SA UMAGA ng kasal, may dumating na isang grupo ng mga babae sa bahay nila. Katatapos lang nila maligo ng kanyang Lola at magbibihis na sana pero pinigilan sila ng mga ito. Pinapunta raw sila ni Benedict para sunduin silang magLola. Bago pa makapag-react si Lyn may mga nagbitbit na ng mga isusuot nila sa kasal kaya napilitan silang magsara ng bahay at sumama sa mga ito. Sa isang mamahaling resort sa bandang Antipolo sila dinala ng grupo. Sa isang silid doon sila binihisan at inayusan. Pagkatapos ‘non isinama sila ng dalawa sa mga babaeng ‘yon palabas ng silid at papunta sa kung saang bahagi ng resort. Nakarating sila sa isang garden na may open chapel sa isang side. Tumalon ang puso ni Lyn at uminit ang pakiramdam niya nang makitang inayu