CHAPTER 4

2046 Words
BUMALIK sa siyudad si Benedict. Aware siya na walang silbi na manatili pa siya sa Rizal. Hindi magbabago ang isip ng matanda tungkol sa kabaliwan nitong kondisyon para ibenta sa kaniya ang lupaing kailangan niya. Mas lalong hindi siya papayag ng ganoon na lang sa gusto nito.                Pero wala siyang balak pakawalan ang bahaging iyon ng kabundukan. Kailangan lang niya mag-isip ng ibang plano para mapapayag ang matanda na ibenta iyon sa kaniya.                Kaya pagkabalik niya sa siyudad dumeretso siya sa headquarters ng Barcenas Real Estate.                “Welcome back, boss,” nakangiting bati ni Joanne, ang kanyang executive secretary at ang taong napagkakatiwalaan niya kapag wala siya. “Kamusta ang lakad mo? Okay na ba ang lahat?”                “Not yet. I need you to do something for me.”                “Anything boss,” mabilis na sagot ng babae.                “Find me a private investigator. Gusto kong malaman ang lahat ng impormasyon tungkol sa matandang may-ari ng bundok na gusto kong mabili. Lalo na ang tungkol sa apo niyang babae.”                Bumakas ang pagtataka sa mukha ng sekretarya niya. Hindi naman niya ito masisi. Iniimbestigahan naman niya lahat ng properties na gusto niyang makuha para siguradong walang sabit kapag binili niya. Pero malalaking properties ang mga iyon at hindi katulad ng bundok na gusto niyang bilhin ngayon.                Pero kahit halatang nagtaka tumango pa rin si Joanne at siniguro sa kaniya na makukuha niya sa lalong madaling panahon ang impormasyon na kailangan niya. Tinanguan niya ito bilang tahimik na pasasalamat na hindi ito nagtanong pa. Ngumiti ang secretary niya bilang sagot. Sa tagal ng pagsasama nila may mga pagkakataong hindi na nila kailangan magsalita para magkaintidihan. He appreciates that.                “So, ano ang mga dapat kong malaman mula nang umalis ako?” tanong na ni Benedict at naglakad na para tuluyang pumasok sa private office niya.                Sumunod sa kaniya si Joanne at inisa-isa sa kaniya ang update sa lahat ng ongoing projects nila. Everything is going according to plan as expected.                “Your father also called the office. Hindi mo raw kasi sinasagot ang tawag niya sa cellphone mo. Makipagkita ka raw sa kaniya. May gusto siyang ipakilala sa iyo.”                Napabuntong hininga si Benedict pagkaupo niya sa kanyang swivel chair. “Hindi pa rin nagsasawa si papa na magpakilala sa akin ng kung sino-sino.”                Tumawa ang kanyang sekretarya at naging mapanukso ang kislap ng mga mata. “Gusto ka kasi niyang mag-asawa, boss. Ang sabi niya sa akin noong tumawag siya, gusto naman niyang makitang lumagay sa tahimik ang anak niya kaya kumbinsihin daw kitang magpakita sa kaniya. Magugustuhan mo na raw talaga ang ipapakilala niya sa iyo.”                Umangat ang mga kilay ni Benedict. “At kakampi ka kay papa?”                Ngumisi si Joanne. “Masarap ang buhay may asawa basta tamang tao ang kapareha mo, boss.”                Napangiti tuloy siya. Aware siya kung gaano kaganda ang marriage life ni Joanne. After all, kaibigan niya ang napangasawa nito. “If you say so. Iyon na ba ang lahat ng dapat kong malaman?”                Sumeryoso ang mukha ng sekretarya niya. “Marami akong naririnig na balak tapatan ng Douglas Real Estate ang project na balak natin gawin sa Rizal, boss. Sinusubukan nilang makuha ang lupain na katabi ng sa atin.”                “Hindi nila iyon magagawa. Gobyerno ang may-ari ng lupain na iyon. Protektado ng DENR. Kung hindi nabili ko na rin sana.”                “So, itong nag-iisang private property na lang talaga na hindi pa binebenta sa atin ang kailangan mo, boss. Malaki rin ‘yon.”                Mariing itinikom ni Benedict ang bibig. Naalala na naman niya ang nangyari kanina. Ang kondisyon ng matandang babae. Ang apo nito. Sunod-sunod siyang napailing. No. Hindi niya susuyuin ang babaeng iyon. Mas lalong hindi niya ito pakakasalan. Marami ng babae ang nagtangkang dalhin siya sa altar at walang nagtagumpay.                “Just do the investigation as soon as possible.”                “Yes, boss.”                