MABILIS ang naging mga pangyayari sa mga sumunod na araw. Nang gabing napagdesisyunan nilang magpakasal, ang usapan ay sa katapusan pa ng buwan ang magiging kasal nila. Sabi ni Benedict kung gusto raw niya ng bongga na kasal gagawin daw nito. Pero tumanggi sila ng kanyang Lola. Hindi niya kailangan ng bonggang kasal. Ayos na kay Lyn na nakatagpo siya ng lalaking makakasama sa habambuhay. Kaso naging sentro na naman siya ng tsismis sa lugar nila. May nakakita pala kay Benedict na bumaba sa bundok nila ng madaling araw na. Kahit na alam naman ng lahat na imposibleng wala sa bahay ang kanyang Lola sa gabi, parang nagtanga-tangahan ang mga tao. Naging malisyoso ang isip. Naririnig niya ang mga pabulong na usapan ng mga tao lalo na sa palengke pero nagbingi-bingihan siya kahit