararamdaman sa buhok ko. Sino ba iyon? Ex daw ni V! Damn her!  Pagpasok ko sa school, pinagkaguluhan agad ang bago kong ayos. Hindi ko nalang sinabi na aksidente lang naman.  "Diba pag new hair nakamove-on na?" sabi agad ni Shally sa akin nang umupo na ako.  Inilagay ko ang aking things sa desk habang ang tatlo naman ay kanya kanya ng gawa ng sarili nilang version dahil lang sa new look ko. "Pero diba nagdate pa sila ni V? Ba't siya magmomove-on?" si Aretha "Duh! Diba may nililigawan na si V!" si Shally "Tama pala talaga iyong kumakalat sa mga Delafuente na playboy sila 'no? Pinaasa ata si Anne eh." si Sam "Pero at least mas gumanda si Anne sa hair niya. Bagay sa kanya." si Aretha. Ni isa wala pa akong naririnig na nagsasabing hindi bagay sa akin. Lahat puro papuri. Sa maliit kong mukha, pointed nose, thick eyebrows and chinky eyes, babagay talaga sa akin lahat ng hairstyle. Pero sabagay, sabi nga nila ang babaeng nagpapagupit, nakamove-on na. Maybe this is just a blessing in disguise. Hmm, not bad.  Ako ang nagrepresent ng school namin tapos gaganapin pa iyon sa BTSU. Nakita ko pa iyong Ellie Klaire doon. Tss, I hate her. Nagsagutan ng slight, rampa, and then uwi. Naiinis lang ako sa supportive na Tyrone at may pa standing ovation pang nalalaman kay Ellie. Pag nagkakasalubong ang aming mga mata, umiirap! Damn him and his gay actions! Ang sarap ipakulam. Summer. Ito iyong araw na gusto kong magpa tan skin pero naiinis magbilad ng matagal sa araw. Iyong pagbibikini ko sa beach na halos punitin ng pinsan ko ang aking suot dahil sa matalim niyang tingin.  "What? Inggit ka sa maganda kong katawan?" I raised my brow at her.  Her face wrinkled. "Anong maganda diyan? Pag ako nagbikini mahihiya ang katawan mo."  "Ha. Ha. Too bad balot na balot ka. Can't believe nakatakas ka sa sinaunang taon 'no?" sabi ko na ikinaasim ng kanyang mukha at itinapon iyong hawak niyang sunblock. Mabilis ko iyong sinalo at nginitian siya.  "Thank you. I really need to use this." inosente kong sabi na mas ikinainis niya lang ata. "Gaga. Umalis ka sa harap ko. Doon ka sa may dagat at magpatangay ka sa alon nang mawala ka sa paningin ko. Mas masakit ka pa sa mata kaysa sa sinag ng araw." inis niyang sabi na ikinairap ko nalang at lumayo layo rin dala dala iyong sunblock. I need to get away from that warfreak o baka iyong inuupuan niya na talaga ang buhatin niya at itapon sakin!  "Edi inamin mo ring mas hot pa ako sa araw." I smirked while walking away. She acted like naduduwal na ikinailing ko nalang.  Sinulyapan ko sandali ang pinsan kong nakasimangot at akala mo may kasalanan ang mundo sa kanya saka ko rin inirapan nang magkasalubong ang aming tingin. She's wearing a long with laces dress tied around her neck. Namumula ito na kahit ang kanyang pisngi ay ganoon rin. She's really boring. Ewan ko diyan. Di alam paano mabuhay ng maganda. Pangit na nga ugali tapos boring pa. She really needs to get a life.  Kami palagi ni Celina ang nagkakasama. Our parents are busy with their business at hindi kami pakialamera doon dahil nga mind your own business. Besides, naeenjoy ko rin naman ang pag-aaliw sa aking sarili kahit na napaka uptight ng pinsan ko. She won't attract boys with that kind of attitude! Di ngumingiti tapos palaging nakabusangot akala mo naman palaging may kaaway. Iyong titigan lang siya ng lalake tataliman niya agad ng tingin kaya matatakot tuloy sa kanya. I'm really curious kung may makakapagpaamo ba sa babaeng iyan, kung meron man luluhuran ko talaga! But that's imposible so nevermind.  Malapit na ulit ang klase. Makakapili na ako ng school na papasukan ko since wala kaming college school. Ewan ko nga ba't di nila kinompleto eh. Sabi pa ni Mommy trabaho ko na raw iyon sa future at magiging principal pa ako. Wow. I can imagine myself burning my own school.  "Doon tayo sa BTSU mag-enroll ha," my cousin ranted early in the morning. Nandito siya sa bahay at sumasabay ng breakfast sa akin.  Sumimangot ako. Ayokong umiling dahil baka maitakip niya sa akin iyong plato niya. She's good at breaking things! Brat. "Why are you deciding for my own self?" I hissed at her. Panay ang kanyang subo at kalmado ang mukha.  "Your Mom agreed. Plus, BTSU is not that bad ah? And hello, afford mo ang pag-aaral roon. Dapat nga matuwa ka pa dahil makakapag-aral ka roon sa dinami-daming eatudyanteng gustong doon mag-aral."  I rolled my eyes. Maraming gustong mag-aral doon dahil sa magpipinsan yun iyon. Kinakalat nila ang kanilang virus sa mga marurupok na babaeng naaakit sa kanila at iyon ang ginagamit para maraming mag-enroll.  "Sa all girls dapat ako. And don't tell me kaya mo gustong magtransfer roon dahil sa nangyarㄧ"  "See this fork Anne? I'll slit your throat out using this if you didn't shut your mouth." she glared at me kaya natutop ko rin ang aking bibig dahil sa tinidor na nakatutok na sa akin.  Earlier this summer, something happened! I can't believe nakabingwit siya ng Delafuente! Pero sabagay, maganda siya, maganda katawan, maganda lahat lahat h'wag mo ng isali ang ugali dahil mapapahiya iyong mukha ng mga pangit dahil sa ugali niya.  Akala ko tsismis lang iyong playboy ang mga Delafuente pero totoo pala talaga. Even Jame Brancen, that hottie slut, were going out with different girls! I can't believe nag-aral lang siya sa BTSU at sinama pa ako dahil lang gusto niyang panindigan ng Delafuente na iyon iyong nangyari sa kanila. May nangyari ba talaga? Yuck! Akala ko pa naman ako ang mauuna sa ganoong mga karanasan dahil sa ugali niya. And worst, napunta pa siya sa pinakamatangkad na Delafuente. They say kasi, the more na matangkad ang boys, the more na malaki. I don't know if that's true since matangkad rin si Tyrone! Oh hell. I'm not yet ready. Noong magsimula na ang pasukan, hinanap ko rin ang classroom ko. At nakakatawa nga naman dahil may ibang subject na kaklase ko si Ellie Klaire at iyong kababata ng magpipinsan. May squad sila eh. Scarlet Gail's cousin named Julie, tapos ang dalawa and Cheyenne. I don't know why I find them creepy. May something sa kanilang samahan na nakakatindig balahibo. Lalo na si Scarlet Gail. She's cold, intimidating and CREEPY. Naghanap ako ng bakante nang makapasok ako sa isa ko pang subject. I really hate first day. Nakakabaliw maghanap ng classroom! Di ko pa naman kabisado ang malaking building ng BTSU. To think bukas panibagong classroom na naman ang hahanapin ko. Nakalimutan ko tuloy iyong rason ko kung ba't ako nag-aaral. When am I going to die anyway?  Umupo ako at itinuon agad ang tingin sa labas ng bintana. Heto na naman, magpapakilala tapos introduction ng lessons. When will this day endㄧ "Excuse me? May nakaupo dito?" tanong ng baritonong boses ng isang lalake.  