Akmang aabutin niya ang folders na nakapatong sa lamesa niya nang biglang magsalita ang sekretarya niya. “Magtatrabaho kayo ngayon?”                “Yes.”                Kumunot ang noo nito. “Boss, umuwi ka muna at magpahinga. Kagagaling mo lang sa ilang linggong trabaho. Wala pa namang trabaho na kailangan mong asikasuhin ngayon mismo. Ang lalim na ng eyebags mo, boss. Hirap ka makatulog sa kung saan ka man tumuloy, ‘no? Kaya mas maganda kung matulog ka muna sa sarili mong bahay para makabawi ka ng pahinga.”                Natigilan si Benedict. May punto ang sekretarya niya. Bigla rin niya naalala ang dinner party para sa girlfriend ni Derek na kailangan niya puntahan mamayang gabi. Bumuntong hininga siya at tumayo. “Fine. Aalis na ako.”                Napangiti ang sekretarya niya at tumango. “Good bye, boss.”                  ALAS DOS ng hapon nakarating sa Bachelor’s Pad si Benedict. Alanganing oras kaya inaasahan na niyang walang tao roon maliban sa dalawa.                Bago magpunta sa elevator na magdadala naman sa kaniya sa fourth floor kung nasaan ang unit niya, dumaan muna siya sa opisina ni Keith sa ground floor. Umangat ang mga kilay niya nang makitang walang tao roon. Pinuntahan din niya ang common area pero wala rin doon ang lalaki. Hindi naman siguro umalis dahil nasa parking lot ang kotse nito. So it’s either he’s in his room or…                Napatingala si Benedict sa isa sa maraming cctv camera na nagkalat sa buong gusali na iyon.                Nagdesisyon siyang umakyat sa Penthouse. Tutal may kinalaman din naman sina Maki sa dream project niya at kailangan niyang i-update ang mga ito sa naging lakad niya. Sakay ng elevator, umakyat siya sa fifth floor. Katulad ng dati matagal na huminto lamang iyon bago sa wakas bumukas ang pinto.                He entered Maki’s lair. Napangiti siya. Kahit ilang beses niyang makita ang penthouse hindi pa rin nawawala ang pagkabilib at pagkamangha ni Benedict. Anim na taon ang nakararaan, nang marinig niya ang proposal nina Maki at Keith para sa ngayon ay ang Bachelor’s Pad, pumayag siya hindi sa perspektibo ng isang negosyante dahil wala naman siyang kikitain kung tutuusin. But he thought it was interesting so he agreed. Iyon ang unang beses na may ginawa siyang proyekto na talagang gusto niya at hindi lang dahil iyon ang magbibigay ng dagdag na kita sa negosyo nila.                At hindi siya nagsisisi. Mas lalong hindi siya nagsisisi na doon siya tumira mula noon kahit na ayon sa kanyang ama marami silang penthouse na pwede rin niyang tirhan na katulad ng kay Maki. Kung sinunod kasi niya ang tatay niya, malamang wala siyang mga kaibigan na katulad ng mga naging kaibigan niya sa Bachelor’s Pad.                “We’re here!” narinig niyang sigaw ni Keith mula sa isang bahagi ng Penthouse.                Nagsimula siyang humakbang papasok. Katulad ng buong gusali, black and white ang motif ng Penthouse. Maki likes his space. Kaya maluwag ang loob at kaunti lang ang mga furniture. Isang indoor fountain na may blue light sa ilalim ng tubig ang unang makikita pagkabukas ng elevator. Ang sunod na mapapansin ay ang one way floor to ceiling glass walls kaya tanaw ang mga gusali at iba pang establisiyemento na nasa labas ng Bachelor’s Pad. Sa pader naman na humahati sa living room at sa iba pang bahagi ng penthouse nakalagay ang marami at iba-ibang laki na LCD screens. Ang pinakamalalaki nagpapakita ng galaw ng stock market. Ang maliliit na screens mula sa mga cctv camera na nagkalat sa buong gusali. Ang iba pang screen nakatutok sa news program ng iba’t ibang istasyon.                Naglakad pa siya at lumiko sa dulo ng pader na iyon hanggang makarating siya sa dining area.                Nakaupo ang mga ito sa dalawang stool sa tapat ng bar counter. Si Keith paharap sa kaniya ang upo at nakatukod ang mga siko sa counter. Si Maki sa bar area nakaharap at patalikod naman sa kaniya. Umiinom ng kape. Mukhang hindi pa natutulog. Malamang may tinatapos na namang trabaho. Lumapit si Benedict sa dalawa.                “Long time no see,” bati ni Keith.                Gumanti siya ng bati. Pagkatapos pinagmasdan niya si Maki. Umangat ang mga kilay niya. “Nakikipagkompetensiya ka ba kay Keith sa pahabaan ng buhok? Go out and have a haircut. Mukha ka nang babae kahit maiksi ang buhok mo kaya huwag mo na pahabain.”               