Kabanata II

972 Words
Kabanata II Ben Lana Del Rey’s Young and In Love played in full blast while I pour my heart out feeling its lyrics. Masigla akong naglalaba habang gumagalaw ang ulo upang sumabay sa saliw nito. Habang nagkukusot ng mga damit ay nakikikanta ako sa paborito kong mang-aawit. Lana has been my go to artist. I can say that her music saved me from the pits of darkness. Ang boses niya ang nagbibigay buhay sa patay kong pagkatao. Siya ang naging karamay ko sa kadiliman na aking kinasasadlakan.  My chain of thoughts was cut off when a messenger call replaced Lana’s soothing voice. I immediately got my phone to answer the call.  Mar Flores wants to video chat with you. Ang bagong ligong mukha ng ama ko ang sumalubong sa akin nang sagutin ko ang tawag. Katabi niya ang babaeng nagpaiyak sa aking ina at sumira sa pamilya namin kung kaya’t bungad pa lang ay nawalan na ako ng gana. Tanging tango, oo, at hindi lamang ang sinasagot ko sa kaniya habang masigla naman siyang nagki-kwento. Nang mapansing halos hindi ako nagsasalita ay biglang umiba ang ekspresiyong nasa kaniyang mukha. Mula sa maaliwalas at masayang itsura ay naging seryoso ito. “Anak, alam kong mahirap tanggapin subalit ilang taon na ang lumipas. Sana nama’y maintindihan mo ang desiyon ko. Let’s move forward. I know na masaya na rin ang mama mo...” Kahit na hindi pa siya tapos magsalita ay agad ko nang binaba ang tawag. Masaya? Nasaan ang kasiyahan sa gabi-gabing pag-iyak ni mama? It has been years but the pain of not being enough and the endless thought of what she did wrong still haunts my mother every night. If that is happiness, then I don’t want my mother to be happy. Kasalungat nang nararamdaman ko kanina ang naghahari ngayon sa aking sistema. Ang sayang nakuha ko sa pakikinig kay Lana ay napalitan ng galit dahil sa tinuran ng aking ama. How can he be so insensitive? Dahil sa pagka-irita ay nagpasya na lamang akong tumigil muna sa paglalaba upang mag-f*******:. Baka sa pagkusot ko pa mailabas ang galit ko at mapunit ang mga damit.   My eyebrows furrowed when I saw an unfamiliar name on my notifications. Ian Nojas posted an update. I was about to scroll through it when I saw his profile picture. I hurriedly clicked it and it redirected me to his post. “An object at rest will remain at rest and an object in motion will remain in motion unless acted upon by an external net force. Gaya ng pag-ibig, ang pusong tahimik ay mananatiling tahimik maliban na lamang kung may kakatok at gagalaw rito. Katukin at galawin niyo rin ako please.”            Bahagya akong nagulat nang mabasa ko ang status niya. Di naglao’y napalitan din naman ito ng tuwa at pagkamangha. Muli kong pinindot ang kaniyang pangalan at dinala ako nito sa kaniyang profile. Bagamat bahagyang naka-blur ang kaniyang larawan ay hindi pa rin nito maitatago ang taglay niyang ka-cute-an. May kabilugan ang kaniyang pisngi. Pula at mukhang malambot ang kaniyang labi na tila nanghahalinang halikan. Kumikinang din ang kaniyang mga mata sapagkat nakangiti siya sa litrato.            Nang muli kong pasadahan ang kaniyang larawan ay kusang pumaskil sa aking mukha ang isang matamis na ngiti. Biglang tumahimik ang paligid at wala akong ibang makita kundi ang maaliwalas niyang itsura. Bago pa ako tuluyang malunod sa kaniyang mga tingin ay pilit kong ginalaw ang aking daliri upang sana’y umalis sa kaniyang profile subalit kabaliktaran ang nangyari at sa halip ay ang message button ang aking napindot.            And so, I took it as a sign and said hi. Seconds later he left me on seen.            Hindi naman papayag ang pride ko na ganoon ang mangyari kung kaya’t sinakyan ko ang trip niya sa f*******: kanina. Muli akong nagpadala ng mensahe subalit kagaya ng nauna’y hindi niya ito ni-reply-an. Imbis na maghintay ay nagtungo na lamang ako sa youtube upang manood ng videos.            Makalipas ang ilang minuto ay saka lamang ako bumalik sa messenger at laking gulat ko nang may makita akong mensahe mula sa kaniya. Isang simpleng “yes please” lamang iyon subalit iba ang sayang dala nito sa akin. Agad naman akong nagtipa ng ire-reply sa kaniya. Salungat ng inaasahan ko ay na-seen niya ito kaagad. Mabilis din siyang nag-reply. Ang nakakatuwa pa rito’y ang pormal niyang mag-chat. Tama ang punctuation at spelling. Maging ang proper capitalization nga ay ginagamit niya rin.            Hindi ko namalayan at mahaba na rin pala ang naging usapan namin. Mabilis ang pag-ikot ng orasan habang ka-chat ko siya. Marami kaming napag-kuwentuhan at sa buong pagkakataong iyon ay hindi maalis sa aking mukha ang isang matamis na ngiti.  Nalaman kong galing siyang Maynila sapagkat doon siya nag-aaral. UP Diliman kaya alam kong may ibubuga ang kaniyang utak. Mahahalata rin naman ito sa pamamaraan niya nang pakikipag-usap. Civil Engineering ang kaniyang kurso subalit mas gusto niyang magsulat. Dalawampung taong gulang na siya. Mahigit dalawang taong mas matanda sa akin ngunit ang bata namang tingnan ng kaniyang itsura. May nakakabata siyang kapatid na babae at parati niya itong kasama sa pictures. Natigil ang aking iniisip nang lumabas sa notification panel ko ang kaniyang pangalan. Good night, Ben. I’m sleepy na so I’d probably go to sleep. Get some rest as well. Pagbasa ko sa huling mensaheng ipinadala niyang nagbigay ng bolta-boltaheng kilig sa akin. Nawala na sa isip ko ang paglalaba at tanging sa kaniya na lamang natuon ang buo kong atensyon. Good night. Tulog ka na. Gagalawin pa kita. Este kikilalanin pala. Muli kong reply. Nang gabing iyon, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakahanap ako ng karamay at tagapakinig. Walang kaalam-alam na ang taong kausap ko ang magsisilbi kong tahanan sa mga panahong wala akong masisilungan at tanging init ng pagmamahal ang kukupkop sa puso kong matagal nang naghahanap ng kanlungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD