Sa Dulo ng Bahaghari

Sa Dulo ng Bahaghari

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
tragedy
comedy
sweet
heavy
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Ben

“At kahit na ang paningin ko’y tanging sa kadiliman ng gabi na lamang pamilyar, ay makikita pa rin kita— ang labi mong may pagkakalimbahin ay maaalala ko sa tuwing ang sinag ng araw ay tatama sa aking balat at ang mga mata mong nangungusap ay papasok sa ‘king isipan sa tuwing maririnig ko ang mga alon sa dalampasigan. Sapagkat ikaw at ang mundo ko’y iisa. At ang mga kulay na abot ng aking tanaw ay kawangis ng ‘yong mga katangian.”

Payapang pumatak sa huling pahina ng librong iyong sinulat ang aking mga luha. Napatingala ako sa kalangitan at pait na napangiti.

“Mahal, sana’y makuha mo akong hintayin sa dulo ng bahaghari. Kung saan ang kasiyahan ay walang katapusan at ang pagmamahal ay may katiyakan,” mahina kong bulong sa hangin. Umaasang ang isinisigaw ng naghihinagpis kong puso’y madala nito sa kalangitan.

chap-preview
Free preview
Prelude
Prelude Ian Tuwing gabi, kung kalian tahimik ang lahat at maging ang maingay na mundo’y mahimbing na natutulog, ay naisusulat ko ang pinakamalungkot na mga linya. Mula sa bintana ay tanaw ko ang kalangitang binalutan ng mga bituin at sa bawat pagkislap nila’y sumasabay ang pagpatak ng aking mga luha. Subalit ang gabing ito ay iba kaysa sa normal na mga gabing hinayaan kong lumipas habang tulalang nakikipaglaban sa aking isipan sapagkat ako’y nakahimlay sa kaniyang dibdib at ang kaniyang bisig ang nagsisilbi kong tahanan. Sa init ng kaniyang yakap at sa lamyos ng kaniyang paghawak ay nakahanap ang puso ko ng kanlungan. Ngunit, kagaya ng buwan, alam kong lahat ay may katapusan at ang mga alaalang pinagsaluhan namin ay maglalaho rin pagdating ng araw. “Mahal?” pagtawag ko sa kaniyang pansin. Ang mga mata niyang nangungusap ay tumuon sa akin. “Bakit ka umiiyak?” marahan niyang tanong habang pinupunasan ang luhang naglandas sa aking pisngi. Kumawala ang mga daga sa aking puso nang marinig ko ang malamyos niyang boses. Kinuha ng malaya niyang kamay ang aking palad at marahang ipinagsalikop ang mga ito habang unti-unting bumababa ang kaniyang tingin sa aking mga labi. “Mabaya. Kasing kulay ng mga rosas,” mahina niyang turan habang naglalakbay ang hinlalaking kanina’y nagtuyo sa ‘king mga luha sa nakasara kong labi. Pataas, papunta sa pisngi kong malaya na niya ngayong hawak. “Pinaghalong kahel at kunig. ‘Sing ganda nang papalubog na araw tuwing dapit-hapon,” sambit niya habang hinuhuli ang aking tingin, pilit na tinatantya ang ga-balong palaisipang nananahan sa aking mga balintataw. “Bughaw. ‘Sing payapa ng kalangitang puno ng sinag ng araw,” sabi niya habang unti-unting inilalapit ang mukha sa akin. Ramdam ko ang kaniyang hininga habang magkalapat ang magkaparehong dulo ng ilong namin. “Mahal, ikaw ay isang bahagari. At sa iyong mga kulay ay nakahanap ang puso ko ng pahinga.” Ang puso kong kaninang nakikipagkarera ay tuluyan nang sumuko sa laban ng pag-ibig. Kinulong ko sa kaniyang mga mata ang aking paningin at pait na napangiti. Bahaghari. Kagaya ng bahagri ang kulay ko’y kukupas din pagdating ng araw at sa pagkakataong iyo’y nais kong maabot mo ang iyong pangarap nang muli kitang matanaw, mayakap, at mahagkan sa pamamagitan ng mga ulap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
48.0K
bc

NINONG II

read
639.4K
bc

My Brother's Wife [GxG]

read
89.9K
bc

NINONG III

read
400.6K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.4K
bc

Zion's Akira (BxB)

read
26.1K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
54.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook