HINDI makakalimutan ni Lyn ang gabing ‘yon. Kahit sa pagtanda niya, sigurado siyang mananatiling isa sa pinakamasaya at memorable na sandali sa buhay niya ang dinner date na ‘yon. Walang sandaling hindi pinaramdam sa kaniya ni Benedict na espesyal siya. Nang bumaba nga sila sa kotse nito papasok sa restaurant, nakapaikot ang braso nito sa kanyang baywang. Bawat titig nito, bawat pasimpleng haplos, bawat ngiti, parang may gustong sabihin. Buong gabi tuloy mainit ang pakiramdam niya at parang may nagliliparang mga paru-paro sa sikmura niya. Mahilig siya sa pagkain pero sa gabing ‘yon hindi niya masyadong nalasahan ang mga kinain nila. Masyado kasi siyang naka-focus kay Benedict at aware siyang mas naka-focus din ito sa kaniya kaysa sa pagkain. Nang pabalik n