Sumimangot si Maki at tinapunan siya ng masamang tingin.                Si Keith naman natawa. “Sensitive siya pagdating sa ganiyang komento, Benedict. Mula pa nang malaman namin na nagkakaroon ng speculations ang mga significant other ng mga residente tungkol sa tunay na pagkatao ni Maki. May nagsasabing babae talaga siya o kaya gay na gustong mapalibutan ng mga lalaki kaya niya pinatayo ang Bachelor’s Pad.”                Na-amused siya at muling tiningnan ang nakababatang lalaki. “Lumabas ka na kasi sa lungga mo at magpakita sa kanila. Mapagkakatiwalaan mo naman ang mga ‘yon. After all, sila ang mga napili ng mga kasamahan natin dito para makapareha.”                Hindi sumagot si Maki, nag-iwas lang ng tingin. Nagkatinginan sila ni Keith na nagkibit balikat. “So, bakit ilang linggo ka nawala? Anong balita,” pag-iiba na nito sa usapan.                Bumuntong hininga si Benedict at sinabi ang sitwasyon sa natitirang balakid para sa pagsisimula ng dream project niya. Sinabi niya maging ang kondisyon ng matandang babae at ang engkuwentro niya sa apo nito.                Nakita ni Benedict na nag-iisip si Keith kaya akala niya kung anong seryosong komento na ang sasabihin nito nang magsalita, “Anong hitsura ng apo?”                Napasimangot siya. “Anong kinalaman niyan sa pinag-uusapan natin?”                “Aba malaki. Kung talagang ang pagpapakasal sa kaniya ang paraan para makuha mo ang lupain na kailangan mo, importante na kahit papaano ma-tolerate mo ang hitsura niya.”                “I am not going to marry her,” mariing sagot niya.                “Paano ang mountain resort?” biglang tanong ni Maki kaya napunta rito ang tingin niya. Pareho sila ni Keith na nagulat kasi sa tagal nilang pagkakakilala, bihira magsalita si Maki. Madalas puro tango o iling lang ito. Madalas sumasagot lang sa tanong pero hindi nagkukusang magtanong o magbukas ng usapan.                Sandali itong sumulyap sa kaniya. “Dream project mo ‘yon, hindi ba? Kaya nga ayaw mong kung sino lang ang mag-invest sa proyekto mo.”                Nanlamig si Benedict. Nakuyom niya ang mga kamao. Kasi tama si Maki. Katunayan kalahati ng ginastos at gagastusin pa para sa mountain resort ay galing sa sarili niyang bulsa. Half of the fund is his investment. The other half is a collective share from all the tenants of Bachelor’s Pad. Pinakamalaki galing kay Maki at Trick. Kaya nga mas matindi ang kagustuhan niyang maging matagumpay ang proyekto na iyon. Personal at malapit iyon sa puso niya.                Kaya hindi siya pwedeng mabigo. Hindi pwedeng maunsiyami ang plano niya. Pero ang manuyo at magpakasal sa isang babaeng hindi siya interesado?                “You are the ‘Wolf’ of the Real Estate industry, remember? Kilala kang hindi tumitigil hangga’t hindi mo nakukuha ang property na gusto mo. What you want, you get,” sabi ni Keith na mukhang nababasa ang tumatakbo sa isip niya.                Naningkit ang mga mata ni Benedict. May nakita kasi siyang pilyong kislap sa mga mata ng kaibigan niya. “Are you enjoying my difficult situation?”                “Hindi ah,” pagmamaang-maangan pa ni Keith. Pero nakikita niya ang amusement sa mukha nito.                “Nasa iyo pa rin naman ang desisyon,” tipid na sabi ni Maki at humarap na ulit sa bar area. Hindi na ito nagsalita pa ulit.                Huminga ng malalim si Benedict. Mahabang katahimikan ang namayani bago siya nagpasyang ibahin na ang usapan. “Anyway, magpapahinga na muna ako sa unit ko. May party daw sina Derek at Jella mamayang gabi. Pupunta ba kayo?”                “Pupunta ako,” sagot ni Keith. Pagkatapos itinuro nito si Maki. “Itong isa, malabo. May tinatapos daw siyang trabaho. Pero alam ko na alam mo ring nagpapalusot lang siya.”                Biglang tumayo si Maki. “Kayong dalawa, get out.” Iyon lang at tumalikod na ang lalaki at naglakad palayo sa kanila.                Nagkatinginan si Benedict at Keith. Tumayo na rin ang huli at nag-inat. “Tara na nga.”                Umangat ang gilid ng mga labi niya at tumango. Sabay na silang umalis.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD