1

2487 Words
V Tayden Delafuente Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga na ako sa araw na ito. I saw a cute guy--no scratch that. I saw a hot guy and who would have thought na bakla pala?! I'll risk my feminity just to make that gay straight. Kaso mukhang malabo dahil hindi naman iyon nag-aaral rito. Pero I guess... may kaibigan siya. That guy named V Tayden. Ewan sino iyon. Baka palayaw lang iyon ng lalake kaya hindi ko rin alam kung paano ko hahanapin. But maybe... I just found myself walking out on our room at tinatahak na ang daan patungo sa office. I need information about that guy! Nakailang crush na ako noong Elementary pa ako pero nakamove-on na ako. Ngayon na may nakita na naman akong kinalolokohang lalake ay gagawin ko ang lahat makuha lang ang atensyon nito. "Good morning Miss Enriquez. Ba't kayo napadpad rito?" Anang maestra na nasa mid 40's na ata. Incharge siya rito at kilala niya na ako. Noon kasi, dumadayo ako rito para lang magpasikat. Para lang maipamukha sa ibang estudyante na may magandang anak ang may-ari ng eskwelahang ito. "Gusto ko lang ng informations. Can I see your student's profile?" Lumapit ako sa kanya. Napakurap ito. Tila nag-aalangan sa gusto kong mangyari. Bawal rin kasi iyon.  Ilang sigundo kaming nagtitigan. Ni hindi ako kumurap. Ilang sandali lang ay bumaling siya sa computer saka rin marahang tumango. "Sure miss..." I smiled a bit and crouch to use the computer. Itinipa ko agad ang pangalang V Tayden at hindi naman ako nabigo dahil may natatanging Tayden nga ang may pangalan doon. V Tayden Delafuente... Kinabisado ko ang room nito saka rin ako lumabas. Pamilyar sa akin ang Delafuente pero hindi ko mahukay sa isip ko kung saan ko iyon narinig. Nevermind. First day of school, sa halip na nasa klase na ako. Heto ako sa hallway, naglalakad at hinahunting iyong nagngangalang Tayden. Hindi naman sa desperado ako diba... pero iyong ganoong klaseng mga lalake, dapat sinusunggaban agad! Baka may makabingwit pa edi siya ang nakinabang! Kung nalaman ni Celina itong pinaggagawa ko sigurado akong matatalakan niya ako ng pagkahaba-haba. Nasa panahon pa iyon ni Maria Clara. Gusto niyang ang una niyang magiging boyfriend ay magiging asawa niya. Wala siyang panahon sa panandaliang kaligayahan. Well, magkaiba kaming dalawa. Basta nagkagusto ako, sagad na kung sagad. I'll get him in any ways I know... Nakarating rin ako sa classroom kung saan ko makikita iyong nagngangalang V Tayden Delafuente. Kumatok muna ako bago iyon buksan lalo na't nagsisimula na ang kanilang klase. Mukhang nagpapakilala pa lang naman sila. Napalingon sa akin lahat ng estduyante. Ang guro namang nasa harapan ay medyo nagulantang nang makita ako. Agad niyang binuklat ang attendance record niya at may kung anong hinanap doon. "Nandito ba si V Tayden Delafuente?" tanong ko kaya naibalik niya sa akin ang tingin. Kalmado na ito hindi katulad kanina na mukhang kinakabahan. "Akala ko nasa klase kita Miss Enriquez. Iyon pala ay may sadya ka lang dito..." Medyo natawa ito, na tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. "Si Tayden Delafuente?" Pag-uulit ko. May mga estudyanteng babae ang napatingin sa lalakeng nasa likod. Nakasandal ito sa kanyang upuan at nasa labas ang tingin. Wala naman sanang headset na suot pero ba't parang walang naririnig? "Sino yan?" May narinig akong isang estudyanteng babae na nagtanong. Sa mukha palang nito halatang nagtataray na.  Binalewala ko iyon, pumasok ako ng buo. Ang guro naman ay pinagmasdan lamang ang bawat kilos ko. "Tayden?" Tawag ko rito. Kaso sa pangatlong ulit ay parang wala man lang itong narinig! Sa sobrang inis ay hindi ko na napigilang lapitan ito. Hinampas ko ng malakas ang desk niya. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong binabalewala ako.  Nagulat lahat ng estudyanteng naroon. Na kahit ang guro ay napatayo na. Doon lang rin napatingin sa akin itong lalakeng nagngangalang Tayden. Napakurap siya at mukhang nagulat dahil sa ginawa ko.  "May problema ba? Ba't mo inaaway ang armchair ko?" Inosente nitong tanong na ikinangiwi ko. Ba't parang ang weird naman ata ng lalakeng ito?  May mga babaeng nagbubulung-bulungan na. Itong nagngangalang Tayden naman ay nanatili ang tingin sa akin. I must admit, gwapo siya. He got innocent face. Hindi ko alam kung totoo ba ang isang ito o isang fanart. He looks surreal...  "Nasan iyong kaibigan mong bakla?" tanong ko. "Bakla?" "Oo bakla. Nasaan siya?" Humalukipkip ako sa harapan niya. Para itong nag-iisip ng kung ano at hindi niya alam kung anong isasagot sa akin. "Anong pangalan?" tanong niya Napaawang ang bibig ko. Handa na akong bumigkas nang matigilan rin ako dahil hindi ko naman iyon kilala. Natutop ang aking labi. Marahas akong napahinga sa ilong ko. "Basta iyong bakla mong kaibigan!"  Napakurap siya. Parang walang ediya sa pinagsasabi ko. "Uhm, Miss Enriquez... mukhang walang ediya ang estudyante ko sa sinasabi mo. Pwede bang..." Nilingon ko ito. Ngumiti ito sa akin ng pilit. Ibinalik kong muli sa lalakeng nagngangalang V ang tingin ko. Wala ba talaga siyang alam?  Wala akong nakuhang sagot kay V kaya ang ending ay bumalik nalang ako sa klase ko. Hindi na ako nakapagpakilala pa at late pa ako first day of school sa klase! Hindi maalis sa utak ko iyong lalakeng hindi ko alam kung bakla ba talaga o ano. Bakit may ganoong lalake? Bakit bigla silang nagiging bakla? Hindi ba nila malinaw na nakikita ang maselang parte ng katawan nila at napagkakamalan nilang sa babae kaya ganoon sila? Akala ba nila mamumukol rin ang dibdib nila? Nakakacurious tuloy. I can't believe nagkacrush ako sa isang bakla! Wala ako sa sarili ko sa lahat ng subjects. Paglabas ko ng room para sana magrecess ay may narinig akong usap-usapan. Isang babae kuno ang nagpapapansin sa isang Tayden Delafuente. Na sumugod pa daw sa classroom para lang magpapansin. Seryoso ba sila sa ipinagkakalat nilang balita?! Oo sumugod ako pero hindi para magpapansin!  Inis na inis ako sa kumalat na balita. Pero ang nakakapagtaka ay bakit naman kakalat? Mukhang wala naman silang alam kung sino ako. Ni hindi nga ako pinangalanan.  Nasa hallway na ako nang makita kong muli iyong nagngangalang Tayden. Wala sa sarili na akong napatakbo para lang maabutan ko ito.  "Tayden!" Tawag ko sa kanya. At katulad ng nangyari kanina sa classroom nito ay parang wala lang itong narinig. Para siyang may malalim na iniisip kaya wala siya sa sarili niya always! Tapos ang weird pa ng tanong niya sa akin nang hinampas ko yung desk niya. I can't believe may mga ganito palang lalake... Mas binilisan ko nalang ang pagtakbo. Nang maabutan ko ito ay mabilis akong humarang sa harap niya. Hinahabol ko pa ang hininga ko. Si V naman ay huminto sa harap ko, magkasalubong na naman ang kilay at inosente ang mukha.  "Ikaw yung babaeng umaway sa armchair ko diba?" His lips curved a bit.  Kahit naweweirduhan ako ay tumango ako. "Yep. Ako 'yon. Yung kaibigan mong bakla. Anong pangalan niya..." sabi ko habang hinahabol parin ang hininga.  Katulad ng nangyari kanina ay para na naman itong nag-isip ng malalim.  "That handsome gay! Wala ka bang baklang kaibigan na gwapo?" dagdag ko pa.  "Siguro meron pero nakalimutan ko lang." sagot niya sa akin na ikinaliwanag ng mukha ko. Pero pwede ba iyon? Kaibigan niya pero nakalimutan niya lang? "Ang sabi mo diba kaibigan ko?" tanong niya ulit na mabilis kong ikinatango. Ba't pakiramdam ko hindi normal itong kausap ko? Nag-isip siyang muli. Mahahalata mo iyon sa kanya dahil sa mga mata niyang nasa itaas ang tingin at tila naglalakbay roon. Napatingin narin ako sa taas. Nang umiling ito ay bumagkas muli ang tingin ko sa kanya. "Sorry miss pero wala akong maalala. Tatanungin ko nalang ang iba ko pang pinsan, baka sakaling kilala nila."  Napasimangot agad ako. Nagpaalam ito sa akin na aalis na dahil may pupuntahan pa. Pabalik na ako sa klase ko nang may marinig ulit akong bulung-bulungan. Nope, hindi iyon bulung-bulungan dahil halatang pinaparinggan ako. "Halatang b***h. Nagpapapansin eh halatang hindi naman siya gusto."  Napalingon agad ako sa tatlong babae. Isa roon ang nangahas na ngitian ako ng nakakaloko at mukhang siya rin iyong nagsabing b***h ako. Ah, b***h pala ha.  Naglakad ako papunta sa kinatatayuan nila. Humarap naman sila ng buo at mukhang hinihintay ang paglapit ko. Iyong babaeng may maiksing skirt kagaya ko ang humalukipkip at nakataas pa ang isang kilay. Para itong nanghahamon. Let's see then. "Ano ulit yun? b***h ako? Nagpapapansin?" Tumaas ang kilay ko.  "Bakit, hindi ba?" Mas ngumisi ito ng nakakaloko. Iyong dalawa naman ay mukhang natatawa na.  Ngumiti narin ako, sa pagkakataon na ito ay mas matamis pa sa kanilang tatlo.  "Pakisabi nga ulit." Panghahamon ko. "b***h ka. Papansi--Ouch!" Napatili na ito dahil hinila ko na ang suot nitong blouse na pati ang buhok niya ay nasama ko narin. Pinagtulungan narin ako ng dalawa. May humila sa braso ko at meron ring sa buhok ko. "Sige! Pagtulungan niyo ako para kick-out kayong tatlo! Anak ako ng may-ari! Ako si Anne Enriquez!" Sigaw ko sa kanila sanhi para mabitiwan ako ng dalawa. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para silang tatlo ang paghihilain ko. "Mga chismosa!" Nanggigigil kong sabi at kinaladkad sila pababa. Nagtititili silang tatlo. Iyong isa na hinila ko kanina ang blouse ay nakikitaan na ng dibdib dahil sumabog na iyong dalawang botones. Ang lalakas ng loob na pagsalitaan ako ng kung ano! "Miss Enriquez!" Isang pito na ng guard at ang mga yapak ng paa ang narinig ko. Lahat ito ay nagmamadaling makapunta sa harapan ko. May humila sa akin sa beywang. Habang ang tatlo naman ay napaatras agad. Namumutla dahil mas nakumpirma nila ang apelyido ko. "Let go!" Nagpumiglas ako sa lalakeng guro na umawat sa akin. Base narin sa suot nito. "Calm down Miss Enriquez or else makakarating ito sa Mommy mo!" That made me calm down. Lagot na naman ako nito. Wow, first day of school. Nakahalukipkip ako sa aking silya habang nakapatong ang isa kong hita sa isa pa habang nakaupo rito sa loob ng office. Nasa harapan ko naman ang tatlong babae na yumuyuko at nahihiya nang ipakita ang mukha sa akin.  Gusto ko silang suguring muli at paghihilain ang buhok. Kung hindi lang talaga bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng nagpapigil ng hininga ko. She's looking at me like she's expecting this to happen. Napanguso ako habang siya naman nailing lang sa akin.  "Mommy." Tumayo ako at humalik sa pisngi niya. Nilingon niya iyong tatlo. "May masakit ba sa inyo?" tanong niya rito. Mas napanguso ako. "Ako dapat ang tinatano--" Nang makita ko kung gaano katalim ang tingin niya ay umirap nalang ako. Darn it.  "W-Wala naman po, Maam." sagot ng isa sa kanila kahit na halata iyong kalmot sa pisngi niya. Hah! Buti nga! "I'm sorry for my daughter's behavior. Anne, say sorry." Bumaling si Mommy sa akin. "No! They called me b***h! Ba't ako magsosorry?" Inis kong sagot na ikinakurap ni Mommy. "Yes Mommy. Ang nag-iisa mong magandang anak ay sinabihan ng tatlong impaktang iyan na b***h daw. Papayag ka ba doon, ma?" Pagpapakonsensya ko.  "Girls, masama iyong pinagsasalitaan niyo ang kapwa niyo babae ng ganoong bagay. Aaminin ko spoiled brat ang anak ko pero parang hindi ko naman ata matatanggap na tinawag niyo siyang bitch." Napangiwi si Mommy sa sinabi niya. Ako naman ay ngising aso na at tinataasan ng kilay ang tatlong hiyang hiya ang mga mukha. Lumabas iyong head ng office kaya naibaling ni Mommy sa kanya ang atensyon nito. "I'm sorry Madame kung naabala pa namin kayo. Concern lang rin kami kay Miss Enriquez kaya ipinaalam na namin sa inyo ang nangyari." Mahinahon nitong pagpapaliwanag sa ina ko. "It's okay. I am expecting this one to happen anyway. Let's talk inside." Tiningnan ako ng makahulugan ni Mommy bago sila ulit pumasok sa loob. Naiwan akong kasama ang tatlong ito.  "Masyadong maliit ang skirt mo, bukas na bukas, gusto ko mahaba na iyan katulad ng sa iba. Ako lang ang may karapatang magsuot ng ganyan dito sa eskwelahan namin." Mataray kong sabi sa babaeng nasira ang dalawang botones ng blouse. Binigyan naman siya ng extrang blouse ng office head kaya pwede siyang magpalit mamaya.  And that's how I met Aretha, Sam and Shally. Sila na ang naging close friend ko sa school. Not really my close friends. Let's just say utusan. Sila ang kasama ko araw araw. Simula nang sinabunutan ko sila ay kumalat iyon sa buong school. Kumalat rin na anak ako ng may-ari. Maraming issue ang kumalat. Na crush ko raw iyong si Tayden. Kaya may mga babae nang natatakot na magkacrush sa kanya dahil baka raw ay matulad sa tatlo na sinabunutan ko. Akala nila nagselos ako dahil crush rin nila si Tayden. But no, sadyang narinig ko lang talaga silang pinagsasalitaan ako ng masama. At hinding hindi ko iyon mapapalampas. Sanay naman si Mommy sa mga gulong nagagawa ko pero pagdating ko sa bahay ay nabungangaan parin ako. Pag hindi pa daw ako umiwas sa away ay isusumbong niya na ako kay Dad which is not good. My Dad will surely get mad! Kaya nga kinaibigan ko nalang rin ang tatlo para hindi na maparanoid si Mommy. "Nandito si Tayden." Niyugyog agad ni Sam ang kamay ko. Napatingin narin ako sa may pinto kung saan kakapasok lang ng nakapamulsang si Tayden Delafuente. Nasa cafeteria kami ngayon kumakain.  Sumipol ako. Napatingin sa akin si Tayden kaya kinawayan ko agad ito. Ngumiti siya sa akin at dumiretso na sa harap ng counter. May mga babaeng napapatitig sa kanya pero pag namamataan nila akong nakatitig rin kay Tayden ay nag-iiwas na sila ng tingin. Well, it's not bad to like Tayden. Kahit hindi naman talaga ito ang gusto ko ay parang nagugustuhan ko narin siya. Dahil narin sa mga balitang kumakalat na patay na patay raw ako sa kanya dahil nagawa ko pa talagang manambunot. Isipin niyo ang dapat niyong isipin. Bahala kayo.  "Bagay na bagay kayo ni Tayden, Anne! Parehas na maganda at gwapo! Tapos sikat pa sa school!" mungkahi ni Aretha na halatang sipsip lang sa akin dahil anak ako ng may-ari ng eskwelahan na ito. Ngumiti lang ako ng matamis at ininom ang pineapple juice na nasa harapan ko. "Wala ka bang gagawin kay Tayden? Hindi mo ba lalapitan?" si Shally na nagawa pang ngumiti ng pilya.  Hindi na ako sumagot pa at tumayo nalang. Naglakad ako sa kinaroroonan ni Tayden. May binibili itong mga pagkain. At sa pagkakatansya ko. Para iyon sa dalawang tao. Hindi naman siguro para iyon lahat sa kanya diba? "Hey!" I smiled cutely at him nang dinungaw ko ang mukha niya. Nasa likod ko naman ang dalawa kong kamay na nagkasalikop.  Nilingon niya ako. Nginitian. "Oh, ikaw pala..." He gently said. Napatingin ako sa laman ng kanyamg tray. "Ikaw lahat ang kakain niyan?"  Napatingin narin siya doon. Mukhang nag-iisip rin ito kung ano ang isasagot sa akin base sa pagkakasalubong ng dalawa niyang kilay.  "Uh... hindi. May pagbibigyan lang ako. Ikaw, wala ka bang gusto? Pwede kitang ilibre." "Nope, it's okay. I'm still full. Is that for your girlfriend?" Ngumisi ako. I just want to have a light conversation with him pero sa mukha nito ay parang na a-awkward siya sa tinanong ko. "I'm just kidding. Sige! Balik na ako sa upuan ko." Ngumiti ako sa kanya ng matamis saka ako naglakad palapit sa tatlo na tumitili na dahil kinikilig kuno sila sa aming dalawa ni Tayden. Nakakakilig ba 'yon? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD