FIRST TIME niya magpa-spa. Ang sarap pala. Sa totoo lang, marami siyang first time experience na nangyari mula nang makilala niya si Benedict. At alam niya na marami pa siyang mararanasan sa unang pagkakataon na ito ang kasama niya. Nakakasabik na nakakatuwang isipin. Nagrelax nga lang sila maghapon at pagsapit ng gabi, kumain ng dinner for two na may kasama pang red wine. First time din ni Lyn nakatikim ng wine. Manamis-namis pala ‘yon. Naparami yata siya ng inom kasi nang tumayo na sila mula sa lamesa para magpunta sa silid nila medyo nawala siya sa balanse at muntik na matumba. Mabuti na lang maagap siyang nayakap ni Benedict sa baywang. Napasandig siya sa katawan nito. “Sorry.” “Sinabi ko na sa’yo na dahan-dahan lang sa wine. You didn’t listen to me,” s