Umiling ako. Hindi na lumingon pa at pinagpatuloy ang pag-iisip ng kung ano ano nang magsalita ulit ito. "Girl, nastress ba ang bangs mo sa first day?"  Eh? "I don't have bangs-" medyo iritado kong sabi at nilingon ito nang magulat ako sa mukha ng lalakeng tumambad sa akin. Oh God. Please tell me I'm not dreaming. Unti-unti naring nasira ang kanyang mukha nang makumpirma kung sino itong kinakausap niya.  "Ba't ka nandito? Siguro balak mong sirain ang relasyon ni V at Ellie 'no?!" how his high pitch voice raised.  Tumaas ang kilay ko lalo na't he's pointing me. Hinawakan ko iyon at ibinaba. His face wrinkled. Arte! "Masyado na ba akong immature sa paningin mo?" I fired back on his accusation.  Sandaling kumalma ang kanyang mukha. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para mas titigan at purihin sa aking isipan ang perpekto niyang mukha. How I love that mole behind his eyes. Napakamanly niya na sa kabila ng binabae niyang boses. He's faking his deep voice para lang magtunog babae! Kaya akala ko talaga kanina kung sino! At heto pa, his natural red lips! Tapos yung ayos ng buhok niyang medyo messy dahil mukhang hindi niya pinapagupitan. Oh hell. He's perfect.  "Bruha ang tingin ko sa'yo." sabi niya. "Ganda ko naman ata," kalmado kong sabi at natangay ang tingin sa kamay niyang pinasadahan ang kanyang buhok. s**t, Tyrone! Gagawin talaga kitang lalake humanda ka!  I swallowed as his thick brow raised at me. Teka, nagkikilay ba 'to? Ba't ang perfect ata? That's natural Anne! He's really perfect. "Mas maganda pa ako sa'yo kung nagkadibdib at humaba ang buhok ko." halos bulong niya na ikinalalim ng kanyang boses.  That made me swallowed again. Grabe naman! Ba't ba naging bakla ito!  "Oh yeah?" Hinampas ko ang kanyang dibdib na ikinalaglag ng kanyang panga at gulat na gulat. "Tigas nga oh." kalmado kong sabi pero halos kagatin ko na ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang sarili sa pagsabog. It's hard! He's a man! My Tyrone is a man!  "Ouch! My n*****s!" maarte niyang daing na akala mo kung sinong inagrabyadong babae. "Namumukol na ako tapos hahampasin mo!" he was about to do it to my chest when his hand stop midway. Napatingin siya sa aking dibdib at napabusangot. Hah. Di niya kaya. "Oh bakit? Go on, touch it." ngumisi ako at nanunukso ang boses. "Kadiri ka. Wala akong interes diyan." Umirap siya.  I leaned closer enough. Siya naman diring diri. I even smelled his perfume. Wait, pambabae ang perfume niya! What the heck... "Lalake ka kasi. Lalake. Lalake." I teased.  "Tigilan mo ang pagmumura." Nandidiri niyang sabi. "Lalake ka Tyrone. Lalake. Lalake." halos ibulong ko na iyon sa kanya kaya halos paatras rin siya ng paatras. "Hinde!" maarte niyang tanggi, kumikibot pa ang mamula-mula niyang labi at nagkakasalubong ang maiitim na perpektong kilay. "Oh ba't di mo kayang hawakan boobs ko? Kung kauri kita, kaya mo." Humilig na ako sa desk at nasa kanya ang tingin, damn. I like teasing him!  "Ba't ko naman iyan hahawakan? Eh meron rin ako!"  "Asan?" Tinagilid ko ang aking ulo at tiningnan ng mabuti ang kanyang dibdib. "n*****s mo lang ang bumabakat eh." panunukso ko kahit hindi naman halata. He really looks so manly on his outfit. He's not into girl's stuff ata kahit na aminado siyang bakla siya. Mukhang may chance parin. Sinilip niya ang loob ng kanyang puting polo saka siya matalim na tumingin sa akin. "Someday, lalaki rin sila." Umiling-iling ako.  "Ang sabihin mo nagpapanggap ka lang maging bakla para makalapit sa mga girls. My gosh! Nice strategy ha. Aminin na kasi!"  "Gaga!" malutong niyang sabi sa akin na ikinalingon ng mga lalakeng kaklase ko. Oh ayan, ikinakalat niya na talagang bakla siya. May mga babae ring napalingon sa kanya at nagningning ang mga mata. Hay, mukhang nakatadhana talaga sa aking magmaldita.  "Tinitingin tingin niyo sa boyfriend ko?" Nagtaas ako ng kilay sa kanila kaya mabilis ring nagsiiwasan ng tingin. Ang mukha ni Tyrone ay mas ikakaagrabyado pa pala. Pakiramdam niya ay naviolate ang kanyang pagiging babae at napagsasamantalahan na. He's overeacting!  "Yuck! Kadiri kang babae ka! Ba't ba ako tumabi sa'yo?" Akma siyang tatayo nang hinila ko siya ulit paupo.  "Halika, may sasabihin ako..." Sinenyasan no siyang lumapit.  "Baka hahalikan mo ako ha masasampal talaga kita." pagbabanta niya sa mahinang boses.  Umiling ako kaya nilapit niya ang kanyang sarili sa akin.  "Pag nalaman ng mga kaklase nating lalake na bakla ka, mandidiri sila sa'yo. Di ka makakalapit sa kanila ng malaya. Pero kung inakala nilang may girlfriend ka, di ka nila pandidirihan. Makakalapit ka sa kanila at malalandi mo sila ng palihim." bulong ko na ikinaliwanag ng kanyang mukha. Lumingon siya sa akin kaya halos ang lapit lapit na namin sa isa't isa. At ako lang itong nagbibigdeal ha! Ako lang itong inaatake ng kalandian at ang sarap niyang halikan!  "Oo nga 'no? Ang tali-talino mo pala?"  "Oo naman... may utak ako e," nonsense ko ng sagot dahil mas nawiwili ako kakatitig sa mukha niyang sobrang lapit. Siguro iyong mga kaklase namin akala na nila naghahalikan kami dito. "Pero dapat, girlfriend mo ako..." ngumisi ako. "May gusto ka ba sa akin?" nasira na ang timpla ng ekspresyon ng kanyang mukha.  "Ew! Wala 'no! Assuming!" Madrama ko namang pagtanggi. I need to play safe or else masisira ang plano ko. "Oh eh ba't gusto mong maging girlfriend ko?"  "Kasi gusto kong mag-aral ng mabuti without any distractions! Daming may gusto sa akin rito, pati mga kaklase nating lalake ang lagkit makatingin sa akin. Kaya total bakla ka naman, kunwari boyfriend nalang kita para di nila ako pestehin. At ayaw mo niyan, may benefits ka kasi di ka rin lalapitan ng mga babae rito. Sure ako mandidiri ka kasi kauri mo sila."  Halos magningning ang kanyang mga mata sa aking sinabi. Ako naman ay halos magdiwang dahil mukhang nagugustuhan niya ang palusot ko. Makakachansing na ako sa kanya!  "Sige sige. Game. Talino ha!"  Humagikhik ako nang marahan niyang pinindot ang dulo ng aking ilong. Para akong sasabog!  Nang matapos ang subject ay sabay rin kaming pumunta sa iba pa naming subject. Pati ata ang tadhana ay kakampi ko dahil halos magkaklase na kami sa lahat! Kahit ang aming free time parehas rin! This is the best day ever!  Ang plano kong magmove-on ay tuluyan ng nabura sa sistema ko. I'll use this strategy as a bait. Gagamitin ko iyang kabaklaan niya para walang makinabang sa kanya at maging kami kahit na kunwari lang. Papatinuin kita humanda ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD